2022 Philippine Elections

PANOORIN: Lacson, Sotto walang aliwan, puro plataporma sa Tarlac at Pangasinan

Rappler.com
PANOORIN: Lacson, Sotto walang aliwan, puro plataporma sa Tarlac at Pangasinan
Ni Eat Bulaga, wala. Puro plataporma sina Senador Panfilo Lacson at Vicente Sotto III sa Tarlac at Pangasinan. Panuorin ang ulat na ito ni Rambo Talabong.

Wala man masyadong mga lokal na politikong nagtataguyod sa kanilang kandidatura, patuloy sina Senador Panfilo Lacson at Vicente Sotto III sa pangangampanya sa mga huling linggo bago mag-eleksiyon.

Lunes, Abril 25, nag-ikot ang presidential-vice presidential tandem sa Tarlac at Pangasinan upang makipagsangguni sa mga botante tungkol sa iba’t ibang isyu.

Walang aliwan sa kanilang kampanya, ngunit siksik sa kanilang mga plano plataporma ang diskusyon. Walang malalaking rally, ngunit tapatan na pakikipag-usap sa mga naglaan ng oras para maghain ng kanilang mga interes at makinig sa dalawang kandidato.

Panoorin ang ulat na ito ni Rambo Talabong sa Rappler. – Rappler.com