Provide your email for confirmation

Tell us a bit about yourself

country *

Please provide your email address

welcome to Rappler

Login

To share your thoughts

Don't have an account?

Login with email

Check your inbox

We just sent a link to your inbox. Click the link to continue signing in. Can’t find it? Check your spam & junk mail.

Didn't get a link?

Sign up

Ready to get started

Already have an account?

Sign up with email

By signing up you agree to Rappler’s Terms and Conditions and Privacy

Check your inbox

We just sent a link to your inbox. Click the link to continue registering. Can’t find it? Check your spam & junk mail.

Didn't get a link?

Join Rappler+

How often would you like to pay?

Annual Subscription

Monthly Subscription

Your payment was interrupted

Exiting the registration flow at this point will mean you will loose your progress

Your payment didn’t go through

Exiting the registration flow at this point will mean you will loose your progress

welcome to Rappler+

Filipino sa K to 12 curriculum: 'Hindi masyadong pinag-aralan'

PANGASINAN, Pilipinas – Naghahabol ngayon ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na makipagtulungan sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) upang palakasin pa ang Filipino bilang asignatura sa bagong K to 12 curriculum.

Inamin ni Virgilio Almario, tagapangulo ng KWF, na kailangan pang magkaroon ng "closer relationship" ang komisyon at ng DepEd, lalo pa't walang ibang institusyon na nag-aalaga sa Filipino bilang asignaturang itinuturo sa mga paaralan.

Nang tanungin ng Rappler si Almario kung napahalagahan ba ang Filipino noong binubuo ang K to 12 curriculum, "hindi" ang isinagot niya.

"In fact, 'yung curriculum ng Filipino palagay ko [ay] isa sa hindi masyadong pinag-aralan, kaya noong magkaroon kami ng consultations tungkol dun, kitang-kita mo talaga na ang pangit-pangit. Napakababa ng competencies na ino-offer, kaya tuloy, pagkatapos mo, parang wala kang natutunan," sinabi niya sa kanyang panayam sa Rappler kamakailan. 

Tinawag niyang "mababaw" ang curriculum dahil, aniya, kulang ito sa kaalaman sa literatura at kailangang dagdagan ang mga akdang dapat pag-aralan ng mga estudyante.

Hindi rin daw natuturuan ang mga bata tungkol sa genre at sa kultura ng pananaliksik. Ngunit kung susuriin ang senior high school (SHS) curriculum na ipatutupad sa buong bansa simula 2016, mayroon namang mga asignaturang tututok sa pananaliksik sa Filipino:

Sinisisi ni Almario ang nakaraang administrasyon ng KWF dahil, aniya, hindi ito "nag-participate" nang konsultahin sila ng DepEd at palaging "okay lang 'yan" daw ang sagot sa kagawaran. 

Si Jose Laderas Santos ang sinundang tagapangulo ni Almario. Isa sa mga kritiko ni Almario, nanilbihan si Santos bilang tagapangulo ng KWF mula 2008 hanggang 2013. 

Hindi pa naman huli ang lahat, at naghahabol ngayon ang KWF upang pag-ibayuhin ang Filipino bilang asignatura sa mga paaralan. Isang halimbawa rito ang Mother-Tongue-Based Multi-Lingual-Education (MTB-MLE) na itinuturo sa mga estudyante mula Kindergarten hanggang Grade 3.

"Gusto ko na magkaroon ng harmonization ng lahat ng mga orthographies, kasi kanya-kanya ng orthography eh. Ang problema dun, iba 'yung itinuturo sa Ilokano, iba 'yung itinuturo sa Bisaya, pagdating sa Filipino, ituturo mo ulit 'yung language," paliwanag ni Almario.

Dagdag niya: "You should aim for a national literacy. Ibig sabihin noon, parepareho yung orthographies, parepareho 'yung mga rules and spelling, so 'yung bata, oras na maging literate siya, kahit anong wika 'yung pinag-aralan niya, makakabasa siya sa iba pang wika kahit 'di nya naiintindihan...it's just a matter of consulting a dictionary para makuha niya 'yung pinag-aaralan niyang ito."

Marami pa rin daw ang tumututol sa mungkahing ito "kasi napagod na sila," at "tinatamad nang magbago" ng curriculum. (BASAHIN: Mga guro, maging malikhain sa pagtuturo ng Filipino)

"Sabi ko, 'pag mali, dapat baguhin. Kung naniniwala kayong tama 'yung aking pinanggagalingan, sumunod kayo, kaysa ipagpatuloy 'nyo 'yan. Ngayon, naghahabol kami, iniisa-isa ko 'yung mga groups, so meron nang ilang orthographies na sumusunod," 'ika ni Almario.

'Intellectualization' ng Filipino

Mainit ding usapin ang Filipino sa kolehiyo dahil sa bagong general education (GE) curriculum na diumano'y "inaatake" ang pambansang wika. 

Matapos tutulan ng mga tagapagtaguyod ng Filipino ang nasabing curriculum, pansamantalang ipinatigil ng Korte Suprema ang implementasyon nito dahil hindi nito isinama ang mga asignaturang Filipino at Panitikan.

Bagaman hindi tutol si Almario sa curriculum na ito, hindi rin daw siya naliligayahan dito. Para sa kaniya, hindi dapat limitado sa literatura at humanities ang asignaturang Filipino; dapat ginagamit na rin ito para sa mga "intellectual matters," mula senior high school hanggang kolehiyo.

Ito ang direksyon na pinatutunguhan ng komisyon sa huling taon ng pamahalaang Aquino: ang "intellectualization" ng Filipino. Sa Setyembre, sisimulan ng KWF ang pag-iisip tungkol sa technical translation na kakailanganin sa pagtuturo ng mga disiplina.

"Magsisimula na rin kami ng seminar na parang demonstration teaching on how to teach mathematics, sciences, para maipakita dun sa mga teachers na hindi malaking problema 'yung [pagturo sa Filipino]," dagdag ni Almario. 

Naghahanda rin ang komisyon ng mga syllabi at reference books para sa retooling ng mga propesor sa Filipino na magtuturo ng mga core courses sa bagong GE curriculum sa kolehiyo. – Rappler.com

Jee Y. Geronimo

Jee is part of Rappler's Central Desk, handling most of the world, science, and environment stories on the site. She enjoys listening to podcasts and K-pop, watching Asian dramas, and running long distances. She hopes to visit Israel someday to retrace the steps of her Savior.

image