FULL TEXT: Ano ang plano ni Isko Moreno sa ambulant vendors ng Maynila?

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

FULL TEXT: Ano ang plano ni Isko Moreno sa ambulant vendors ng Maynila?
‘Papayagan ko sila, ’yong mga taga-Maynila lang. Those who are not from Manila, you have no business using, utilizing our roads at makapamerwisyo ng kapwa.’

MANILA, Philippines – Nang maglabasan sa social media nitong nakaraang linggo ang mga retrato ng maluwag at malinis na kalye at sidewalk sa Divisoria, Pritil Market, at Carriedo, hindi lahat ay pumuri sa inisyatiba ni Mayor Isko Moreno. 

Habang pinuri ng mga residente, netizens, at ng Department of the Interior and Local Government ang political will ng bagong alkalde sa pagpapaalis ng mga nakakatrapik na nagtitinda sa kalye, may mga nagtanong naman kung paano ang kabuhayan ng mga ito kung napatalsik mula sa dating puwesto nila. Maraming mambabasa rin ang nagtatanong: ano ang plano ni Isko sa Divisoria? 

Inilatag na ni Moreno sa Rappler ang mga balak niya ilang araw lamang matapos siyang iproklama. Noong Mayo 18, ipinaliwanag niya sa Rappler Talk with reporter Rambo Talabong ang mga pagbabagong sisimulan niya sa Maynila. 

Narito ang bahagi ng interbiyu tungkol sa ambulant vendors. 

‘Yung road clearing projects, ‘yung street vendors, paano mapapanatili ang kanilang hanapbuhay? 

Tandaan po ninyo…biased ako sa kapwa ko mahirap kasi ikalulugmok ko eh, personally. Just being honest with you, masakit sa dibdib ko magpaiyak ng mahirap dahil doon ako nanggaling. Bagama’t gano’n ang pakiramdam ko, ang aasahan sa ’kin ng mga manonood natin ay pananatalihin ko ’yong inatang sa ’king responsibilidad.

So paano mababalanse ’yon?

Papayagan ko sila, ‘yong mga taga-Maynila lang. Those who are not from Manila, you have no business doing, using, utilizing our roads at makapamerwisyo ng kapwa. Pangalawa, pinayagan ko sila, ang garantiya ko sa kanila ‘yong binabayaran nilang 350 pesos ngayon, 180 pesos, 220 pesos, at ‘yung rights bawat unit, bawat kalye – alam mo ba’ng may rights pa ‘yon? 30,000 [pesos], 50,000. Kung makaatagpo kayo, kakalusin ko po lahat nung indibidwal na ‘yon.

These fees are not for the city because the law says 20 pesos ang babayaran mo as ambulant vendor, but it seems, sa maniwala ka’t sa hindi, as we speak, ang binabayaran nila siento-otsenta, dos-bente, tres-singkwenta.

Meron nang patong.

Para kay Eddie’t kay Patty. Kilala mo ba si Eddie?

Sino sila, sir?

Eh di siya. Sino ba si Patty? Pati sila.

So may korapsiyon na ring nangyayari rito.

At ang masakit dito, Rambo, itong mga ‘to alcohol. Itong mga taong nang-aapi sa mga mahihirap, alcohol. Alam mo kung bakit? Walang patawad sa mikrobyo. Dati, ang pagnanakaw sa gobyerno, ninanakaw lang kaban ng tao. Ito’y pampahirap pa sa tao. 

Can you imagine, asa’n ang puso mo? Can you just tell me, meron na ngang chaotic situation, ‘yun pala kaya mo ina-allow, just to gain [from it]? Ako, ia-allow ko pero [it] must be government [in charge]. Katulad ng sinasabi ko sa ’yo, may inatang na responsibilad na sa ’kin. Hindi ko naman puwedeng tatalik’dan ‘yon dahil ako’y galing sa hirap.

Gusto ko, gamitin din ng mahirap ang kalye kasi mahirap din naman ang gumagamit ng kalye. Most of it. Sino ba sumasakay sa jeep? 90% ng sumasakay sa jeep mahirap din, dahil kung mayaman ‘yan ‘di naman sasakay sa jeep. Eh nagka-cutting trip [ang jeep]. Bakit? Eh kasi walang madaanan. Bakit? Eh it’s chaotic. Ah, eh put order.

We will tolerate [a] certain level of, you know, compassion, love, care – but at the same time we have to be firm, we have to be consistent. There has to be order. Ang mga mangingibabaw ay pamahalaan. Immaterial of what form of government, whether you’re communisty, socialist, monarchy, federalism, parliamentary, democratic, it doesn’t matter. There must be government. Government puts order. So ang aasahan ‘nyo po sa ’kin: makakakita kayo mangilan-ilan aayusin ko, papapanatagin ko ang katayuan nila, pagagaangin ko ang katatayuan nila, magagamit ‘nyo ang kalye. Pero ang lahat ng ‘yan ay kailangan ko ng pang-unawa ng bawat isa.

Magkano na ‘yung sisingilin sa kanila?

Bente pesos.

Talagang flat rate, 20?

Of course, that’s ambulant…

Walang patong?

Eh may resibo ‘yon eh.

Walang wala?

May resibo ‘yon, you use hawker’s fee.

Saan pupunta ’yung pera?

Sa gobyerno. May resibo, resibo ng gobyerno. It’s in ticket form, just like [when] you [are] parking your car. You receive a small ticket and it’s stated there.

Binigyan mo na sila (vendors) ng pagkakataong lumaki ang kita kasi inalis ko ‘yung kakumpetensiya nilang ‘di naman taga-Maynila. At the same time, inayos ko sila (mga kalye) para magamit ng tao. Pangatlo’t higit sa lahat, biruin mo, neto-neto na siya.

Rappler.com 

(Panoorin ang buong 45-minute interview – Rappler Talk: Isko Moreno on remaking Manila – kung saan sinabi na niya ang mga kalaunan ay nasaksihan ng publiko sa unang linggo ng kanyang panunungkulan simula Hunyo 30.) 

 

 

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!