Manwal ng tamang Filipino inirekomendang gamitin ng media

Michael Bueza

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

Manwal ng tamang Filipino inirekomendang gamitin ng media
May stylebook at mga workshop ang Komisyon ng Wikang Filipino para makatulong sa print, broadcast, at online media

MANILA, Pilipinas – Hinikayat ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang mga miyembro ng media na tumulong sa pagpapayaman ng pambansang wika sa pamamagitan ng tamang paggamit nito sa kanilang mga lathalain at programa.

Sa Kapihang Wika sa Filipino nitong Martes, Setyembre 30, nagbanggit si KWF Chairman Virgilio Almario ng mga halimbawa ng tama at maling gamit ng mga salita at bantas na madalas ginagamit sa print, broadcast, at online media.

Pinuri ni Almario, Pambansang Alagad ng Sining, ang tamang paggamit ng mga sumusunod sa ilang pahayagan at palabas sa telebisyon:

  • diptonggo o patinig na sinusundan ng “w” o “y” (tulad ng sa “diyaryo” at “probinsiya”)
  • gitling (halimbawa: “i-ban” at “de-kalidad”)
  • apostrophe or kudlit (tulad ng sa “n’yo” para sa salitang “niyo” o “ninyo”)

Samantala, pinuna naman niya ang pagiging uso sa media ng maling gamit ng ilang salita, tulad ng “kaganapan” (completeness) at “pangyayari” (event).

“Nagkalat ka ng [maling paggamit], tapos sasabihin mong, ‘Iyan ang gusto ng bayan eh,’ pero ‘kinalat mo iyon,” sabi ni Almario.

“Mahalagang alamin iyong orihinal na gamit ng salita para mabigyan ng pagwawasto,” dagdag niya.

Nabanggit rin ni Almario ang pagkakaiba-iba ng istilo at pamantayan ng media organizations sa paggamit ng mga salita at bantas

Para masolusyonan ito, iminungkahi niyang konsultahin ng mga editor at reporter ang Manwal sa Masinop na Pagsulat na inilimbag ng KWF ngayong taon. Nakabatay ito sa Chicago Manual of Style, sabi niya.

Kinilala ni Almario ang malaking impluwensiya ng media para maipalaam sa publiko ang tamang paggamit ng ng wikang Filipino: “Kayo ang makakapagbigay sa kanila ng mga halimbawa ng tamang spelling [at paggamit ng mga salita].”

“Maging kasama sana namin kayo sa kampanya tungo sa kultibasyon at standardisasyon ng wikang Filipino,” ayon kay Almario.

“Sa pamamagitan ng inyong mas maingat na paggamit ng wikang Filipino, makakapagpakalat tayo ng mga norms, at matuturuan natin ang mga nagnanais gumamit nito sa pagsasalita at pagsulat sa hinaharap,” sabi ni Almario.

Para makatulong sa media, nagsasagawa ang KWF ng seminars at workshops sa wikang Filipino. – Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!
Tie, Accessories, Accessory

author

Michael Bueza

Michael is a data curator under Rappler's Tech Team. He works on data about elections, governance, and the budget. He also follows the Philippine pro wrestling scene and the WWE. Michael is also part of the Laffler Talk podcast trio.