2022 Philippine Elections

PANOORIN: Lacson-Sotto motorcade sa Metro Manila, iilan lang ang dumalo

Rappler.com
PANOORIN: Lacson-Sotto motorcade sa Metro Manila, iilan lang ang dumalo
Paliwanag ni Senator Vicente Sotto III, ang kanilang motorcade daw kasi ay 'walang binayaran'

MANILA, Philippines – Nag-motorcade ang tambalang Panfilo Lacson at Vicente Sotto III sa Metro Manila nitong Linggo, unang araw ng Mayo.

Mula Quezon City, pumunta ang dalawang senador sa Caloocan, Manila, San Juan, Mandaluyong, Pasig, at Marikina.

Pero, di tulad ng mga motorcade ng kanilang mga katunggali, ang kasabayan nina Lacson at Sotto sa kanilang motorcade, iilan lamang. Ang mga sumalubong din na mga tagasuporta, hindi umaapaw sa kalsada.

Ayon sa mga kandidato, ito ay dahil walang bayarang naganap sa kanilang motorcade, at ang nangasiwa para dito ay hindi ang kanilang kampanya kundi ang grupong Pasa ng Masda.

Sabi nila, hindi nila estilo na magbayad at magkunwari.

Panoorin ang ulat na ito ni Rambo Talabong. – Rappler.com