2022 Philippine Elections

[PANOORIN] #WeDecide: Anong katangian ang hinahanap mo sa isang lider?

Rappler
Nagtanong-tanong ang Rappler sa ilang mga ordinaryong Pilipino kung ano ang katangian ng lider ang hinahanap nila sa susunod na halalan. Panoorin ang kanilang mga sagot.

Maugong na ang pangalan ng mga posibleng tatakbo sa pagka-Pangulo sa susunod na halalan. Pero swak ba sila bilang lider ng Pilipinas?

Sa loob ng mahigit limang taon, humarap ang Pilipinas sa iba’t-ibang isyu sa ilalim ng pamamahala ni Rodrigo Duterte. Mula sa kanyang madugong war on drugs, Marawi siege, pagkitil sa malayang pamamahayag, pagbalewala sa West Philippine Sea, hanggang sa COVID-19 pandemic na nagdulot lalo ng kahirapan sa maraming Pilipino.

Nagtanong-tanong ang Rappler sa ilang ordinaryong Pilipino kung anong katangian ng lider ang hinahanap nila sa susunod na halalan. Panoorin ang kanilang mga sagot. – Rappler.com

BASAHIN: #WeDecide: Atin ang Pilipinas – our 2022 battle cry