Pangilinan: CJ guilty

Rappler.com

MANILA, Philippines – Liberal Party member Sen Francisco “Kiko” Pangilinan voted to convict Chief Justice Renato Corona on Tuesday, May 29.

His failure to declare his millions and property in his Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth over a decade shows a pattern of “dishonesty and culpable violation of the Constitution.”

Pangilinan asked, “Anong masama na ideklara lahat kung walang itinatago?

What has become evident in the impeachment trial is the “systematic concealment of properties,” Pangilinan said. The “disturbing pattern of dishonesty, willful concealment and evasion” on the part of the Chief Justice revealed his character.

“Siya ba ay dapat pagkatiwalaan?” If he is not convicted, he will continue to sit as chief justice for 6 more years, Pangilinan said.

“Kung kaya niyang ipakita ang kawalan ng respeto sa mga senador na napigilan lamang ng Senate President,” the senator-judge said, should he be entrusted with respect in the next 6 years? Pangilinan asked.

“A vote to convict is a vote to end abuses,” Pangilinan said. Having a judicial system that works is critical to a modern state which the country aspires for.  The respect for the rule of law is possible when punishment is swift.

“The rule of law should be respected,” he said, so that it can strike fear in the hearts of those who violate the Constitution.”

Supreme court help?

Pangilinan said previously he sees Corona running to the Supreme Court in the event of a conviction. “He tried it before. He will try it again. He will insist on the SC having the power to overturn a decision of the impeachment court.”

Pangilinan called on Corona to disclose his dollar accounts. He said failure to do so will force the Senate to defy the Supreme Court TRO.

Pangilinan has decried the Supreme Court TRO, saying it is an encroachment on the Senate’s mandate to try and decide impeachment cases. “Hawak, ika nga, sa leeg o sa ilong ng SC ang impeachment court sa TRO na ito.” (The Supreme Court holds the impeachment court in the neck with this TRO.)

Corona accused him of bias in a supplemental petition with the Supreme Court.

Pangilinan was a former member of the Judicial and Bar Council, when he was chairman of the Senate Justice Committee. He opposed the midnight appointment of Corona. – Rappler.com

(Below is the full text of Pangilinan’s explanation of his vote during the trial’s judgment day on May 29)

Hindi dineklara ni Ginoong Corona ang daang milyong piso at dolyar na account. Hindi niya idineklara taon-taon ang mga milyon- milyong pisong pag-aari ng mga condo units. Ang hindi pagdeklara ng makatotohanang SALN taon-taon sa loob ng halos isang dekada ay dishonesty at isang culpable violation of the Constitution.

Ano po ang ebidensiya? Nariyan ang salaysay ng PS Bank President, ng Ombudsman, at ni Ginoong Corona mismo.  P22 Million ang sinabi niya sa SALN niya, ngunit halos P200 milyong cash ang inamin niyang hawak niya. Ito ba ay minor na kakulangan lamang? Dapat bang daang bilyon ang hindi idineklara para maging mabigat ang kaso?

At kung sa malinis na paraan nakuha ang mga ito gaya ng nasabi niya, ano ang masama na ideklara niya lahat dahil wala naman siyang tinatago? Di dapat ikaila kung walang tinatagong masama. Base po sa ebidensiya, maliwanag na nagkaroon ng sistematikong pagtatago ng mga ari-arian, sistematikong pagtatakip sa tunay na halaga ng mga ito.

As a lawyer and an officer of the court, it pains and saddens me to say that clearly the Chief Justice displayed a disturbing pattern of dishonesty, willful concealment, and evasion and a blatant and wanton disregard of the provisions of the Constitution on the SALN.

Sa paglilitis na ito, nakita rin natin ang pagkatao ni Chief Justice. Siya ba ay dapat pa nating pagkatiwalaan? Kung hindi po natin i-convict si Ginoong Corona, anim na taon pa siyang uupo bilang Chief Justice. Kung kaya niyang ipagkait sa mismo niyang kamag-anakan ang kanilang ari-arian sa Basa Guidote gayong daang milyon na pala ang kanyang salapi, siya ba ay dapat pagkatiwalaan sa loob pa ng anim na taon?

Kung kaya niyang ipakita ang kawalan ng respeto sa 23 Senador nung siya ay nagtangkang magwalk-out, na sa aking paniwala ay napigil lamang dahil sa mabilis na kilos ng ating mahal na Senate President, ginawa sa harap mismo ng lahat ng media at buong bansa, paano kaya ang pagtrato niya sa maliliit nating mga kababayan na hindi mga Senador na dumudulog sa kanyang tanggapan para sa katarungan? Siya ba ay mapagkakatiwalaan na rumespeto sa maliliit nating mga kababayan sa loob pa ng anim na taon?

Dapat po siya na ma-convict dahil siya po ay nagkasala. Tulad na lamang ng isang court interpreter sa Davao na sinibak mismo ng Supreme Court dahil hindi nito inilagay sa kanyang SALN ang pag-aari niyang market stall sa palengke.

Tama ba na ang pagsisinungaling ng maliliit ay parusahan habang ang pagsisinungaling ng makapangyarihan ang tungkulan ay i-abswelto?

Sa pagtatapos, si Chief Justice na mismo ang nagsabi sa kanyang talumpati sa harap ng Manila Overseas Press Club noong June 24, 2010 kung ano ang nararapat sa mga huwes na hindi tapat sa tungkulin.

Sabi po niya, “I believe that a member of the judiciary who is found guilty of dishonesty should not only be dismissed from the service; he should also be disbarred—no ifs or buts.

Siya na po ang nagsabi na kapag ang isang huwes ay nagsisinungaling hindi lang ito dapat sibakin sa pwesto—dapat pa itong ma-disbar bilang abogado. Sa kanyang mga labi na mismo nanggaling na nararapat siyang ma-convict at masibak sa pwesto.

Click on the links below for more Rappler stories on the senator-judges’ verdict. 

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.