FULL TRANSCRIPT: Cagayan de Oro presidential debate

Rappler.com
FULL TRANSCRIPT: Cagayan de Oro presidential debate
Five presidential candidates face off in the first debate in Cagayan de Oro City. Here's the transcript of that event.

The first presidential debate organized by the Commission on Elections for 2016 was held at the Capital University in Cagayan de Oro on February 21. The first in the Comelec’s PiliPinas Debates 2016 series, it was presented by GMA-7 and the Philippine Daily Inquirer.

As we gear up for the second presidental debate on Sunday, March 20, we recall how the candidates performed in the first event. (For Rappler’s coverage, go to The Cagayan de Oro Presidential Debate: Summary and highlights.)

Here is the full transcript of the two-hour event, which had 4 rounds of questions covering topics on Mindanao, development and poverty, peace and order, the Constitution, and the candidates’ track record. 

 

 

OPENING STATEMENTS

Mike Enriquez: Maayong hapon, Luzon, Visayas, at sa mga kapuso natin dito sa Mindanao. Ito na ang tamang panahon. Palakpakan naman diyan. Magaganap na po sa entabladong ito ang kauna-unahang pagdedebate ng lahat ng mga kandidato sa pagkapangulo sa Eleksyon 2016.

Jessica Soho: Ito po ang kauna-unahang Comelec presidential debate sa loob ng 24 na taon. At ngayon, dinala natin ang debateng ito sa tinaguriang lupang pangako, ang Mindanao. Live po tayo mula rito sa Capitol University sa Cagayan de Oro City.

Mike Enriquez: At kasama ng Mindanao, buong Pilipinas, kasama ang ating mga tagapakinig sa Super Radyo dzBB. Lahat ng himpilan ng GMA at mga miyembro ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas nationwide at worldwide.

Jessica Soho: Pati mga kababayan natin sa iba’t-ibang bahagi ng mundo na nanonood live ng GMA Pinoy TV, nakatutok na.

Mike Enriquez: All present po ngayong hapon ang ating mga kandidato. Sa susunod na dalawang oras, ang kanilang mga plano, ang kanilang saloobin, ang kanilang posisyon sa ilang nagbabagang isyu inyong mapapakinggan.

Jessica Soho: Mahigpit po ang labanan kaya kailangang maging mapanuri. Wala na pong atrasan. Pakinggan at kilatisin ang susunod na pinuno ng ating bayan. Ako po si Jessica Soho.

Mike Enriquez: Ako po si Mike Enriquez at ito ang…

Jessica Soho and Mike Enriquez: Pilipinas Debates 2016.

Mike Enriquez: Magaganap na ang makasaysayang tagpong pinakaaabangan ng buong bayan. Inihahandog ng GMA News and Public Affairs, Philippine Daily Inquirer, at ng Commission on Elections. Kasama ang KBP, ang kauna-unahang paghaharap ng mga kandidato sa pagkapangulo ngayong Eleksyon 2016, dito sa Mindanao, Pilipinas Debates 2016.

Jessica Soho: Kasama po nating magtatanong sa mga kandidato ang editor-in-chief ng Inquirer.net na si John Nery.

Mike Enriquez: At kasama po natin ang nagpasimula sa Pilipinas Debates 2016, ang Commission on Elections, sa pangunguna ni Chairman Andres P. Bautista, welcome Chairman! ‘Wag na po nating patagalin, in alphabetical order po natin silang ipakikilala at bibigyan ng tig-iisang minuto para sa kanilang paunang pamamahayag at pananalita.

Jessica Soho: Narito na po ang kandidato ng United Nationalist Alliance o UNA, na si Vice President Jejomar Binay. Meron po kayong 60 seconds, Vice President.

Jejomar Binay: Mga kababayan. As-salamu alaykum. Mula noon hanggang ngayon kahirapan pa rin ang problema ng ating bayan. Laki po ako sa hirap. Nakaranas po ko ng kahirapan. Kaya naman ho ako, nang manungkulan sa pamahalaan, tinuunan ko po ang problema ng kahirapan. Sa Makati, napababa ko ang bilang ng mahihirap. Maraming nagkatrabaho at nakatikim at nakatamasa ng magandang serbisyo. Nagawa kong pinakamayaman na lungsod ang Makati sa buong bansa. Dahil sa kagustuhan kong maiahon tayo sa kahirapan, siniraan ako at ang aking pamilya ng mga bagay-bagay na walang katapusan. So ako ho ay mamumuno, mga kababayan, dito sa ating bansa na dala-dala ang aking malawak na karanasan, tamang pamamahala, at malasakit sa bayan. Maraming salamat po.

Mike Enriquez: Maraming salamat po, Mr Vice President. Ang susunod po ay kandidato ng People’s Reform Party, PRP, Senadora Miriam Defensor-Santiago. 60 seconds, Senador.

Miriam Defensor Santiago: Maayong hapon sa inyo nga tanan bisan na-late ako, ang eroplano ko kanina, nalipayan guid ako nga nakalab-ot ako akon diri kay gusto ko na kanina mag-swimming na lang ako from Laguna Bay hanggang dito. (Good afternoon everyone though I was late, because of the plane. I am very happy that I was able to be here, because earlier I wanted to swim from Laguna Bay up to here.)

There are many, many things we are rich in this country. We are rich in natural resources, we are rich in people resources, and yet year after year, we hear the same doleful dote from our analysts and economists. We are one of the poorest countries in the 10 ASEAN member community. Why are we so poor? The answer is, because everybody wants to have the money of the government in his own pocket, ganyan sila, lahat sila, ‘pag nag-presidente ako…(inaudible) so what our country needs really is a sense of shared destiny.

Jessica Soho: Narito po naman ang kandidato ng Partido Demokratiko ng Pilipinas, Lakas ng Bayan o PDP Laban, si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, mayroon po kayong 60 seconds, Mayor.

Rodrigo Duterte: Good day! It’s good that Miriam is here. She’s one of the two only qualified to run this country as president. I am here because there is so much criminality, drugs are flooding the country, calling the attention of the national government, and there is so much corruption in government. I propose that if I am president, I would get rid of criminality, drugs, and corruption. Just give me 3-6 months and I will do it for you, I will deliver. Again, I said we cannot go for economic growth unless we start with government. For as long as there are incompetent and corrupt officials in our government we would never reach our goal of a happy country. And so I say that you stand here, and you might consider what I’ve told you this afternoon.

Mike Enriquez: Salamat Mayor, tingnan naman po natin ang independent candidate na si Senadora Grace Poe, 60 seconds, Madam Senator.

Grace Poe: Maayong hapon sa tanan (Good afternoon to everyone). Nararapat lamang na tayo’y nagtitipon-tipon dito para mas maintindihan ng ating mga kababayan ang nangyayari sa kanilang mga kababayan dito sa Mindanao. Ang Mindanao po ang nagbibigay ng pinakamalaking produkto pagdating sa piña, sa mundo pangalawa po tayo. Pagdating naman po sa saging, pang-apat. Pagdating sa niyog pang-lima, pero hindi lang yon, sa buong Pilipinas dito po tayo umaasa ng kalahati ng pangangailangan natin sa mais, at one-fourth sa bigas, kalahati naman para sa isda. Pero bakit patuloy pa rin ang paghihirap ng ating mga kababayan sa Mindanao? Napakarami na pong namuno na may karanasan ngunit ganun pa rin. Ang kailangan ay may tunay na malasakit, mayroong paninindigan, mabilis kumilos at agarang makakapagbigay ng solusyon. Napakaganda ng Mindanao, hindi lang natin dapat puntahan ito, dapat pasalamatan ito. Pino-propose namin 30% ng aming budget ay mapupunta dito sa Mindanao para sa agarang solusyon ng development. Maraming salamat po.

Jessica Soho: At ngayon naman ang kandidato ng Liberal Party, si dating DILG secretary Mar Roxas, 60 seconds po.

Mar Roxas: Magandang gabi sa inyong lahat. Hindi ho ba, pag pinasimple ang tanong, nagiging simple at klaro rin ang sagot. Ano ang tanong? Kung ihahambing natin ang pagpili ng pangulo tulad ng pagpili natin kung sino ang magmamaneho sa ating mga anak araw-araw… sino ang pipiliin natin? Kanino natin ipagkakatiwala ang kaligtasasn ng ating mga anak? Sa isang taong may mga kaso ng pagnanakaw? Sa isang mainitin ang ulo na maaaring maaksidente? Sa isang ngayon pa lang natututong magmaneho? O ipagkakaloob po natin ito sa isang taong matagal na po ninyong kilala, matagal nang nanilbihan at ni minsan, hindi kayo pinahamak at pinagsamantalahan at may magandang rekomendasyon pa sa dati niyang pinagtatrabahuan? Buo ang loob ko sa inyong pagpasya. Maraming salamat.

Jessica Soho: Maraming salamat po sa ating presidential candidates. Maaari rin pong makilahok sa diskusyon sa social media at gamitin ang hashtag na Pilipinas Debates 2016. Mag-log on din sa GMAnews.tv/eleksyon2016.

Mike Enriquez: Huwag na huwag po kayong bibitiw dahil susunod na po ang Round 1 ng debate ng ating mga kandidato.

Jessica Soho: Kilatisin, busisiin ang inyong pipiliin.

Mike Enriquez: Ito ang Pilipinas Debates 2016. Live na kuha po yan ng GMA 360-degree camera dito sa loob ng Capitol University, sa Cagayan De Oro, Mindanao. Espesyal na camera po yan na kumukuha ng lahat ng anggulo at maaari ninyong kontrolin sa pamamagitan po ng mga staff namin dito sa debate hall. Punta po kayo sa GMAnews.tv.

Mike Enriquez: Nagbabalik ang Pilipinas Debates 2016.

Jessica Soho: Sa punto pong ito, sisimulan na natin ang ating debate. Ang lahat po ng mga tanong at paksa sa Presidential Debate na ito dumaan sa Comelec.

Mike Enriquez: At may mahigpit po tayong mga panuntunan na susundin sa debateng ito ngayong hapon, pakinggan niyo po ito.

Mike Enriquez (VO): Sa bawat round ay may mga pares na maghaharap. Tatanungin ang unang kandidato at may 90 seconds para sumagot. May 60 seconds naman ang pangalawang kandidato para magkomento sa sagot ng unang kandidato. Sa huli, bibigyan ng 30 seconds ang unang kandidato para sagutin ang mga komento. Maririnig ang tunog na ito sa huling sampung segundo ng timer at muli kapag naubos na ang oras.

Jessica Soho: Simulan na natin ang Round 1. Ang ating tatalakayin ang track record at performance ng mga kandidato pati na ang mga isyu na kanilang kinakaharap.

Mike Enriquez: Alphabetical po ang tapatan ng mga kandidato natin sa round 1 na ito kaya ang una pong maghaharap ay sina Bise Presidente Jejomar Binay at Senadora Miriam Defensor-Santiago. Mr Vice President, ito po ang tanong. Mayroon po kayong 90 seconds Mr Vice President.

JEJOMAR BINAY. The Vice President fields some of the questions during the debate. File photo courtesy of Comelec EID

ROUND 1

Mike Enriquez: Sa panayam niyo, matatandaan sa dzBB, pinaliwanag niyo na karamihan sa inyong real estate na pagmamay-ari ay minana ninyo sa inyong ina at sa magulang. Pero sa inyong SALN, dalawa lang sa 13 real estate properties ang inilista ninyo bilang inheritance o mana. Paglilinaw ng inyong kampo Mr Vice President, maaaring tinatawag na land area ang pinagbasehan niyo sa inyong sagot, at hindi po ang bilang pero ang hindi pa rin nasasagot: kung hindi po minana, saan po nanggaling ang iba po ninyong 11 ari-arian at paano po lumago ang inyong yaman sa loob ng mahigit 3 dekada bilang isang opisyal ng gobyerno? Mr Vice President, mayroon po kayong 90 seconds.

Jejomar Binay: Alam mo Mike, 3 dekada ah, ang haba ng panahon na iyan ha. Pero hindi ko natatandaan na sinabi ko na yung aking mga lupa ay puros mana. Yung iba naman doon, nabili namin. At may kakayahan naman kaming makabili. Hindi naman porque’t kami po’y nasa pamahalaan ay wala na kaming magagawa para makabili ng mga pag-aari. Hindi po totoo na ako ho ay maraming lupa. Ito ho ay either namana ko o ito ho ay nabili ko. At hindi lang ho sa nanay ko ‘yun ha pati po sa tatay ko.  

Mike Enriquez: Okay, salamat po, Mr Vice President. Senadora Miriam, ano naman po ang reaksyon niyo? Bilang isang opisyal ng gobyerno na mahaba rin nanungkulan Madam Senator, sa tingin niyo ba ay tinatawag na matter of public interest ang yaman at ari-arian ng isang opisyal ng gobyerno? May SALN di ba ho, Senadora?

Miriam Defensor Santiago: That’s no longer a matter for debate because it has already been embodied in a law. It’s no longer a bill, it’s a law. So sa gusto namin at sa ayaw, kailangan talaga iladlad namin ang lahat ng pag-aari namin. Ngayon, ang pagtatanong ko ay, ito ho bang mga pag-aari ni Vice (President Binay as) Mayor, nakuha niya o nabili niya o nabigay sa kanya bago siya naging opisyal sa Makati o pagkatapos naging opisyal na siya?

Mike Enriquez: Mr Vice President, gusto niyo po bang sagutin yung tanong ni Senadora?

Jejomar Binay: Miriam, ‘yung iba ay namana ko. Pasensya na kung Miriam ang tawag ko sa ‘yo, magkaibigan naman tayo’t magkasama kami sa student council eh. ‘Yung namana ko, namana ko pa ‘yun bago ako nalagay sa puwesto. Ako ho ay nanungkulan 1986, at bago po ako nanungkulan, nakapag-practice naman ho ako ng law, at ang misis ko naman ho ay nakapag-practice ng pagka-doktora. So may panggagalingan ho ang pera na dapat naming pambili, pero uulitin ko, ‘yung mga propriedad na ‘yun ay propriedad na namana ko na bago pa ho ako napunta sa panunungkulan.

Mike Enriquez: Salamat po, Mr Vice President.

Jessica Soho: Maghaharap naman po ngayon sina Senadora Defensor Santiago at si Mayor Rodrigo Duterte. Senadora Defensor-Santiago, narito po ang tanong para sa inyo. Senator  Defensor Santiago, kayo po ay nag-file ng qualified medical leave nung 2012 dahil sa chronic fatigue syndrome. At nagpatuloy ito noong kayo ay na-diagnose na may stage 4 lung cancer. Sa nakalipas na 16th Congress, mula 2013 hanggang 2016 wala pa hong 10 beses kayong nakadalo sa mga plenary session. Kung sa Senado po ay naging mahirap na para sa inyo ang makapasok sa trabaho, bakit pa po ninyo hinahangad ang mas mabigat pang trabaho ng pagiging pangulo ng bansa? Ano po ang inyong motibasyon sa pagtakbo sa gitna po ng inyong karamdaman? 90 seconds po, Senator Santiago.

Miriam Defensor Santiago: Hindi mo ba alam na ang sakit, tumataas o bumababa o nawawala? Magtatanong ka bakit may sakit ka, bakit tumatakbo ka. Eh diretso ko yan o karapatan ko yan. Sa ilalim ng Anti… Under our Constitution, wala namang Constitutional provision na that you, if you get sick of something, you are disqualified. Ano pa ‘yung iba niyong gustong malaman?

Jessica Soho: Ang sabi po ay iilang beses lang daw po kayong nakadalo sa plenary session.

Miriam Defensor Santiago: I was at the height of cancer, stage 4. Stage 4 is the last stage. Nag-antay ako na mamatay eh hindi ako pinatay ng guardian angel ko eh.

Jessica Soho: Paano raw po yan eh mas mabigat daw pong trabaho ang pagiging pangulo sa ating bansa?

Miriam Defensor Santiago: Mabigat na mabigat pero kung tutuusin mo, ang senador halos kapantay lang o sobra pa ang trabaho kung ginagawa niya ang tama niyang trabaho, ng sa trabaho ng presidente eh kasi kung minsan nilalabanan niya ang lahat ng senador laban sa kanya. Hindi kamukha sa presidente na lahat sa paligid niya nag-hallelujah sa kanya.

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO. Senator Santiago says there is no constitutional provision barring an ill candidate from running. Photo courtesy of Comelec EID

Jessica Soho: Maraming salamat po Senadora Defensor Santiago. Mayor Duterte, ano po ang masasabi niyo sa pahayag ng Senadora, you have 60 seconds.

Rodrigo Duterte: I will not go into an argument or debate with Ma’am Miriam. She is telling you the truth and the truth is very important. I do not see Senator Santiago passing away within the next 20 years, so what’s the problem?

Jessica Soho: Senadora, you have a chance to answer. May counter rebuttal po kayo kay Mayor Duterte. 30 seconds po.

Miriam Defensor Santiago: Thank you. My only purpose is to serve out the rest of my life. I’m already 70 years old, plus 6-year term as a president, I would have served my country until 76. I did not want to spend the next 6 years lying in bed, feeling sorry for myself…In fact, I did not lie in bed, I did not feel sorry for myself. I felt sorry for my country because graft and corruption is endemic and everybody speaks out, but nobody has done very much except Mayor Rudy Duterte. 

Jessica Soho: Maraming salamat po Senadora Defensor Santiago.

Mike Enriquez: Okay, okay, okay, okay. Okay, okay. Okay, okay. Magtatapatan na po ngayon naman ay si Mayor Rodrigo Duterte ng Lungsod ng Davao at si Senadora Grace Poe. Mayor Duterte ito po ang tanong para po sa inyo. Unang tanong, sa inyong talumpati noong Nobyembre 22 beses po kayo nagmura Mayor, minsan niyo na ring inaming naharap kayo sa reklamong acts of lasciviousness. Sa makatuwid at noong na-interview ko pa kayo, sinabi niyo rin kayo po ay palamura, kayo po ay babaero, kayo po ay nakapatay na ng kriminal. Sa inyo po bang palagay Mayor dapat po ba kayong tularan ng mga kabataang Pilipino at ito ba sa tingin ninyo ang kaugalian na kailangan ng isang mamumuno po ng Pilipinas? Mayor, meron po kayong 90 seconds.

Rodrigo Duterte: Yes most of it are true, most of it are true. Most of it are true. Criminals, well, I go after them, as long as I do it in accordance with the rules of law, I will kill…continue to kill criminals. Any president can order the killing as long as it is, I said, in the guise of performance of duty in accordance with law. I will tell… I will use the military and the police to go after criminality and drugs. It’s flooding the country. Hindi ako papayag ng ganon, totoo yon wala, I do not deny anything.

Mike Enriquez: Sa pangalawang bahagi po ng tanong, sa palagay niyo ba dapat kayong tularan ng mga kabataang Pilipino as a leader Mayor?

Rodrigo Duterte: No, I’m not saying yes. No, what, extra-judicial killing? Of course not, never happened. But killings, yes. If I become president it will be bloody because I will order the killings of all criminals, ang mga durugista and drug lords. 

Mike Enriquez: Yung inyong kasyo ng acts of lasciviousness sa mga kababaihan, Mayor?

Rodrigo Duterte: Wala akong kaso na ganun, I do not know who invented it but I said that mayroon lang akong inakbayan noon. Ang nanay ko ang nagalit kasi…

Mike Enriquez: Isa pa, isa pang.. Mayor, sabi niyo may mga girlfriend kayo, dapat bang tularan yan ng mga kabataan?

Rodrigo Duterte: Totoo… Well, kung hiwalay ka sa asawa anong gagawin mo sa sarili mo? Eh anong gawin ko itong karga karga ko, di ko naman ipagbili ‘to ni hindi mo nga masanla eh. Eh gamitin mo dapat, kundi mamatay ka.

Mike Enriquez: Salamat po Mayor, salamat, malinaw. Senadora, Senadora Grace Poe, bilang isang babae at kandidato sa pagiging presidente, dalawa lang po kayo ni Senadora Miriam, ano po, ang pananaw ninyo sa ganyang istilo na yan ni Mayor Duterte?

Grace Poe: Alam niyo si Mayor Duterte, malakas ang appeal, irresistible sa mga ibang babae subalit matagal rin natin pinaglaban at alam ko si Mayor Duterte ay magalang sa kanyang nanay. Kaya kahit na papaano, sa tingin ko kung ikaw ay malakas ang dating sa mga babae, konting pigil sapagkat siyempre malay mo, ‘yung mga lumalapit sa ’yo, may asawa, o kaya may boyfriend o kung ano pa man. Sa mata ng bata ang mali ay nagiging tama kung ginagawa ng matanda. At least alam natin si Mayor Duterte minsan sinasabi naman niya yung mga hindi niya na nararapat na nagawa noon pero pareho lang naman kami, tao rin, nagkakamali. Pero isusulong ko palagi ang pagrespeto, anuman ang iyong kasarian, babae ka man, lalaki, LGBT, lahat tayo merong konting paggalang sa isa’t isa.

Mike Enriquez: Salamat po, Mayor meron po kayong 30 seconds para ‘wag magpigil. O sige po.

Rodrigo Duterte: Lahat naman ito sa kwarto yan. Hindi mo naman ginagawa sa, ano. So what’s the problem? Hindi mo naman pina-… you don’t flaunt it in public, and I said if you have to do it, I said I’m separated from my wife and yung isang asawa ko nasa Amerika yung nurse, so far and wide in between those years… It’s biology, actually it is biology. Oo. 

Mike Enriquez: Salamat po, salamat po Mayor.

Jessica Soho: Makakaharap naman po ngayon ni Senator Poe, si dating DILG secretary Mar Roxas. Senadora Poe, naririto po ang inyong tanong. Sa lahat ng mga kandidato sa entablado ngayon kayo po ang may pinakamanipis na resumé pagdating sa government service. Dalawang taon bilang MTRCB person at nangangalahati pa lang po kayo sa inyong termino bilang senador. Sa tingin niyo ba ay may napatunayan na kayo sa larangan ng serbisyo at publiko para maging pangulo ng ating republika?

Grace Poe: Jessica, alam mo, talagang hindi ko pinagkakaila sa lahat sa kanila, ako ang pinakabago rito. Pero sa ating mga kabataan alam ko, alam niyo ang kanta ng Gloc 9: “Kayong mga nakaupo, subukan niyo namang tumayo para maramdaman niyo ang aming kalagayan, ang kinalalagyan ko.” Sa tingin ko sa lahat sa kanila, ako nga ang may pinakamaikli na karanasan pero nakikita ko bilang isang nanay kung ano ang pangangailangan ng isang pamilya. Sa aking maikling karanasan sa gobyerno, ako po ay nakapaghawak ng isang executive position, na may management requirement at mismo na rin si Senator Miriam ang nagsabi na ang Senado ay puwede talagang mas mahirap pa na trabaho kung talagang ginagawa mo ang iyong trabaho.

Ako po ay nabigyan ng pribilehiyo na makadebate si Senator Miriam kaya nga napasa namin sa Senado ang Freedom of Information, yung mga batas na aming itinulak ay pagkain para sa mga bata, yung mga batas o yung mga budget pala na aming itinulak ay pagkain para sa mga bata, para sa magsasaka, at higit sa lahat pag-iimbestiga na walang kinikilingan, kaibigan man o kaaway. So para sa akin ang aking karanasan bilang isang teacher, bagama’t minamaliit ng iba. Hindi po tayo makakarating sa puntong ito, kung hindi dahil sa isang guro na nagmalasakit at nagturo sa atin kung ano ang tama at mali, at kung anong naaayon para sa ating mga paksa. Kaya po sa ating mga kababayan, pare-pareho lang naman ang problema ng Pilipinas eh, pare-pareho nandyan, wala pong proof na ’pag matagal ka na sa puwesto, mas magaling ka.

Jessica Soho: Secretary Roxas, ano po ang reaksyon niyo sa sinabi ni Senator Poe? It should be recalled that you once asked her to be your running mate or your vice-presidential candidate. 

Mar Roxas: Tama ka dyan, Jessica. Inanyayahan natin si Senadora Poe na sumama dahil nga sa pagkilala na tulad ng sinabi ninyo ay manipis yung kanyang karanasan sa pamumuno. At siguro ipagpaumanhin ng aking kaibigan, si Senadora Grace Poe, na ang pagiging pangulo ay hindi OJT. Kinabukasan, buhay, kaunlaran ng isang daang milyong Pilipino ang nakasalalay dito, kaya may tamang panahon para sa lahat, at para sa akin yung karanasan ay isa sa pinakamahalagang katangian para sa pagiging pangulo. Papaano mo malalaman kung binobola ka o hindi? Papaano mo pipiliin kung anong rekomendasyon ng dalawang magkaibang rekomendasyon ng mga cabinet secretary ang iyung pagdedesisyunan? Ito yung mga malalaking desisyon na kakailanganing gawin ng susunod na pangulo at mahalaga yung tamang karanasan, malinis na karanasan para diyan.

Jessica Soho: Senadora Poe ano po ang inyong counter rebuttal, meron po kayong 30 seconds.

Grace Poe: Jessica, Mike, alam ko naman kung binobola ako o hindi kahit na maikli ang aking panunungkulan sa gobyerno. Unang una, tama si Secretary Mar. Nakatatlong administrasyon na siya diyan. Nabigyan na ng ilang responsibilidad sa gobyerno. Pasensya na rin po pero marami rin akong inimbestigahan katulad ng DILG at dun sa DOTC sa MRT, at sa tingin ko naman hindi mo kailangan ng napakahabang karanasan, para malaman na kulang ang tulong ng gobyerno sa transportasyon sa ating bayan, at kulang ang tulong ng mga gobyerno para magkaroon tayo ng katatagan.

Jessica Soho: Maraming salamat po Senadora Poe. 

Mike Enriquez: At ngayon naman, ang one on one po nina dating Secretary Mar Roxas at Bise Presidente Jejomar Binay. Secretary Roxas, ang tanong para sa inyo. Sa inyong mga panayam ipinagmamalaki ninyo ang nagawa ng Daang Matuwid katulad ng pagpapatayo ng mga silid-aralan o mga classrooms, ang programa ng DepEd, ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program na pinamumunuan ng DSWD. Pero sa inyo namang panunungkulan bilang secretary ng DOTC at DILG, iniuugnay at nangyari daw ang mga kapalpakan sa pangangasiwa ng MRT at sa mga umano’y mabagal na pagkilos bilang hepe ng DILG tulad nung tumama ang super bagyong Yolanda. Base sa inyong track record sa DOTC at DILG, paano po niyo patutunayang kayo ay may kakayahang maging isang epektibong presidente ng Pilipinas? Mayroon po kayong 90 seconds, Mr Secretary.

Mar Roxas: Salamat, Mike. Simulan natin sa DOTC. Noong ako po’y nasa DOTC, mahigit 100 kontrata sa halagang humigit-kumulang 100 billion ang napa-bid namin na walang anomalya, walang alingawngaw, walang kontrobersiya. Yan nangyari lahat yan. Ports, airports, ibang mga imprastraktura na nangyayari at ginawa hanggang sa ngayon. Pangalawa, sa MRT, bakit ko tinanggihan ang proposal ng pribadong sektor na magpatuloy ang kanilang kontrata sa MRT? Dahil gusto nilang pahabain ito ng 15 dagdag na taon, itong maanomalyang kontrata na ngayon ay ang sanhi ng problema natin. Plus dadagdagan pa nila yung singil sa ating mga pasahero. Kaya’t tinanggihan ko yan. Diyan nagsimula yung ating paghahanap ng makabagong paraan para magkaroon tayo ng mga tren. Ang mga tren ay nandyan na, parating na, at ngayon sa susunod na mga buwan ay mapapakinabangan na ng ating mga kababayan.

Pagdating naman sa DILG, ang Yolanda ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng mundo. Ang buong gobyerno ay nandoon. Nandoon ako bago, habang, at pagkatapos ng bagyo. Hindi ako bumitiw hanggang nag-stabilize ang sitwasyon at hindi ako tulad ng iba na dumating, nag-helicopter, nag-turista, umalis, at marami na ngayong sinasabi.

Mike Enriquez: Maraming salamat po, Secretary. Babalikan po natin si Vice President Binay. Mr Vice President, sang-ayon ba kayo sa sinabi ni Secretary? Matagal kayong naging miyembro ng gabinete, kasama niyo siya. Sige po, Mr Vice President.

Jejomar Binay: Eh alam po ninyo, hindi ho mangyayari kung ako ho ang napalagay sa pwesto ni Secretary Roxas. Yun bang “analysis-paralysis”. Ako ho is a decisive and effective leader. Hindi po ako paulit-ulit, walang dinidesisyunan. Eh yung PPP, iisa pa lang o dadalawa pa lang eh kinakailangan ho natin yung PPP na yun para magkaroon ho tayo ng pagbabago sa ating mga infrastructure needs. Kung ako ho ang pinatutungkulan ni Secretary Roxas doon ho sa pagkaka-helicopter, aba yung helicopter marami akong nakita. Siya, eh nasaan ho siya? Pagkatapos nung lumindol at mangyari yung lahat sa Leyte nawala na siya. Kaya naman ho grabe ang galit sa kanya ng mga taga-Leyte dahil sa kapalpakan niya sa paghawak sa problem ng Yolanda. 

Mike Enriquez: Secretary Roxas meron pa ho kayong 30 seconds pa ho, sige po.

Mar Roxas: Nandoon po ako ng 16 na araw. Hindi ko binitiwan, hindi ko kinalimutan at hindi ko phinoto-op o pinulitika ang ating mga kababayan. Nandoon ako simula bago pa dumating ang Yolanda, at ginawa ko ang lahat matitingnan kita Mike at kahit sino sa ating bansa, mata sa mata, at sabihin lahat ng maaaring magawa sa kapanahunang yun ay nagawa.

Mike Enriquez: Maraming salamat po Mr Secretary. Diyan po nagtatapos Round 1 pa lang po ito. Mas mainit sa Round 2 dahil ang susunod nating tatalakayin mga kapuso ay ang kahirapan at pagpapabuti sa buhay ng mga Pilipino.

Jessica Soho: Kilatisin, busisiin ang inyong pipiliin.

Mike Enriquez: Nagbabalik po o magbabalik po ang PiliPinas Debates 2016.

Jessica Soho: Samantala makikita po ninyo ngayon ang ating Twitter Heat Map, kapag mas marami pong bilog na pula sa lugar, mas marami po ang tweets na nagmumula riyan. At makikita po natin na umuulan na ang mga tweets tungkol sa debate sa Metro Manila. Umiinit na rin ang diskusyon sa Twitter sa Cagayan de Oro City mismo kung saan po tayo naroon. Ayan po ang ating Twitter Heat Map.

GRACE POE. The survey leader as of March 2016 prepares to answer questions during the 1st presidential debate. Photo courtesy of Comelec EID

ROUND 2

Jessica Soho: Live pa rin po tayo sa Capitol University sa Cagayan de Oro City.

Mike Enriquez: At round 2 na po tayo.Ang sunod na isyung pagdedebatehan po ng mga kandidato ay ‘yung lagi nating nagiging paksa tuwing eleksyon: ang kahirapan. Partikular na po na tututukan natin, paano ba mapapabuti ang buhay ng ating mga kababayan, lalo na ‘yung mga mahihirap?

Video (Mike Enriquez VO): Sa mga nakalipas na taon, lumago ang ekonomiya ng Pilipinas, pero halos hindi nagbago ang poverty incidence o kahirapan sa bansa. Pinakamahirap na sektor ang agrikultura, kung saan kabilang ang mga mangingisda at magsasaka. Sa kasalukuyan, milyun-milyong Pilipino pa rin ang walang trabaho. Paano ito tutugunan ng susunod na pangulo?

Jessica Soho: Para sa Round 2, nagbunutan na po ang mga kinatawan ng ating mga kandidato ng kanilang pagkakasunod-sunod. At ang una pong maghaharap ay sina Vice President Binay at si Senadora Poe. Sa round na ito, bubunutin rin po natin ang mga tanong para sa ating mga kandidato.

Mike Enriquez: At simulan na po natin, mga kapuso. Ang unang tanong po ay para kay Vice President Binay. At ito po’t, bubunutin natin ang tanong mula po dito sa…

Jessica Soho: Sisidlan.

Mike Enriquez: Sisidlan. ‘Yung bilog na tambiolong gawa sa kristal. Mr Vice President, meron po kayong 60 seconds para sagutin…

Jessica Soho: 90.

Mike Enriquez: 90 seconds, sorry po, 90 seconds. Maraming magsasaka ang baon po sa utang pagkatapos ng anihan dahil sa kakabayad sa hiniram nila na pambili ng abono, pag-upa sa lupa, pag-upa sa sasakyan, para maibaba ang kalakal nila. Patuloy naman ang pag-angkat natin ng mga mas murang bigas at mas murang gulay, na lalong nagpapahirap sa mga magsasaka. May plano ba kayo para matulungan ang ating mga magsasaka na hindi nadedehado naman ang mga mamimili? 90 seconds, Mr Vice President.

Jejomar Binay: I-mo-modernize po natin ang agrikultura. Bale ba naman ang agrikultura, napakaliit ng contribution sa GDP natin. Yun hong ating mga magsasaka kunin muna ho natin yung CARP. Yung CARP po maganda ho ang intensyon dun na pero among others, that is to make the lands productive, kasama na ho diyan yung mga magsasaka na sinasabi niyong naghihirap, dahil sa yung parte ng CARP na iyon, tutulungan, sa-subsidize-in, aasistahan ng ating pamahalaan, fertilizer at iba pang mga post-harvest requirements. Pangalawa, yung irrigation fee po, dapat tanggalin na ho natin yun. Pangatlo eh iyon pong post-harvest problems. Alam niyo ba mga kababayan na mas malaki ang nawawala sa post-harvest kaysa dun sa kinikita? Pangatlo, dapat ho tayo ay mang-akit pa ho tayo ng magkakapital para ho meron ho tayong makakatulong sa infrastructure requirements. Yan po ay ginawa namin sa Makati. Ang ginawa po namin sa Makati, maiahon ho ang kahirapan, suportado ho ng pamahalaan.

Mike Enriquez: Salamat po, Mr Vice President. Senadora Grace Poe, ano po ang reaksyon niyo sa sinabi ni Bise-Presidente, Senadora? You have 60 seconds, Senadora.

Grace Poe: Importante po para sa ating magsasaka, intindihin natin kung magkano ang kinikita nila, P17,000 yung magtatanim ng palay for every one hectare. So kung 3 ang binigay sa kanila sa agrarian reform, kikitain nila siguro mga P152 a day. Talagang napakaliit. Dapat libre na ang irigasyon, dapat may crop insurance, pero hindi lamang iyon. Dapat magkaroon ng agro-industrial zones, kung saan magkasama ang DTI at ang DA para naman ma-market ang products ng mga magsasaka. Mag-soil testing tayo, anong mga added value na puwede para dito sa mga lupa nila? Anong mas kikita sila, palay ba o kape o kung ano pa man? Tandaan natin, sa niyog, ang average age ng ating mga puno ay mga 60 years old na, kaya kaunti na lang ang binubunga nito. Kailangan ng replanting, gamitin natin ang pondo ng coconut levy para dito sa mga magsasaka ng niyog. Importante rin, isipin natin, puwedeng coco coir, virgin coconut oil, pwedeng coco water puwedeng kung anu-anong mga programa na puwedeng gamitin para dito. Added value para sa magsasaka.

Mike Enriquez: Mr Vice-President, may 30 seconds po kayo para tumugon, kung mayroon man.

Jejomar Binay: Pareho naman ho kami ni Senadora, doon ho sa assistance and subsidy coming out from the government. Ang idadagdag ko lang po, kung ako ay makapagdagdag, ay yung high-yielding crops, dapat ho mag-shift na rin ho tayo doon. Kasi ang crops natin basically is rice, corn and coconut. Marami ho tayong lupa na angkop naman po sa high-yielding crops.

Mike Enriquez: Salamat po, Mr Vice President.

Jessica Soho: Up next ay ang paghaharap ni Senadora Grace Poe at Senadora Miriam Defensor-Santiago. Senator Poe, nandito po ang inyong tanong, mayroon po kayong 90 seconds, sandali lang po… Eto po ang inyong tanong: Ano po ang gagawin ng inyong administrasyon para matiyak na may pagkain ang 2.5 o 2.6 na milyong pamilyang Pilipino na nagsabi sa SWS na sila ay nagugutom araw-araw?

Grace Poe: Ang una talaga para sa akin ay dapat magkaroon ng libreng pananghalian sa ating mga public schools, dahil yan ay diretso sa tiyan ng mga bata. Di po matututo ang ating mga bata at hindi tatalino kung ang sikmura nila ay nagugutom. Yan ang pinakauna. Pangalawa po ay ang pinakamahihirap na ating mga kababayan ay nasa sektor ng agrikultura. Alam naman po natin na mismong nagtatanim ng palay at bigas, sila po talaga ay bumibili pa ng bigas sa palengke. Kailangan talaga ay bigyan ng tamang subsidiya, at least sa paumpisa man lang, sa irigasyon at iba pa, para naman mas maging competitive sila. Kailangan na po ng replanting ng ating mga niyog, sapagkat tayo po ang 5th largest producer siguro ng niyog sa buong mundo. Pero di natin sila binibigyan ng sapat na suporta, nasa lagpas 70 bilyon ang nandyan, nakatengga lamang po na coconut funds, na dapat mabigyan ng scholarships itong mga nagtatanim ng niyog para bumaba yung presyo. At importante rin na ang ating gobyerno ay bantayan naman, sapagkat kung bibigyan natin ng added value o matataas na value ng mga crops ang ating mga magsasaka at mag-aangkat tayo ng ibang mga bagay, huwag nating kalilimutan na huwag nating pababayaan ang sektor ng agrikultura kung tayo ay mag-aangkat ng mga ibang mga pagkain. So importante po yan sapagkat habang may nagugutom sa ating bansa, hindi natin puwedeng sabihin na magiging matagumpay ang ating ekonomiya.

Jessica Soho: Ano po ang inyong tugon dito, Senator Miriam Defensor-Santiago? 60 seconds po.

Miriam Defensor Santiago: Well, promises are very easy to make, but which president in our country, just like us presidentiables for 2016, has ever abolished, or at least reduced, the incidence of poverty in our country? None! I say this with all conviction as former agrarian reform secretary. Kaya pangako lang nang pangako, [pero] saan natin kukunin lahat ng pera na ito na igagastos para sa sinasabing mga plano nila? That is the question.

Jessica Soho: Senator Poe, ang inyo pong counter-rebuttal, you have 30 seconds.

Grace Poe: Kaya siguro napapanahon na magkaroon ng isang may bagong perspektibo. Marami diyan ang namuno na noon bilang pangulo, matagal na sila sa gobyerno, marahil hindi na sila nag-iisip ng ibang paraan para makatulong sa ating bayan at sa ating ekonomiya. Noong panahon ni Pangulong Marcos, nagkaroon ng NutriBun. Hindi yan kumpleto sa pagpapakain ng mga bata, pero kahit papaano, nagkaroon ng feeding program para sa ating pamahalaan. Noong panahon ni Pangulong Erap, yun lamang ang oras kung saan kahit papaano tumaas ang yield ng agrikultura. Mayroon po tayong pag-asa, kaya lang kailangang tapat, di-nangungurakot at mabilis kumilos.

Jessica Soho: Maraming salamat po, Senador Poe.

Mike Enriquez: Ang makakaharap naman po ni Senadora Miriam Defensor-Santiago ay si dating DILG Secretary Mar Roxas. Senador Santiago, eto po ang tanong para sa inyo. Masikip ang butas nitong… kung ano mang ito… 

Jessica Soho: Parang Miss Universe fishbowl.

Mike Enriquez: Ok, confidently masikip. Lumago po ang ekonomiya ng Pilipinas nitong mga nagdaang taon, walang kaduda-duda, ang sabi ng nakakarami. At sa pagtatapos ng 2015, umangat ang ating ekonomiya ng 6.3%. Sa kabila nito, malaking porsyento ng ating mga kababayan ang naghihirap. Kung kayo po ang magiging susunod na presidente ng Pilipinas, Senadora, paano niyo ibababa ang mga nagdarahop sa pag-unlad ng ekonomiya at paano niyo sisiguraduhin na yung yaman ay hindi mananatili… ay… si Senadora Poe, no? Si Senadora Grace.

Grace Poe: Ako po? 

Mike Enriquez: Ah sandali, sandali.

Jessica Soho: Senator Miriam.

Mike Enriquez: Sorry po. Oo, si Senadora Miriam ang kausap ko, Senadora. Siya po ang tinatanong ko. Opo. Ah ok, eto po yung tanong. Papaano niyo po sisiguraduhin na ang yaman ay hindi mananatili sa ilan lamang, kung hindi bababa sa mas nakakaraming mga Pilipino? Senadora? 

Jessica Soho and Mike Enriquez: 90 seconds, please.

Miriam Defensor Santiago: Una, pagandahin natin, ibig sabihin bigyan natin ng mas maraming pera sa budget, itong mga factors na ito: number one, health. Ang kalusugan ng ating mga mahihirap. Karamihan sa kanila may mga sakit eh, di na rin makatrabaho. Pangalawa, education. Importante sa tao na edukado siya. Kaya siguro, hindi tama ang ating mga pagpili noon dahil maraming hindi edukado na boboto. Pangatlo, rural infrastructure o social welfare improvements. Lahat ng mga ito nangangailangan na ng ating taxes, should either be lowered or raised. Wala tayong ka… ka… wala tayong eskapo diyan. So, we either have to consent to  raise taxes or we should lower taxes. Hindi naman papayag ang gobyerno na kulang sa pera ang ating budget. Kaya the remedy will be to decrease some taxes. For example, the estate tax should be erased. Panggulo lang yan eh. Naging judge ako, marami akong estate taxes cases na 10 taon na, di pa ma-resolbahan. Pangalawa, real estate tax should be abolished, law should be piggy-backed with a real property tax on the national level kaya dalawang beses magbabayad. Kaya mahirap labanan ito, ang kailangan diyan is the will to win. 

Mike Enriquez: Salamat po, Senadora. Okay, si Secretary Roxas, may reaksyon kayo? Sige po, Secretary?

Jessica Soho: 60 seconds.

Mar Roxas: Masasabi ko lang ano, tama na lumago ang ating ekonomiya. In fact, fastest growing nitong nakaraang 6, hindi, 5 taon kumpara sa nakaraan. Itong paglago ay nakahatid na rin ng kaginhawaan sa ating mga kababayan. Mahigit 2 milyon na mga tao ang naitawid mula sa poverty line to above the poverty line. Magreklamo man o magkuwestyon man sa datos, pero yan ang datos ng ating NEDA at ng ating mga statistical office. 2 million families ngayon ay hindi na kabahagi ng tinatawag na mahihirap. Dagdag pa doon ay yung ating mga safety nets. May safety net tayo sa PhilHealth noong nakaraang taon, kung magkasakit ka, kasama ng 6.5 milyong mga pasyente na tulungan ka ng PhilHealth sa halagang 75 bilyones pesos. Kung dati-rati bawal magkasakit, ngayon may kasangga ka: ang inyong gobyerno, para hindi na mauubos ang laman ng bulsa mo sa kababayad ng pagpapagamot. Iyan ang inihatid ng Daang Matuwid, iyan ang itutuloy ko sakaling mabigyan ako ng pagkakataon.

Mike Enriquez: Salamat po, Mr Secretary. Senadora Santiago, you have 30 seconds to reply, to react, kung gusto niyo po.

Miriam Defensor Santiago: As I said, these are all promises way up in the sky. Promises in the sky is the program of government of many officials running for public office. Saan natin kukunin ang pera? Yun ang tinatanong ko. Saan? Sinong magbibigay? Magdo-donate? Mga mayayaman ba? Dadagdagan natin dahil lang sa mayaman sila? Malaking problema yang where to source the funds. I can make an entire list from here to there of all my promises to you but they will each cost taxes.

Mike Enriquez: Okay, salamat po. Salamat po, Madam Senador. Mga Kapuso, hindi pa ho tapos ang round 2 pero ngayon pa lang po, pinapaalam na po namin sa inyo na number 1 trending topic sa Pilipinas at sa buong mundo…

Jessica Soho: Worldwide.

Mike Enriquez: Ang hashtag #PiliPinasDebates2016… eto po ay… hihinga lang po tayo…  

Jessica Soho: Magandang pangitain yan, Mike, kasi ibig sabihin napakarami nating mga kababayan na interesadong-interesado sa sasabihin ng ating mga kandidato.

Mike Enriquez: Opo, opo, maganda ito para sa bayan kaya lahat tayo hihinga muna ng saglit dahil tumitindi po ang ating talakayan ngayong hapon.

Jessica Soho: Kilatisin, busisiin ang inyong pipiliin…

Mike Enriquez: …at magbabalik po ang PiliPinas Debates 2016. Diyan lang po kayo.

Jessica Soho: Makikita po ninyo ang heat map ng Facebook naman. Kanina heat map ng Twitter, ngayon po naman heat map ng Facebook. Ang Davao City at ang Ilocos Norte ang pinaka-aktibo ngayon sa diskusyon sa Facebook tungkol sa eleksyon.

Jessica Soho: Ang inyo pong napapanood ay mga nanonood sa gymnasium dito rin sa Capitol University sa Cagayan de Oro City. Nasa isang libo’t limang daang tao ang kasalukuyang nanonood doon live ng ating presidential debate.

Mike Enriquez: At nagpapatuloy po ang ating pagkilatis sa mga kandidato sa pagka-presidente dito sa PiliPinas Debates 2016. 

Jessica Soho: Nasa round two pa rin po tayo mga Kapuso para talakayin ang isyu ng kahirapan at ang pagpapabuti ng buhay ng ating mga kababayan.

Mike Enriquez: Okay. Si dating DILG secretary Mar Roxas naman po ang sasalang, at ang makakaharap niya po ay ang alkalde ng lungsod ng Davao, Mayor Rodrigo Duterte. Okay. Ito Secretary Roxas binubunot ko na po ‘yung tanong para sa inyo. Biglang lumuwag yung butas nung, kayo na. O heto po: Paunti na nang paunti ang nahuhuli ng mga mangingisda natin. Masuwerte na po kung kumita ang mga mangingisda ng P200 kada araw. Ano ang magiging programa ng inyong administrasyon para maiangat ang kabuhayan ng mga mangingisda at mapangalagaan ang ating karagatan? Meron po kayong 90 seconds para sumagot.

Mar Roxas: Para sa ating mangingisda, ang pinakamahalaga ay ang murang pautang. Nauubos ang kanilang kapital, ang kanilang kinikita sa kakabayad ng interes at amortisasyon sa kanilang inuutang. Hindi pa nga sila nagpapalaot, iniutang na nila ang kanilang huhulihin. Kaya murang pautang ang isa sa pinakasusi para sa kanilang kaginhawahan. Pangalawa, makabagong teknolohiya. Importante ito. Doon lang sa Dagupan, sa ating bottom-up budgeting, may napakagandang project na gagawin natin ito sakaling ako ay maging pangulo sa buong Pilipinas na bigyan natin ng fish finder. Ito ‘yung mga radar para sa ating mga mangingisda, nakikita nila kaagad kung saan ‘yung mga isda. Hindi naaaksaya ang kanilang panahon at pera sa kakabili ng gasolina. Direkta sila kung saan yung mga isda, nahuhuli nila ito, balik, sariwa pa, naibebenta nila sa magandang presyo. Pangatlo, post catch facilities. Ito yung mga chiller, ito yung mga packaging na mahalaga para mas mataas ang kikitain nila kumpara sa kinikita nila ngayon. Sa ngayon, limitado ang kanilang, ang kanilang kita dahil nabubulok ang kanilang isda. Pag nagkaroon ng mga post-catch facilities tulad ng mga chiller, tulad ng mga reefer vans, dadalhin ang kanilang huli sa mga pamilihan, gaganda ang kanilang kita. At panghuli, ang pinakamahalaga ay imprastraktura, imprastraktura para mas madali nilang maparating ang kanilang huli sa mga pamilihan.

Mike Enriquez: Salamat po, Mr Secretary. Mayor Duterte meron po kayong 60 seconds para mag-react. Agree ba kayo kay Secretary Roxas?

Rodrigo Duterte: I cannot rebut. Yeah, I cannot rebut what he has said because it’s all true. Gusto ko ngang kopyahin, kung papayag siya eh, idagdag ko na lang yung akin.

Mike Enriquez: Payag ba kayo?

Mar Roxas: Oo naman, bakit hindi?

Mike Enriquez: Tuloy niyo, Mayor.

Rodrigo Duterte: Well, I said, this is true in every program of government: ang problema lang ho kasi dito, marami tayong problema in the past. There were a lot of problems to help our fellowmen, fisheries, farmers, and all. Ang nakakaproblema ho dito is in the implementation along the way, because if you have incompetent and corrupt officials, it will be the same. Biyayang Dagat no’n was the greatest program of any government, but along the way sumabog because of, there was corruption. Ma’am Miriam says it all. Wala akong debate sa lahat nila. Problema, incompetence sa mga tao and corruption. Eh hindi yan nako-correct eh.

Mike Enriquez: Okay salamat po, Mayor. Secretary Roxas, 30 seconds. Incompetence and corruption. Secretary, 30 seconds.

Mar Roxas: Nasa sentro ng programa ng Daang Matuwid, nasa sentro ng diwa ng pagkatao ni Mar Roxas ‘yung anti-corruption. Sa mahigit 20 taon ng panunungkulan, ni minsan hindi nabahiran ang ating pangalan ng kahit anong anomalya. Ako galit sa mga kurap. At hindi ko papayagan na magkaroon ng korapsyon sa aking panunungkulan. Ang importante dito ay itong mga nasabi ko ay nasimulan nang magawa, nasimulan nang matamasa ng ating mga mangingisda, at itutuloy ko yan, papalawakin ko yan para mas marami pa ang giginhawa sa ating mga programa.

Mike Enriquez: Salamat po, Secretary Roxas.

Jessica Soho: Ang nabunot naman ni Mayor Duterte ay si Vice President Jejomar Binay. Mayor Duterte narito po ang inyong tanong. Meron po kayong 90 seconds para po sagutin ito. Ang tanong: isa sa mga problema ng mga magsasaka at mamimili ang pagkakaroon ng mga rice cartel na nasa likod ng smuggling at price manipulation. Paano babanggain ng administrasyon ninyo ang mga rice cartel na ito?

Rodrigo Duterte: ‘Sus Ma’am, kung yan lang, I’ll do it in 3 days. Hulihin ko lang yung gagong yun… when I testified in the Senate, I identified somebody there: Bangayan. He was one of those smuggling rice, yung cartel nila, madali yan. As president, naku, sabi ko nga 3-6 months, tapos lahat ‘to eh. No, really. I am willing to stake my honor, my position, and my life. 3-6 months, malinis itong bayan na ito. Pati yung cartel-cartel na yan. And even those itong mga 5-6. Ang ginagawa nagpapahiram pa doon sa mga farmers tapos binebentahan pa ng appliance. Kaya ako sa Davao, sabi ko: Stop it. Stop it. Do not oppress the people. Kaya lahat ganito. we would like to build food terminals. We would like to bank, ah Landbank to come in, and give money to the farmers. Then allow them, Department of Trade, to help in the establishment of credit unions, cooperatives. Doon maghiram. And I said, ang pinakamaganda is 1 billion per region. Doon sila magtayo ng kooperatiba nila para kanila ang binabayaran nila.

Jessica Soho: Vice President Binay, ano po ang tugon ninyo sa sinabi ni Mayor Duterte?

Jejomar Binay: Alam po ninyo yung problema ng smuggling eh makikita ho ninyo yung lider, doon ho nagsisimula ang problema. Kasi ang leader hindi decisive, hindi effective. Alam ang problema eh, ba’t hindi masolusyunan? Eh kasi, hindi marunong mamuno. Ah ako ho, yung problema namin, sa amin di kami masyado naproblemahan ng mga crime at kung anu-ano pa. Dahil sa ako ho ay, I am a decisive leader. I hit the ground running, haharapin ko ho ang problema. Dito, halimbawa, may problema nga dito sa Mindanao dahil diyan sa mga kuryente. Eh wala eh. Indecisive, ineffective, walang aksyon. May problema, hindi sinosolusyunan. Kaya ho nagkakaroon ng walang nagagawa sa smuggling.

Jessica Soho: Turn po ni Mayor Duterte para na magbigay po ng kanyang counter-rebuttal.

Mike Enriquez: 30 seconds po.

Jessica Soho: Mayor Duterte?

Rodrigo Duterte: I have nothing to rebut in that statement if it’s just a matter of rebutting then it’s useless because, it’s all good. Problems, I said, is the money because ang pinaka… with El Niño coming in, the fundamental duty of a President is, see to it that food is available and food is affordable. Yan ho ang problema talaga.

Jessica Soho: Maraming salamat, Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Sarado na po ang Round 2. Sa ating pagbabalik, ang third and final round. Ang isyung sunod nating hihimayin, abangan lamang po. Kilatisin, busisiin, ang inyong pipiliin.

Mike Enriquez: Magbabalik po ang PiliPinas Debates 2016.

Mike Enriquez: Heto po ang inyong nakikita ngayon ay ang ating discussion trend sa Facebook naman po na mas marami pong mga babae kaysa sa mga lalaki ang nakikilahok sa diskusyon sa Facebook sa Pilipinas Debates 2016. Ang kabataan edad 18 hangang 25 anyos ang pinakaaktibo. Mabuhay ang mga kabataan! Wala ba kayong mga kamay para sa mga kabataang aktibo?

MAR ROXAS. The administration standard-bearer says Mindanao has twice the amount of infrastructure in the last 5 years than it had in the last 12 years. Photo courtesy of Comelec EID

ROUND 3

Mike Enriquez: At heto po muli ang isa na namang kuha ng GMA 360-degree camera. Maaari niyong control-in yan para makasilip kayo sa loob nitong debate hall. Ayan o mga Kapuso, magpunta lang po kayo sa GMAnews.TV, live po yan, mga Kapuso. Tuloy ang ating pagkilatis at pagbusisi sa mga kandidato sa pagka-pangulo dito sa PiliPinas Debates 2016. Round 3 na po tayo, mga Kapuso. Dito mga isyu pong na kinakaharap ng ating kinaroroonan sa mga sandaling ito – Mindanao, tututukan ng kasama natin na magtatanong po mula sa social media.

Mike Enriquez (Voice Over): Itinuturing na food basket ng Pilipinas ang Mindanao, pero dito rin matatagpuan ang lima sa sampung pinakamahirap na probinsiya sa bansa. Dekada na rin ang binilang ng kaguluhan. Ilang usaping pang-kapayapaan ang sinimulan pero bigo pa ring makamit ang pang-matagalang kapayapaan. Ano ang magiging hakbang ng susunod na Pangulo?

Jessica Soho: Makakasama po natin sa pagtatanong sa mga kandidato sa round na ito si John Nery, ang editor in chief ng Inquirer.net. Nag-ikot po sila sa Mindanao para kumalap ng mga tanong mula sa publiko at ilan nga po riyan ay kasama sa mga posibleng matanong sa ating mga kandidato. Katulad sa round 2 bubunutin pa rin natin ang mga tanong sa mga kandidato. At gaya rin sa round two nagbunutan na po ang mga kinatawan ng mga kandidato ng kanilang sequence o pagka-sunud-sunod.

Mike Enriquez: Eto na po, mga Kapuso, ang unang sasalang mula sa Mindanao, si Mayor Rodrigo Duterte na ang makakatapat po ay ang dating Secretary Mar Roxas. Pero bago po ‘yang dalawang ‘yan, si John Nery muna.

John Nery: Maayong gabi, Mike. Mayor Duterte, kayo po ang kandidato mula sa Mindanao. Ito po ang inyong tanong: May nagpadala sa amin ng litrato sa social media. Makikita rito ang isang maputik na kalsada at isang ilog na walang tulay sa Zamboanga. Galit na raw ang mga katulad ni Ken sa Reef dahil matagal na nilang hinihiling ang maayos na tulay at kalsada. Kung ikaw ang magiging pangulo, paano mo tutugunan ang hinaing ni Ken, at paano mo maiiwasan ang irregularities sa mga infrastructure projects. Mayroon po kayong 90 seconds.  

Rodrigo Duterte: Yes, Sir. I will have to tell you that 65% or 64% of the infrastructure projects are here in Manila. I also want you to know that 19% lang ang binigay sa Region 19. Well of course, that is the disparity. And that is why the Mindanaoans…are…asking you now, if galit na galit si Allah. Kasi ang aming full lawful share sa taxes hindi ibinibigay. Remember that Mindanao contributes to the country’s coffers, 54% of the total export earnings in dollars. Magkano yan? Well it would depend on… (not understood). But ang Mindanao kasi ang nagbibigay sa agricultural products sa country ng ito. 19 billion only for Region 11. I don’t know how much are the others getting. Yan ho. It is this disparity and that is why people are clamoring for a federal government. I-dissipate na muna natin yung central powers for after all that is a symbol of our being oppressed as a people a long time ago. You have to give us our share, and we will, and of course you have to restore law and order.  

Mike Enriquez: Salamat po, Mayor. Secretary Roxas, anong reaksyon niyo sa sinabi ni Mayor Duterte? Mayroon po kayong 60 seconds. Sige po.

Mar Roxas: Salamat. Unang-una ay tutugunan natin ang pangagailangan ng pagtayo ng tulay doon sa, kung saan mang bayan ‘yun. Pero habang totoo na napag-iwanan ang Mindanao, hindi na po ‘yan ang nangyayari ngayon. In fact, Mindanao today has twice the amount of infrastructure in the last 5 years than it had in the last 12 years. P260 billion ang dumating sa Mindanao nitong nakaraang 5 taon kumpara sa P125 billion nung 12 taon ni Erap, at ni, I’m sorry, ni Gloria at ni Erap. So hinahabol na natin, lumalaki na ang ating pagtugon sa pangangailangan ng Mindanao. Is this enough? Hindi pa. Kaya tuloy-tuloy ang ating programa na kung saan mas maraming infrastructure tulad ng nakita natin. ‘Pag landing sa Laguindingan papasok dito, ‘yan nangyari sa Daang Matuwid. ‘Yan ang halimbawa ng mga infrastructure na pinarating natin sa Mindanao. 

Mike Enriquez: Salamat po, Mr Secretary, Mayor Duterte, meron ba kayong tanong, reaksyon? 30 seconds.

Rodrigo Duterte: Wala naman akong nakitang tuwid na daan, puro kulubot man ‘yan. You know, I said this year the budget was given to Manila the largest portion of it was the 64%. Ang binigay sa Region 11, 19 billion. Kanila, 64. O, how can you expect Mindanao to develop? It’s a question of money. You do not count the, you do not count the accounts that was given in the last 5 years. Ah naubos ‘yun sa corruption. Incompetence.

Mike Enriquez: Salamat po, Mayor. Salamat po.

Jessica Soho: Sunod namang sasalang ay si dating Secretary Roxas, at ang makakaharap niya, si Vice President Binay. Ang tanong mula pa rin kay John Nery.

John Nery: Daghang salamat, Jessica. Ginoong Roxas, ang tanong po sa inyo. Sa pinakahuling Pulse Asia survey, lumalabas na pangunahing issue ng mga kabataan sa Mindanao ang problema ng ilegal na droga. Sa buong bansa 1.7 million ang lulong sa droga. Kapag ikaw ang naging pangulo, paano mo tutugunan ang problemang ito? Ano ang gagawin, paano, ano ang gagawin sa mga drug cartel? Kailangan bang ibalik ang death penalty para masolusyunan ang problema?

Mike Enriquez: 90 seconds, Secretary.

Mar Roxas: Ang droga ay isa sa mga pinakamatinding problema na hinaharap natin bilang isang lipunan. Walang pamilya sa ating buong bansa na hindi tinamaan sa problema ng droga. Tututukan natin ito, natutukan na natin ito, at tututukan natin ito sa pamamagitan ng sa taas, paghabol kung baga sa sibat, ‘yung tinatawag nating lambat-sibat. Sibat, hahabulin natin yung mga cartel tulad ng ginawa namin sa PNP nung ako po ay DILG. Mahigit 20, mahigit dalawang bilyon ang halaga ng droga na nahuli nung kapanahunan ko. Yan ang mga cartel. Sa baba naman, sa pamamagitan ng lambat, policing. Street, sitio, and house-level policing ang kinakailangan. Ganunpaman, hindi natin malulutas ang problem ng droga kung aasahan natin ang pulis lang. Ito ay problema ng buong lipunan. It takes all of us coming together, mga guro mga magulang, mga kapit-bahay, lahat po ng lipunan ay dapat magtulong-tulong para malutas natin ang problema ng droga. Hindi ito madali. Malaking pera ito. Kasama na ‘yung mga corrupt, iba pulitiko, iba mga pulis. So anti-corruption pa rin ang pinakamahalagang sandata para mala… para malabanan natin ang droga.

Jessica Soho: Ang inyo pong reaksyon, Vice President Binay. 60 seconds.

Jejomar BInay: Unang-una na ang problema po diyan ay mahina ang enforcement. Nandiyan na po nalalaman ng mga illegal drug syndicates. Ano ho ang ginawa, e wala masyado nahahabla, at kung may nahahabla naman, wala naman ho nangyayari. Kasi, isa pa, hindi ho effective eh. Hindi ho decisive ho ang ating leadership. Ako ho, sa Makati, hindi ho, inabutan kong problema po yan, yang problema ng droga, pero ako ho ay decisive. Wala tayong papayagan yang mga kaso ng illegal drug syndicates. Ako, tuwing maghaharap-harap kami, tinatanong ko, “Oy, ano ba ang mga kaso, nagawa na ba, nasolusyunan na ba?” Eh sa uulitin ko yung banggit dun sa death penalty, hindi ako naniniwala sa death penalty. Eh gawa po ng Diyos yan, hindi ho natin dapat gawin yan. Uulitin ko kailangan lamang ho decisive ang pagharap sa problema. ‘Yon ang wala, kaya ho nagiging problema.

Mar Roxas: Nabanggit ni Vice President Binay ang Makati. Pero hindi ba ang totoo, dalawa ang Makati? Makati ng mga Ayala na maunlad, maraming trabaho, at Makati ng mga Binay na mahirap pa rin. Comembo, Rembo, nandiyan pa rin ang mahihirap, nandiyan pa rin ang mga droga. In fact, Makati has the highest drug rate. Lahat ng mga mayayaman diyan, lahat ng clubs, bawa’t Biyernes, Sabado, nandiyan, laganap ang droga sa Makati.

Jejomar Binay: Puwede ba hong sumagot?

Mike Enriquez: Mabilis lang po? Sige po, Vice President.

Jejomar Binay: Ewan ko kung saan ‘yung statistics ni Mr Roxas. Hindi ho naging problema sa ’min ang droga. Yung Embo, naku masaya ho ang mga tao dun, kasi yung mga lupa doon naibigay ko at malaki na ang halaga. Wala hong kahirapan sa Rembo. Sa buong Makati nakapagdeliver po kami at naiangat po namin ang buhay ng bawa’t taga-Makati.

Mar Roxas: Dadalhin ko po si Vice President Binay sa mga housing na kung saan nila nilagay ang mga, ang mga nailipat nila para makita kung gaano kahirap pa rin ang mga tao na inilipat nila.

Mike Enriquez: Sige po, babalik tayo sa ating sequence. Mamaya po, huwag kayong mag-alala, itutuloy po nila ‘yan. Gusto niyo? Palakpak kung gusto niyo. ‘Yun. ‘Yun oh! Si… Sandali lang po, Mr Vice…

Jessica Soho: Si Vice President Binay naman ngayon, makakaharap si Senadora Miriam Defensor Santiago. Puntahan po muli natin si John Nery. John?

John Nery: Salamat, Jessica. Mr  Vice President, ito po ang tanong para sa inyo. Sa pag-iikot namin sa Mindanao lumalabas na nais ng mga kabataan na maipasa ang anti-political dynasty bill. Kayo po ay kabilang sa isang political dynasty. Ito ba, papano niyo bibigyang prayoridad itong panukalang batas na ipasabuhay ang constitutional provision laban sa political dynasty. Mayroon po kayong 90 seconds.

Jejomar Binay: Unang una po eh kailangang maging maliwanag ho kung ano ba ho talaga ang dynastying tinutukoy. Oo nga’t nandiyan na po sa saligang batas yang kala-, labanan ang anti-dyna-, ang dynasty pero hindi ho magkasundo kung ano ba ho talaga ang definition ng dynasty. Pangalawa, bakit naman ho magkakaroon ng batas para pagbawalan yung gustong magtrabaho, qualified naman at mahahalal naman sa isang malinis at marangal na halalan hindi naman ho guarantee na porqueng kamag-anak mananalo. Ang Maynila tadtad ng anak, asawa lahat ho natatalo. Uulitin ko lamang, kailangan lamang po ay magkaroon ng malinis at marangal na halalan. Palagay ko nagsimula itong issue ng sa dynasty ay dahil sa nung mga unang panahon magkakamag-anak na overspending, patayan at iba pa. Pero kung qualified, gustong magtrabaho, aba bakit naman ho? Basta’t dadaan lamang sa isang marangal at malinis na halalan. Salus Populi sabi nga, gusto ng tao, oh bakit naman ho ninyo haharangin? Dahil lang, dahil sa kamag-anak?

Mike Enriquez: Salamat po. Tapos na po? Salamat po, Mr Vice President. Senadora Miriam Defensor-Santiago, reaksyon please. You have 60 seconds, Senadora.

Miriam Defensor-Santiago: The anti-dynasty provision is found most of all in our constitution and it is a basic principle of constitutional law that anything written in the constitution without more and without  less, should be literally applied if possible. Sinabi na ng constitution eh, hanggang ngayon hindi pa naisabatas yung aking bill ng anti-dynasty kaya hindi natin defined kung sinong mga members ng dynasty. Anong mga patakaran, para masubsume sila, maform-part sila ng isang dynasty.  Dapat may batas na ganon. Pinagsasabi ng mga miyembro ng kongreso na malabo. Ang totoo diyan, self-interested sila. Gusto nila ang dynasty kasi mga dynasty ang pinanggalingan nila o pupuntahan nila. Ngayon, kung ayaw nila noon, di we have to amend the constitution, but while it is there it must be obeyed. The constitution is always and always supreme.

Mike Enriquez: Salamat po Senadora. Mr Vice President, ano pong masasabi niyo diyan, 30 seconds.

Jejomar Binay: Si Miriam meron ho siyang anak na halal, e kung malabo ho ang definition ng dynasty, e yan ho ang problema natin. Tama si ho Miriam, meron sa constitution, ang problema walang implementation na batas kaya ho tayo nagkakagulo pa. 

Mike Enriquez: Ah okay, maraming salamat po Mr Vice President. Si Senadora parang ma…

Jessica Soho: Kailangan sagutin niya kasi may nabanggit uli eh.

Mike Enriquez: Parang mayroon kayong sabihan kanina, sige na nga Senadora, o sige, maikli lang. Mayroon po ba kayong gustong sabihin? Napatingin kayo eh.

Miriam Defensor-Santiago: Hindi. Kasi mali ang sinabi. Ang anak ko, noon tumakbo na party-list representative. After one term, he served, he did not serve another, he did not run for another post.

Mike Enriquez: So wala kayong anak sa gobyerno ngayon?

Miriam Defensor-Santiago: Wala.

Mike Enriquez: Salamat po, klaro.

Jessica Soho: Ang round 3 ipagpapatuloy po natin maya-maya lang. Kilatisin, busisiin, pakinggan ang inyong pipiliin. Magbabalik pa po ang PiliPinas Debates 2016.

Mike Enriquez: Sa datos po ng Twitter, Jessica.

Jessica Soho: Mataas na mataas po talaga ang interes ng publiko sa mga usapin kaugnay sa poverty and development dapat lang, ‘yan ang pangunahin nating problema eh. Kasunod po naman niyan ang peace and order, track record, Mindanao issues at corruption.

Mike Enriquez: Nagbabalik po tayo dito sa lungsod ng Cagayan de Oro, dito sa Mindanao para sa pagpapatuloy ng PiliPinas Debates 2016. At magpapatuloy po tayo sa round 3. Ito po, mga Kapuso, pero bago po ‘yan, may mga nagtatanong po ‘yung nakikita sa tainga ni Vice President Binay. Ang tawag po diyan sa aming propesyon ay override o ‘yung tinatawag na in-ear monitor. Ganito po ‘yun, ho mga Kapuso. Meron po kaming lilinawin. Nakakabit po ‘yun, ang naririnig po doon ay ‘yung audio o tunog na “on the air” o sa himpapawid ng debate ho. Lahat po ng kandidato inalok po naming lagyan niyan. Dapat maklaro po namin sa inyo ‘yun. At tanging ang nagpalagay lang po niyang override ay si Bise Presidente Binay. Salamat po.

Jessica Soho: Ang atin pong hinihimay ngayong round 3 mga isyung kinakaharap ng Mindanao at mga tanong mula po sa ating mga netizen.

Mike Enriquez: Ito na po ang susunod na magtatapatan: Senadora Miriam Defensor-Santiago at Senadora Grace Poe. Ang dalawang babaeng kandidato sa pagka-presidente. Balikan natin si John Nery. John.

John Nery: Salamat, Mike. Ito po ang susunod na tanong para kay Senadora Santiago. May mga nagsasabing para madepensahan ang Pilipinas sa sigalot sa West Philippine Sea, kailangan natin ng EDCA o Enhanced Defense Cooperation Agreement. Pero pangamba naman ng ilang kausap namin, lalo na dito sa Cagayan de Oro, na ang mga lugar katulad ng Lumbia Airport ay gagamitin, na gagamitin para sa EDCA ay magiging militarized. Kayo po ba ay pabor sa EDCA? Kung hindi, ano ang nakikita niyong, nakikita ninyong alternatibo para madepensahan ang Pilipinas laban sa banta mula sa China?

Jessica Soho: 90 seconds po.

Miriam Santiago: I am against the EDCA. In fact, I was the sponsor and author of the resolution that passed in the Senate, expressing the sense of the Senate that the EDCA should first pass the Senate, which is what happens to all other treaties. Bakit ito, pinirmahan lang ng mga opisyales ng executive department na hindi binigay sa Senado, na lahat ng ibang mga treaty ganoon ang paraan noon. Kaya galit talaga ako diyan dahil parang nagsusunud-sunuran tayo. Itong dalawang higante, ang China at ang United States, parehong gustong kontrolahin ang Pilipinas. Bayaan mo na kung ano ang ambisyon nila sa sarili nila. Pero huwag nila tayong idamay. Kaya pareho lang ‘yan na mga ganid. Ang China, gusto niya lahat ng produce kanya na. Kaya ayaw makipag-usap sa atin ang China ng one-on-one, Pilipinas halimbawa at saka China, Vietnam and China ganoon. Ang atin namang gusto ay collective. Lahat ng ASEAN, magkasama-sama sila, sampu sila, at kausapin nila ang China. Ngayon, ayaw ng China ‘yun. Kaya hindi na talaga nilang maresolba ‘yan. Pero ang katotohanan diyan ay parehong gustong kontrolahin itong South China Sea na tinatawag o West Philippine Sea nitong dalawang bansa na ito. Let us stand for our sovereign rights. I am willing to join any movement to declare our independence from imposed sovereignty.

Mike Enriquez: Salamat po, Senadora. Salamat, salamat po. At Senadora Poe, meron po kayong 60 segundo, 60 seconds para sa inyong reaksyon.

Grace Poe: Sang-ayon po ako kay Senadora Miriam na dapat talaga dumaan ito sa Senado para masuri kung ito ba’y bagong kasunduan o hindi. Ito po ang ilagay natin sa ating isip. Wala pong isang bayan na mag-iisip kung anong mas maganda para sa kanilang kapit-bahay o sa kanilang kaalyado. Ang una nilang iisipin ay ang kanilang sarili. Ngayon, isipin natin ang ating sarili. Ano ang puwede nating makuha sa kasunduang ito? Oo, nandiyan sila isang bigatin na puwede tayong bantayan. Pero naaala ba ninyo, noong nandito ‘yung base militar, kahit papaano’y binabayaran tayo ng mga Amerikano, pero ngayon dahil dito sa EDCA, libre ang kanilang pagiging dito. Ito ang masasabi ko: kahit na maliit na bansa tayo ikumpara natin sa China, bakit ang Singapore, puwede nilang palakasin ang kanilang military. Hindi sila basta-basta inuuto ng mga ibang bansa. Kaya rin natin ‘yan, ngayon, paunti-unti, palakasin natin ang ating military. Kausapin natin ang China constructively. Pero let’s take a leadership role in the ASEAN so that we can follow a particular code and conduct that will be followed by the other countries in the ASEAN.

Mike Enriquez: Salamat po, Madame Senator. Senadora, you have 30 seconds.

Miriam Santiago: Yes, there will always be different levels of negotiation between the Philippines and other foreign countries that we deal with. The first track is always to exchange notes. For example, the Philippines already protested the activities of China in these disputed seas. That’s the first track. But, it has had no effect, walang epekto. Kaya we have to go to the second track. We have to negotiate with China together with other Asian countries.

Mike Enriquez: Maraming salamat po, Senadora Santiago.

Jessica Soho: Up next, ang paghaharap nina Senadora Grace Poe at Mayor Rodrigo Duterte. Balikan po natin muli si John Nery.

John Nery: Salamat Jessica. Ito po ang tanong para kay Senadora Poe. Hindi naipasa ang Bangsamoro Basic Law dahil na rin siguro sa nangyari sa Mamasapano. Kapag kayo po ang nahalal, isusulong ba ninyo uli ang BBL o meron kayong ibang programa? ‘Yung paglinaw po sa nangyari sa pagpatay kay Marwan, kasama ba ho ‘yan sa solusyon?

Grace Poe: Mr Nery…

Mike Enriquez: 90 seconds, senator. 

Grace Poe: Mr Nery, ang nais ko po ay magkaroon ng isang transparent, inclusive, at sustainable na pag-uusap at saka kasunduan. Kailangan talaga sa pagbuo ng bagong kasunduan o pagtulak nito, kailangan isama natin lahat ng mga grupo: MILF, MNLF, lahat ng mga grupo. Hindi lamang Maguindanaoan kundi Tausug, Maranao, Badjao, kung ano pa, pati ‘yung mga IPs, pati na mga Kristiyano dito sa Mindanao na bumubuo nito. Pangalawa, habang nag-uusap tayo, kailangan ay sundan natin ito ng mga proyekto para sa Mindanao. Ako po ay isa sa mga gustong magtulak talaga na magkaroon tayo ng Mindanao rail. Noong 1992 pa po ito pinag-uusapan. Siguro nasa lagpas 70 billion ito. Kaya na natin ito tugunan sa mga panahon na ito. Kailangan rin nating ayusin ang problema sa kuryente dito sa Mindanao. Kailangan nating i-rehabilitate ang Angus at Pulangui dams sapagka’t ito po ay heavily silted na. Imbis na 900 megawatts, nagiging 600 megawatts of power lamang ang nabibigay dito. Importante na magkaroon ng trabaho dito sa Mindanao. Kaya nga po sa budget, kasama diyan ang imprastraktura, 2,000 kilometers na kailangan nating ipasemento at ipaayos. Magbibigay ng temporary na trabaho pero pagkatapos noon, mahihikayat natin ang turismo at mga mamumuhunan dito na pumunta dahil mas maayos na ang mga kalsada. Kasama sa usapin ng kapayapaan ay development.

Jessica Soho: Rebuttal, reaction, Mayor Duterte. Meron po kayong 60 seconds.

Rodrigo Duterte: Let me focus on Mindanao on what is happening today. With the failure of BBL, there is a great, great hurt there. Unless I said, we can come up with another card which is federalism. Nothing, nothing at all can appease Mindanao. ‘Yan ang nangyayari diyan. And that is why it is very important na kung ako ang pupunta diyan, I would not only offer the BBL with the same configuration, but I will offer federalism to all, pati kay Nur Misuari on the western side. That would maybe appease everybody because every Moro politico would really like to see federalism kasi palpak nga ang BBL. And we have to do this because I said, nothing, nothing short will appease and bring peace to Mindanao. ‘Yan ang importante sa lahat diyan. You have to right the historical wrong committed against the Moro people.

Jessica Soho: Counter rebuttal, reaksyon, Senadora Grace Poe. Ano po ang inyong tugon?

Grace Poe: Ginagalang…

Jessica Soho: 30 seconds.

Grace Poe: Ginagalang ko ang sinasabi ni Mayor Duterte. Talagang kailangan pag-usapan natin kung makakabuti and federalismo sa ating bayan. Ang pinakamalapit na example ng federalismo ay ang ARMM. Ngayon, gawin natin ito sa umpisa ng termino ng isang pangulo kung anong makakabuti. Pero sa tingin ko ang kailangan ng ating mga kababayan ay devolution of powers kung saan ang local government ay mas may prerogative sa paggasta ng kanilang pondo. Sa ngayon po, dapat 40% pero less than 30 o mga 30% lang ang nabibigay sa local government. Mali po ‘yun. Kailangan ay taasan natin.

Jessica Soho: Maraming salamat po, Senadora Poe. 

Mike Enriquez: Ito po. Tapos na po ang round 3, mga Kapuso. Susunod! Mapapakinggan niyo na po ang mga huling salita ng mga kandidato para sa hapon na ito.

Jessica Soho: Closing statement.

Mike Enriquez: Tawag po nila diyan, closing statements, mga Kapuso. Ah gusto niyo pa? O sige pa, sandali lang po.

Rodrigo Duterte: One hour each?

Mike Enriquez: Sir…

Jessica Soho: An hour daw.

Rodrigo Duterte: We’re good until 9.

[Laughter]

Rodrigo Duterte: Give us time to explain further what we’d like to present to the people.

Jessica Soho: Patay. One more hour daw. [Laughs] Kilatisin. Busisiin po ang inyong pipiliin.

Mike Enriquez: Magbabalik po mga Kapuso ang PiliPinas Debates 2016! One hour?

BETS. Philippine presidential candidates (L-R) vice President Jejomar Binay, Senator Mirrian Defensor-Santiago, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Senator Grace Poe, and Mar Roxas raise their fellow candidates as they participate in a debate held in Cagayan de Oro, southern Philippines on February 21, 2016. File photo by AFP/Pool/Lyn Rillon

CLOSING STATEMENTS

Jessica Soho: Magandang gabi na, mga Kapuso. Narito pa rin po tayo live mula sa Capitol University sa Cagayan de Oro City para sa huling bahagi na po ng ating PiliPinas Debates 2016. Kasama pa rin po natin lahat ng ating mga kandidato sa pagkapangulo.

Mike Enriquez: Mga Kapuso, nito pong nakaraang linggo, nagpunta po kami sa bayan ng Piquit sa North Cotabato dito sa Mindanao. Nakilala po namin ang isang estudyante sa grade 5 na nakikita niyo riyan, si Narrisa po ‘yan. Malungkot po ang kuwento niyang si Narrisa dahil hawak po siya ng kanyang ama nang siya ay nabaril sa isang rido.

Jessica Soho: Tatlong kilometro lang po naman ang layo mula dito sa ating kinaroroonan ngayon, nakilala ko si Nanay Nening, 71 years old. Ang tanging ikinabubuhay nilang mag-asawa ay ang pagbebenta ng panggatong. Kada buwan, 300 piso lang ang kanilang kita. Ayon sa kanya, kung mahirap sila noon, mahirap pa rin po sila hanggang ngayon. Kasama sina Narissa at Nanay Nening sa mahigit 100 milyong Pilipino na nais po ninyong pamunuan. 

Mike Enriquez: At para po sa inyong pangwakas na pananalita, closing statements ngayong gabi ay pakisabi na rin po sa mga nakikinig at nanonood sa Pilipinas at buong mundo: bakit kayo ang dapat maging susunod na presidente ng Republika ng Pilipinas?

Jessica Soho: Bibigyan po namin kayo ng tig-isang minuto para riyan. Alphabetical po ulit ang ating sequence o pagkakasunod-sunod.

Mike Enriquez: Ito na po mga Kapuso, uunahin natin, si Vice President Jejomar Binay. Mr Vice President, 60 seconds po.

Jejomar Binay: Batay po sa aking karanasan, tamang pamamahala at pagmamalasakit sa ating kapwa lalung-lalo na sa mahirap – ‘Yan hong pagharap sa problema ng kahirapan ay dapat ho nating harapin sapagka’t problema pa rin po ‘yan. Kaya po paunan? – Tigilan na po natin ‘yang underspending. Ang sinasabi ko pagka-underspending, underperformance. Hindi nagagamit ‘yung dapat paggamitan. Pagka maraming namamatay kasi hindi nabibigyan ng tamang gamot, hindi makapagpapasok sa ospital. Underspending, nakakaapekto ho ‘yan, nadedelay ang performance. ‘Yung mga infrastructure requirements ho natin na makakatulong ho ‘yan dahil sa magpapadami ng kabuhayan, eh hindi ho nagagawa. Kaya ho kailangan, kailangan po tayo na magdagdag at gastusin ang pera para mabago ho ang ating buhay.

Jessica Soho: Sunod po naman si Senadora Miriam Defensor-Santiago, 60 seconds po.

Miriam Defensor Santiago: We are here looking for a real leader of the Philippines who will implement all the valuable suggestions that were made here this evening. But this is not a personality contest. This is not a show for entertainment. This is a show to educate the Filipino voter on what his own responsibilities are in addition to those that are being assumed by the presidential candidates. One, there should be academic excellence. Dapat naging head of the class or at least naging honor student. Dahil kung hindi lang marunong ‘yun, ano ngayon ang ibibigay niyang dunong sa atin? Pangalawa, may professional excellence. Kung naging professional ‘yun, dapat binigyan siya ng mga award ng mga kapwa professional niya dahil sa hanga sila sa kanya. But third and most important, we should have moral excellence. Dapat ang binoboto natin, walang bahid sa kanyang record. O kung may inimbento man, masyadong hindi kapani-paniwala.  So good luck to you and good luck to all of us. I hope that this country will deserve to be what God meant it to be: a happy, prosperous nation.

Mike Enriquez: Salamat po, Senadora. Sixty seconds po sa huling pananalita ngayong hapon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Mayor?

Rodrigo Duterte: Nganong nia man ko diri? Why am I here? I am here because I love my country and I love the people of the Philippines. I am a native of the Philippines. There is so much corruption, there is so much crime, and so much drugs flooding the country. And it seems nobody is minding the straw. Matagal na ‘yan. We have been raising that problem. And as if… every time before a forum, we talk about this, about that. Eh kung bigyan ninyo ako ng pagkakataon, only if God wills it also, I will stop it. I said, this is an imposed restriction on me. Hindi ako nagpapabilib sa inyo. I will get rid of drugs, suppress crime, stop corruption in government in a matter of 3 to 6 months. Because I believe that without peace, without… with corruption, we cannot really survive and develop as a nation.

Jessica Soho: Si Senadora Grace Poe naman ang susunod na magbibigay ng closing statement. Senadora Poe, 60 seconds. 

Grace Poe: Maraming salamat sa inyong pakikinig. Nararapat lamang na pinag-usapan natin ang lahat ng ito. Ito po’y hindi tungkol sa mga kandidato, kundi tungkol sa inyo. Hindi po kung anong gusto namin kung hindi kung anong mahalaga sa inyo. Dahil ito ay tungkol sa Mindanao, nais kong balikan ang mga nais nating gawin dito sa Mindanao. Unang-una, kailangan talaga magkaroon ng sapat na kuryente na mura ang halaga para sa ating mga kababayan. ‘Yan ay ating gagawin. Ire-rehabilitate natin ang lahat. Babantayan natin ang mga transmission grids para ito naman ay sapat ang kuryenteng maibibigay. Pangalawa, trabaho para sa inyo. 30% ng budget ng national government, ilalagay natin dito. Pangatlo, kailangan din na magkaroon ng pakikipaglaban sa korapsyon. ‘Pag ako po ay naging pangulo, unang executive order, magkakaroon ng Freedom of Information na matagal na nating ginugusto. Sa Pilipinas, sa buong Pilipinas, sa Mindanao man, ang importante ay isang lider na mapagkakatiwalaan. Oo nga, bago nga ako pero hindi na rin bago ang ating mga problema at marami nang matagal diyan pero paulit-ulit pa rin ang kanilang mga lumang solusyon.

Mike Enriquez: Maraming salamat po, Senadora. Pakinggan naman po natin si dating DILG secretary Mar Roxas. Secretary, 60 seconds po.

Mar Roxas: Bakit ko gusto maging pangulo? Maraming mga pagkakataon sa buhay ko, alam ko, wala sa mamamayang Pilipino. May trabaho ako. May naipon ako. Alam kong maayos ang kinabukasan ng anak ko dahil nakapag-aral siya. Pag may nagkasakit sa pamilya namin, kampante ako na may gagamot sa kanila. Hindi ko pinoproblema ang kakainin ko bukas. Bakit ko gustong maging pangulo? Dahil gusto ko maging ganito din ang buhay niyo. Malaya sa gutom. Malaya sa takot. At malayang mangarap. At mahihiya akong gawin, mahihiya akong harapin ang aking magulang, ang aking anak, kayo mismo, kung hindi ko gagawin ang lahat para mangyari ito. Maraming salamat po.

Jessica Soho: Maraming maraming salamat sa ating mga kandidato. Maraming salamat din po sa Philippine Daily Inquirer na katuwang ng GMA sa paghahatid sa inyo ng PiliPinas Debates 2016. Thank you sa editor-in-chief ng Inquirer.net na si John Nery. Sa team bahay na masipag nag-tweet, nag-post sa Facebook, nakibahagi sa diskusyon sa GMANews.TV, sa Super Radyo dzBB, at sa lahat ng RGMA stations nationwide.

Mike Enriquez: Salamat din po.

Jessica Soho: Thank you rin po.

Mike Enriquez: Salamat po, salamat po sa mga kasapi ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas. Salamat po sa Commission on Elections, Comelec. Maraming maraming salamat po. At lalung-lalo na sa lahat, maraming salamat po sa milyun-milyong Pilipino na tumutok ngayong hapon at gabi, kumilatis, bumusisi sa mga kandidatong ito.

Jessica Soho: Maraming salamat po muli sa mga kandidato. Sabi nga ho nila, walang personalan, pulitika lang. Kaya aanyayahan po namin kayo na pumunta sa harapan ng ating entablado at magkamayan po alang-alang sa bayan.

Jessica Soho: Nawa’y nakatulong po kami sa inyong pagdedesisyon ngayong eleksyon 2016. Iisa lang po ang inyong boto kaya pag-isipan nang husto. Ako po ang inyong Kapuso, Jessica Soho.

Mike Enriquez: Mga kandidato, pakitaas lang ang mga kamay para sa Pilipinas. Mga Kapuso, isa sa kanila ang magiging susunod na presidente ng Republika ng Pilipinas. Ako po si Mike Enriquez. Maraming salamat po sa pagtitiwala. Magandang gabi. Oy meron pa sa Visayas at Mindanao. Magandang gabi. Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay!

Rappler.com

 

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.