2022 PH presidential race

WATCH: Ping Lacson’s speech at 2022 proclamation rally

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

WATCH:  Ping Lacson’s speech at 2022 proclamation rally

2022 POLLS. Presidential aspirant Senator Ping Lacson, running mate Senate President Tito Sotto with senate hopeful former PNP chief Guilermo Eleazar kick-off their campaign for the May polls at the Imus Grandstand in Cavite on February 8, 2022.

Angie de Silva/Rappler

Senator Panfilo Lacson launches his second bid for the presidency from his home province of Cavite. Watch his full speech here.
WATCH:  Ping Lacson’s speech at 2022 proclamation rally

MANILA, Philippines – From his home turf, Senator Panfilo Lacson launched his campaign for the presidency on Tuesday, February 8, counting on the vote-rich province of Cavite to boost his bid for Malacañang in May 2022.

This is Lacson’s second shot at the presidency, after first vying for the post in 2004. 

Eighteen years later, Lacson is no longer just the first-time senator or former police chief who went up against former president Gloria Macapagal Arroyo and Fernando Poe Jr. He now positions himself as a seasoned lawmaker backed by decades of experience from different positions in government that, he says, place him a notch above other candidates. 

Lacson is running with longtime colleague Senate President Vicente Sotto III, who is vying for the vice presidency. Together, they boast a combined 83 years in public service. 

Their battle cry, Lacson said, is this: “Aayusin ang gobyerno para maging maayos ang buhay ng mga Pilipino.” (We will clean up the government to improve the lives of Filipinos.) 

Below is the full text of Lacson’s speech:

Maraming salamat, Mayor Congressman Roy Loyola, at sa lahat ng mga punong bayan sa ating mahal na lalawigan na naririto at sinamahan tayo ngayong gabi, maraming, maraming salamat po sa inyong lahat.

Sa aking partner, Senate President Tito Sotto, walang nangahas na umagaw ng kanyang upuan bilang Senate President. Alam niyo consensus builder talagang tunay na leader. Sa Senado, alam niyo, laging ‘yung upuan ng Senate President parang sinisilaban ng sili dahil laging gusto palitan. Pero sa ilalim ng pamumuno ni Senate President Sotto panatag ang Senado. Lahat kami maski minority leader, maski ‘yung minorya nakikisama sa kanya. ‘Yan ang sagisag at katunayan ng isang tunay na leader, Senate President Tito Sotto.

Nais ko ring bigyang pugay ‘yung dating DILG Secretary Ronnie Puno na siya po ay tumutulong sa aming pangangampanya. Siya po ‘yung chairman ng NUP. Tatlo po kaming chairman dito. Ako chairman ng Partido Reporma, si Senate President chairman ng NPC, at si Secretary Puno ang chairman ng NUP.

Of course, gusto ko ring i-acknowledge ‘yung presence ng ating mga senatorial candidates na naririto. Senator JV, Secretary Manny Pinol, Dra. Minguita Padilla, Congressman Monsour del Rosario, at, of course, isa ring dating Chief PNP, Guillermo Eleazar.

Bago ko makalimutan nandito rin ‘yung mas pogi sa aking partner maski noong bata pa siya, si Vice Mayor Gian Sotto. Partner, pasensya ka na. Sasabi lang ako ng totoo. Maski nung bata ka pa mas pogi pa rin sa iyo si Gian.

Sa aking mga kababayan, sa ating pinakamamahal na Lalawigan ng mga Bayani, ang tinaguriang Land of the Brave, lalawigan ng mga matatapang, mga Kabitenyo, magandang gabi po sa inyong lahat!

Ang bilang sa ating buong kapuluan, ang bilang ng ating mga lalawigan, 81. Ang mga siyudad, 146. Ang mga bayan, 1,488. Ang ating mga barangay, mahigit 42,000 – to be exact, 42,046 na mga barangay. Pero ang pusong Caviteño, babalik at babalik sa kanyang lupang sinilangan, ang lalawigan ng Cavite. ‘Yan ang dugong nananalaytay sa aking ugat, sa inyong abang lingkod. Dito ako pinanganak, nandito ang aking pamilya, ang aking mga ninuno. Narito rin ang aking mga kaibigan, mga kamag-aral, aking mga barkada. Hindi ko po makakalimutan. Babalik at babalik ako sa ating lalawigang Cavite.

Alam ninyo, sa loob ng napakahabang panahon, nakagisnan na natin dalawang uri ng magnanakaw. Sa buong mundo, dito sa ating bayan, sa ating bansa, dalawang uri ng magnanakaw. ‘Yung magnanakaw na ordinaryo at ‘yung magnanakaw sa gobyerno. Malaki po ang pagkakaiba nitong dalawa.

Ang magnanakaw na ordinaryo, namimili ng kanilang nanakawan at ‘yung kanilang nanakawin. ‘Di ba takot tayo sa magnanakaw ‘pag medyo ginabi tayo ng uwi, kakaba kaba tayo baka may haharang, nanakawin ang ating napag-ipunang salapi o ‘yung ating alahas na suot o maski anong bagay, maski anong mahalagang ari-arian. ‘Yan po ‘yung magnanakaw na ordinaryo.

‘Yung magnanakaw sa gobyerno wala pong pinipili ‘yon. Alam niyo, walang pinipiling nanakawin. Ang ninanakaw noon ‘yung kinabukasan ng ating mga kabataan. ‘Yung ating karapatan para makatikim ng magandang edukasyon. ‘Yung ating karapatan para sa maayos na kalusugan. ‘Yung ating karapatan para sa livelihood, sa imprastruktura. Walang pinipili. Ang problema, tayo pa ang namimili sa mga magnanakaw sa atin. Bakit? Binoboto natin sila. Nakakapagtaka bakit binoboto natin ‘yung mismong magnanakaw sa atin.

Hindi ba dapat piliin nating mabuti? Pagdating ng May 9, hindi namin pinagpilitan ‘yung aming sarili pero piliin natin. Kasi ang mag-su-suffer, tayo. Anim na taon. Anim na taong singkad pagsisisihan natin ang ating ginawa ‘pag nagkamali tayo ng iboboto.

Kami po ni Senate President Sotto nabanggit na niya 83 years between us, 83 years po ang aming pinaglingkod. Legislature, executive branch. Siya’y naging chairman ng Dangerous Drugs Board. Siya’y naging Vice Mayor, siya’y naging Senador at naging Senate President. 24 years. Ako po 18 years. 20 years akong sundalo, 10 years akong pulis at 18 taong senador.

Ito lang ipagmamalaki namin sa inyo. Ni minsan hindi kami tumanggap ng suhol kapalit ng serbisyo publiko. At kapag kami ay pinagpala ng Diyos, ng Poong Maykapal na manilbihan sa susunod na anim na taon, ipagpapatuloy namin ang aming magandang serbisyo. Ang aming battlecry dalawa: Aayusin ang gobyerno para maging maayos ang buhay ng bawat Pilipino.

Tama po si Secretary Piñol. Israel, 2.2 million hectares. Ang Pilipinas, 30 million hectares, sagana sa tubig, sagana sa matabang lupa. Bakit tayo mahirap? Bakit hindi tayo umaasenso? Dahil ang binoboto natin ‘yon ang namemerwisyo. Kaya po uulitin ko, kapag tayo pumili hindi lamang pagkapangulo, hindi lamang pagkapangalawang pangulo, ‘yung mga manunungkulan sa Senado, ‘yung manunungkulan sa Kongreso, ‘yung manunungkulan sa mga lokal na pamahalaan, pumili tayo pong mabuti. Isipin natin ang kinabukasan ng ating mga anak, isipin natin ang kinabukasan ng susunod na henerasyon. Huwag na natin isipin ang sarili natin. Nagtiis na tayo, kaya pa natin pagtiisan. Alalahanin naman natin ‘yung ating mga anak, ‘yung magiging anak ng ating mga anak, ‘yung susunod na henerasyon. Ito ba ang gusto nating ipamana sa susunod na henerasyon?

Para bang, alam niyo ngayon pa lang parang humihingi na tayo ng tawad sa kanila. Patawad susunod na henerasyon, napabayaan namin ang Pilipinas, napabayaan namin kayo, kaya kayo ang magmamana ng mga problema, kayo ang magmamana ng isang, you know, Pilipinas na hindi kanais-nais tirhan.

‘Di ba pagka tayo minsan nag-a-abroad, ‘di ba parang minsan nahihiya pa tayong makilala bilang Pilipino? At ‘pag tayo nasa eroplano ‘di ba ang batian natin ‘pag pauwi na tayo, ‘pag may nakita tayo kakilala o hindi kakilala, ako binabati ako, ‘Senador, back to reality na naman tayo.’ ‘Di ba napakalungkot? Dapat masaya tayo uuwi na tayo ng Pilipinas. Pero ang nangyayari ganoon ang batian. Para bang ‘pag ikaw ay lumipad sa eroplano para bang nakatakas ka sa isang mahirap na buhay, sa isang malungkot na buhay, sa masamang pangitain. At ‘pag ikaw ay palapag na pabalik parang ang lungkot-lungkot mo. ‘Di ba dapat baligtarin natin lahat ‘yon?

Ang No. 1 problem po ng ating bansa, alam niyo ba kung ano? Gobyerno. And the solution lies in the face of the problem itself. It is called government, good government. Alam niyo panahon pa 1950s narinig nyo na ba ‘yung mga kasing edad namin ni Senate President, ‘yung gintong orinola, alam niyo istorya noon? Panahon ni Presidente Quirino, 1948 hanggang 1953, alam niyo ‘yung P5,000 na gold-plated na orinola ang laking issue. Pero over time parang natanggap na natin. Tanggap na natin na ninanakawan tayo, ibinoboto pa natin. ‘Di ba dapat magising tayo sa katotohanan tayo rin ang kumukuha ng pamukpok sa ulo natin?

Hindi pa huli ang lahat. May 9, 2022, huwag nyo pong kalimutan. Pati ‘yung aking mga kasama. Narinig nyo kanina si Secretary Piñol. Alam niyo kanina nakikinig ako sa kanya kinikilabutan ako. Bakit nga tayo nagkaganito? Magising na po tayo sa katotohanan. Isang araw lang tayo magiging hari. Isang araw lang tayong mamimili ng mamumuno sa atin. ‘Pag tayo public servant, kung ikaw ay Pangulo, Pangalawang Pangulo, senador, you know, the people may not be our masters. But definitely, we are your servants.

Sana po sa aking mga kababayan, ito lang po ang masasabi ko sa inyo, huling mensahe na lang. Ako po’y humaharap sa inyo ngayon bilang isang kababayan, lehitimong taga-Imus, lehitimong taga-Cavite. Kapag ako’y pinagpala na maglingkod, hinding-hindi ko kayo ipapahiya. Hinding hindi ko kayo bibiguin!

Kaya huwag nyong kalimutan: Lacson-Sotto: Aayusin ang Gobyerno, Para Maging Maayos ang Buhay ng Bawat Pilipino. Magandang gabi po at maraming, maraming salamat sa ating lahat.

– Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!