[PANOORIN] #WeDecide: Ano ang hinaing ng mga Pilipino sa gobyerno?

Unti-unti nang nararamdaman ang init ng paparating na halalan, pero habang abala ang ilang mga opisyal na nais tumakbo sa halalan sa pagpapabango ng kanilang pangalan, patuloy na nagugutom ang maraming Pilipino.

Pinalala ito ng COVID-19 pandemic, kung saan marami ang nagkasakit at nawalan ng trabaho.

Sa Quezon City, nariyan ang ilang mga jeepney driver na nanlilimos pa rin sa kalsada kasama ang kanilang mga asawa dahil kulang ang kita sa kada biyahe hanggang ngayon. Kulang din ang ayuda ng gobyerno sa kanila.

Nariyan ang tinderang apektado ang kita dahil kumonti ang mga mamimili. Nariyan ang isang senior citizen na galing sa checkup sa ospital, pero hindi makauwi dahil kulang ang pamasahe.

Nariyan din ang ilang mga Pilipinong nawalan ng hanapbuhay na patuloy na lumalabas kahit delikado, nagbabakasakaling may tumanggap na kumpanya sa kanila para may mailagay sila sa hapag-kainan.

Ilan lang sila sa mga nakausap ng Rappler. Ito ang kanilang mga hinaing sa gobyerno. Panoorin. – Rappler.com