Full text: Cardinal Tagle on #MillionPeopleMarch

Rappler.com
'Maglingkod nawa kami nang walang hinahanap na kapalit. Maging marangal nawa kami sa lahat ng aming iisipin at gagawin.'

PRAYERS: Cardinal Luis Antonio Tagle join protesters in Luneta. Screenshot of Rappler's live coverage of the protests

MANILA, Philippines – Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, who earlier broke into tears the first time he spoke in public against the extent of pork barrel corruption, joined the #MillionPeopleMarch in Luneta on Monday, August 26.

Watch his full speech below:


Below is the full text of the prayer and statement he delivered at the peaceful protest rally:


Panalangin at Pahayag ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio G. Cardinal Tagle, Arsobispo ng Maynila, Para sa Million People March, 2 Agosto 2013

Panalangin

Mapagmahal na Dios, salamat po sa inyong kabutihan sa amin. Salamat sa mga dakilang Pilipino at aming ginigiliw na bayan. Patawarin din po ninyo kami sa aming pagkakasala, pagmamalabis at maraming pagkukulang. Samahan po ninyo ang aming pagtitipon sa araw na ito.

Lumambot nawa ang mga pusong nagmamatigas. Mabuksan nawa ang mga matang nabubulagan. Magwika nawa ng katotohanan ang dilang nauutal. Maging payak nawa ang nalulong sa karanyaan. Makipagkapwa tao nawa  ang nahuhumaling sa sarili. Marinig nawa namin ang hikbi ng mahihirap. Maglingkod nawa kami nang walang hinahanap na kapalit. Maging marangal nawa kami sa lahat ng aming iisipin at gagawin. Maghari nawa ang iyong katarungan sa Ngalan ni Jesukristo at lakas ng Espiritu Santo, amen.

Pahayag

Mabiyayang Araw ng mga Bayani sa inyong lahat! Tayo na pong magbayanihan – ibig sabihin, sama-sama at sabay-sabay tayong maging Bayani.

Inaanyayahan ko po ang lahat na tingnan, dinggin at mahalin ang mga dukha at naghihirap bilang mga kapwa at kapatid. Ating damahin ang tibok na puso ng ating bayan. Pakinggan ang tinig ng Diyos.

Sa ating pagkatao, pamilya at barkada,
sa ating palengke, bangketa at bangko,
sa ating paaralan, tanggapan at kalakalan,
sa ating tv, radio at sine,
sa ating texts, Internet at web,
sa ating persinto, kampo at korte,
sa ating sambahan, moske at simbahan,
sa ating kongreso, senado at ehekutibo,
sa ating ilog, dagat at himpapawid,
sa ating kabundukan, kaparangan at kapatagan,
sa ano mang bahagi at bansa ng mundo –

patunayan natin na MARANGAL Ang PILIPINO.

MARANGAL dahil may takot sa Diyos, paggalang sa buhay, pagpapahalaga sa kapwa tao, pagmamalasakit sa bayan at pagaaruga sa kalikasan.

Ang MARANGAL na sarili Ang siyang MAMAYANI.

Mga sistema at patakaran dapat daan ng Kabayanihan!– Rappler.com  

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.