![[PODCAST] Beyond the Stories: Halalan 2022 sa gitna ng pandemya](https://www.rappler.com/tachyon/2021/05/newsbreak-beyond-the-stories-landscape-with-election-topic.jpg)
Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on Spotify, Apple Podcasts, and Anchor.
Isang taon na lamang at eleksiyon na naman. Ngunit hindi tulad ng mga nakaraang pagkakataon, ang 2022 national and local elections ay gaganapin sa gitna ng pandemya.
Sa podcast episode na ito, tatalakayin nina Rappler news editor Paterno Esmaquel II, Rappler’s Comelec reporter Dwight De Leon, at researcher-writer Jodesz Gavilan ang mga hamon na haharapin ng bansa sa paghahanda para sa halalan.
Ano ang mangyayari kung hindi maiaayos ang mga posibleng problemang umusbong? Ayon kay De Leon:
Darating ang 2022 na uncertain ang mga bagay-bagay and we don’t want that to happen. Kasi if many things are uncertain, people might be discouraged to exercise their right to vote. A vote holds so much power for it to be wasted just because we have been discouraged by the system.
Bakit lilimitahan lang ang mga puwedeng pumunta – at hindi total ban – ang mangyayari sa mga campaign sorties? Ayon kay Esmaquel:
Hindi mawawala [ang campaign sorties] hindi lang dahil sa Pilipinas ito. Pero dahil tao tayo eh. Ang tao, talagang kailangan iyan ng human contact. Mas effective iyong pag-persuade sa mga tao kapag face-to-face. Tandaan natin, ang kampanya, hindi lamang ito pag-impart ng knowledge pero pagkumbinse at panliligaw. Meron ba naman nanliligaw na lahat ay online lang? Siyempre kung manliligaw ka, harapan. Mas maganda kung harapan.
Paano naghahahanda ang Commission on Elections, poll watchdogs, at advocacy groups? Paano makasisigurado na magiging maayos ang eleksiyon? Pakinggan ang podcast.
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com
Pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories:
- Mga problema ng manggagawa hatid ng pandemya
- Lahat na lang ay sinasabing komunista sa ilalim ni Duterte
- Ano ang epekto ng 2 linggong ECQ sa ‘NCR Plus’?
- Ang panibagong panggugulo ng China sa West Philippine Sea
- Mga problema sa ayuda ngayong pandemya
- Ang lumalalang coronavirus pandemic sa Pilipinas
- ‘Nanlaban’: Ang paulit-ulit na salaysay ng mga pulis
- Mga artista at influencers na nagkakalat ng fake news, propaganda
- Ano ang maitutulong ng drug war report ng Department of Justice?
- Paano dapat itinuturo ang Martial Law at EDSA People Power Revolution sa kabataan?
- Bakit mapanganib ang bagong Coast Guard Law ng China?
- Bakit nagmahal ang mga bilihin ngayong pandemya?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.