Aquino: Heed honor code outside PMA

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

The President and commander in chief puts in perspective the current controversy regarding the academy's honor system

STAY HONORABLE. President Aquino talks about the Honor Code before Class 2014 graduates of the Philippine Military Academy

BAGUIO CITY, Philippines – President Benigno Aquino III challenged new graduates of the Philippine Military Academy (PMA) to practice the Honor Code beyond the walls of the academy.

Kung tungkulin nating parangalin ang Honor Code sa loob ng institusyong ito, panindigan din natin sana sa labas ng PMA,” Aquino said in his speech before PMA Class 2014 Siklab Diwa Sunday, March 16. (If it’s our responsibility to implement the Honor Code in this institution, then we should also heed it outside the PMA.)

Aquino spoke about the Honor Code amid controversies surrounding it following the dismissal of cadet Jeff Cudia, who met with him Saturday, March 15, at The Mansion, the presidential residence here.

Cudia was declared by the Honor Committee guilty of violating the Honor Code when he lied in his explanation for his tardiness in class last year. The Honor Code calls on cadets not to lie, steal or tolerate cadets who do.

The President met with him and his family on Saturday, March 15, at The Mansion, the presidential residence here, where he assured Cudia of a reinvestigation of his case. The new probe will be handled by Armed Forces chief of staff General Emmanuel Bautista. Cudia was running for honors and was supposed to top his Navy class.

Kung bawal magsinungaling sa klase at sa kapwa kadete, di ba’t hindi din dapat hayaan ang sinuman na linlangin ang kapwa at batas,” the President said to the applause of the audience. (If lying is not allowed in class and among cadets, shouldn’t it be the case that we should also not allow soldiers to lie to anyone and break the law?)

Kung may parusa ang pangungupit ng gamit sa kaeskwela, tumulong kayong papanagutin ang mga nagnanakaw sa pondo ng bayan,” he added, to the applause of the audience. (If there’s punishment against cadets who steal from fellow cadets, then help prosecute those who steal public funds.) 

The military has always been dragged in corruption issues. Two retired generals now face plunder charges over accusations they pocketed millions of funds meant for soldiers in the battlefield.

Cudia’s case is not the first time that the honor system in the academy was put to question. (READ: Ex-AFP chief’s son violated code, managed to graduate)

Below is the full text of the President’s speech in Filipino.

Ngayong araw po, tumatawid ang ating mga kadete patungo sa pagiging opisyal ng ating unipormadong hanay. At bilang mga pinuno, mabigat ang tungkuling nakaatang sa kanilang mga balikat. Ayon nga sa ating Saligang Batas: “Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay tagapangalaga ng Sambayanan at ng Estado. Ang layunin po nito ay siguruhin ang ganap na kapangyarihan ng Estado at ang integridad ng pambansang teritoryo.” Tanging sa mga unipormadong hanay ngang tulad ninyo ipinagkatiwala ng estado ang pagtataglay ng mga armas. Kaya naman inaasahan sa inyo na gamitin ito hindi para abusuhin at maging kasangkapan ng karahasan, kundi upang pangalagaan at proteksyunan ang ating kapwa at bandila sa lahat ng pagkakataon.

Buo ang kompiyansa kong isasabuhay ng lahat ng kasapi ng Class Siklab-Diwa ang prinsipyong ito, at mananatili kayong tapat sa inyong sinumpaang tungkulin. Batid ko nga po: Dangal ang isa sa mga haligi ng institusyong ito—ang dangal ng pagiging kawal, ng pagsusuot ng inyong mga uniporme, at ng pagsaludo sa ating bandila; ang dangal ng pagkakaroon ng isang Sandatahang Lakas, na talaga pong nabawi na ang paghanga at tiwala ng ating mga mamamayan. 

Kaya naman ang hamon sa ating lahat: Kung tungkulin nating pairalin ang Honor Code sa loob ng institusyong ito, panindigan din sana natin sa labas ng PMA. Kung bawal magsinungaling sa klase at sa kapwa kadete, ‘di ba’t hindi rin dapat hayaan ang sinuman, kapwa man sundalo o karaniwang mamamayan, na linlangin at paikut-ikutin ang kapwa at ang Saligang Batas? [Applause] Kung mahigpit na itinatakwil ang pandaraya sa mga pagsusulit, iwasan din sana ang panlalamang sa procurement ng mga armas at kagamitan. [Applause] Kung may parusa ang pangungupit ng gamit sa kaeskuwela, tumulong din kayong panagutin ang nagnanakaw sa pondong pinagpawisan ng taumbayan.

Apat na taon kayong hinubog ng institusyong ito upang isabuhay ang kagitingan, integridad, at katapatan. Subalit saka pa lamang magsisimula ang tunay na mga pagsubok sa pagiging kawal paglabas ninyo rito sa Fort del Pilar. Gaya ng mga nauna sa inyo, haharap kayo sa sangandaan; susubukin ang inyong prinsipyo ng ilang mapanlamang, sisilawin nila kayo ng yaman at kapangyarihan. Bilang Commander-in-Chief, umaasa akong kung gaano ka-automatic sa inyo na ilapat ang teorya at taktikang inyong natutuhan sa tunay na bakbakan, ay siya rin sanang tatag ng inyong prinsipyong itakwil ang mali, at pumanig sa katwiran. Dahil higit sa anumang yaman at kapangyarihan, ang pananagutan at integridad ang dinadakila ng ating mga Boss. ‘Di ba’t kapag hinayaan ninyong apihin ang karapatan ng taumbayang sinumpaan ninyong protektahan at paglingkuran, hinayaan ninyo na ring apihin at yurakan ang inyo mismong karapatan. 

Batid ng inyong gobyerno na kabahagi kayo ng lipunang inyong pinoprotektahan. Ang pangangailangan ng karaniwang mamamayan, ay siya ring pangangailangan ng ating mga kawal ng bayan. Bukod pa ito sa inaasahang mga kagamitan na dapat pong hawak ninyo sa pagtupad ng inyong tungkulin. At sa pagtugon nga po sa mga pangangailangang ito, ang masasabi ko: Malayo na tayo sa nagisnang sistema kung saan ang mismong nasa front line ng pagtatanggol sa bayan, ay sila pang huling natututukan ng pamahalaan. Ang hangad po natin: Bigyang lakas din kayo na paunlarin ang inyong sarili at inyong pamilya. Patuloy tayong naglalatag ng mga hakbang upang hindi kayo mapag-iwanan ng panahon sa kasanayan bilang sundalo at sa kakayahang itaguyod ang magandang kinabukasan. 

Tingnan na lang po natin ang mga ripleng ginagamit ng ating kasundaluhan; panahon pa raw ng Vietnam War ang marami sa mga ito. Ang good news: 63,000 na riple para sa Sandatahang Lakas ang inaasahan nating mapasakamay na ninyo sa mga susunod na buwan.[Applause]Sa pamamagitan nito, mapapagretiro na natin, sa wakas, ang mga ripleng ginagamit na ng ating mga kawal bago pa naipanganak ang Siklab Diwa. 

Napapakinabangan na rin natin at ng ating mga kawal ang mga modernong barko, 8 sokol combat utility helicopters, 3 Navy helicopters, at iba pang makabagong sasakyan. Bukod rito, kasado na rin ang pagbili natin ng 12 lead-in fighter trainer aircraft para sa ating territorial defense operation. [Applause] Target din nating makaronda na sa ating papawirin ang dagdag pang walong combat utility helicopters na gagamitin din para sa search and rescue and disaster-relief missions pagdating po ng 2016. Magsisimula na rin ang bidding para sa pagbili ng dalawang twin-engine naval anti-submarine helicopter. 

Bukod sa modernisasyon ng ating kasundaluhan, nariyan din po ang isinusulong nating programang pabahay. Sa ngayon po, nasa 54,449 na abot-kayang tahanan na ang ating naipagawa para sa mga miyembro ng ating unipormadong hanay. [Applause] Sa pagsasanib-puwersa naman ng Department of Agriculture, Department of Agrarian Reform, Department of Environment and Natural Resources, Department of the Interior and Local Government, Department of National Defense, umuusad na rin ang ating programang pangkabuhayan para sa ating mga aktibo at retiradong kawal. Sa proyektong ito, ang mga lupain sa tatlong kampo-militar – sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, sa Camp Kibaritan sa Bukidnon, at sa Camp Peralta sa Capiz – ay magsisilbing bukal ng kabuhayan ng mga sundalo, gaya ng plantasyon ng kawayan, kape, cacao, at palm oil. Tunay pong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa, mas nabibigyan tayo ng pagkakataong suklian ang serbisyo ng ating mga kawal ng bayan.

Sa huli, malinaw po ang naghatid sa atin sa puntong ito: ang kahandaang ialay ang ating sarili para sa kapakanan ng mas nakakarami. Sa bawat transaksyong papasukin ninyo bilang mga pinuno, nananalig akong hindi matitinag ng tukso ang inyong prinsipyo. Sa panahon ng kaguluhan o matinding delubyo, alam kong magsisilbi kayong sandigan ng lakas at katatagan ng sambayanang Pilipino. Sa panahong malapit kayo sa peligro, at malayo sa inyong pamilya, umaasa akong mangingibabaw ang inyong tibay at propesyunalismo at tiwala sa Poong Maykapal. 

Ito po ang panawagan ko sa bawat kasapi ng Class Siklab-Diwa: itaas pa ninyo ang antas ng paglilingkod at integridad ng ating Sandatahang Lakas. Tiwala akong sa mga susunod na pagsubok na haharapin ng ating bansa, nariyan ang mga Sundalong Ikararangal ng Lahing Bayani sa Diwang Wagas –nagmamalasakit, nagsisilbi, at kasama nating humahakbang tungo po sa matagalang kapayapaan at kaunlaran sa lahat. – Rappler.com

 

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!