![[PODCAST] Beyond the Stories: Gulo sa PDP-Laban](https://www.rappler.com/tachyon/2021/07/newsbreak-beyond-the-stories-landscape-with-topic.jpg)
Subscribe to Newsbreak: Beyond the Stories podcast on Spotify, Apple Podcasts, and Anchor.
May gulong nagaganap sa loob ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), ang ruling party ng bansa, sa pagitan ni Senator Manny Pacquiao at ang chairman nitong si Presidente Rodrigo Duterte.
Pinatalsik ng paksiyon ni Duterte si Pacquiao mula sa kanyang posisyon bilang pangulo ng partido. Minaliit naman ni Duterte si Senator Koko Pimentel, ang executive vice chairperson ng PDP-Laban at anak ng yumaong dating senador na si Aquilino “Nene” Pimentel Jr., isa sa mga nagtaguyod ng partido.
Sa podcast episode na ito, tatalakayin nina Rappler senior campaign reporters na sina Pia Ranada at Camille Elemia at researcher-writer Jodesz Gavilan kung paano nga ba nagsimula ang away sa loob ng PDP-Laban.
Ayon kay Ranada, maaaring ang gulo ay ayon sa kagustuhan ni Duterte:
The more I cover and listen to the officials who are involved here, parang I get the feeling na Duterte is actually encouraging the divisions kasi if you think about it, if Duterte really wanted to stop the bickering, if Duterte really wanted to resolve the disagreements, isang meeting lang na ipatawag niya, kaya niya ‘yan. Pero hindi niya ginawa. He even let it play out in public, na ang pangit tingnan…. May feeling talaga ako na this is a power grab. Because Duterte would like to grab control of the party and be able to choose his own candidates without the added baggage of the Pimentel side. Alam niya na it’s the Pimentel party and legacy ni Pimentel, ni [Nene Pimentel] who cofounded the party. Ang feeling na nakukuha dito, he is allowing his loyalists to take control of the party and he will support them all the way because he would like to have a say in who they will endorse in 2022.
Bakit nga ba vulnerable ang mga partido sa bansa sa mga ganitong gulo? Ayon kay Elemia, ang anumang planong reporma ay hindi na pumapabor sa mga politiko, kaya hindi ito binibigyang-pansin sa Kongreso:
Kasi we don’t have a law. Ang tagal na. I remember may proposed law or proposed bill, Political Party Reform Act…. Hanggang ngayon hindi nila pinapasa…. Wala tayong party system. Kaya ayaw nilang ipasa, ang tagal-tagal na pending [ang bill] sa different Congresses, kasi siyempre mas magbe-benefit sa politiko kung personality-based politics. Kasi isipin mo, kung walang personality-based politics, iyong pagtutulong sa mga tao, wala na silang edge para makakuha ng boto.
Paano ito maaayos sa mga susunod na buwan, lalo na’t papalapit na ang pagpili ng mga kandidato at pag-endorso ng mga ito sa Commission on Elections?
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com
Pakinggan ang latest episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories:
- Will PDP-Laban survive Duterte?
- Balik-tanaw sa 5 taon ni Pangulong Duterte
- Ang pagsilip ng ICC sa ‘crimes against humanity’ ni Duterte
- May maaasahan pa bang hustisya sa drug war ni Duterte?
- Paano magiging epektibo ang flexible learning sa kolehiyo?
- Sino ang terorista sa ilalim ng anti-terror law?
- Bakit importante ang herd immunity laban sa COVID-19?
- Halalan 2022 sa gitna ng pandemya
- Mga problema ng manggagawa hatid ng pandemya
- Lahat na lang ay sinasabing komunista sa ilalim ni Duterte
- Ano ang epekto ng 2 linggong ECQ sa ‘NCR Plus’?
- Ang panibagong panggugulo ng China sa West Philippine Sea
- Mga problema sa ayuda ngayong pandemya
- Ang lumalalang coronavirus pandemic sa Pilipinas
- ‘Nanlaban’: Ang paulit-ulit na salaysay ng mga pulis
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.