Benigno Aquino III

FULL TEXT: Family’s statement on the death of former president Noynoy Aquino

Rappler
FULL TEXT: Family’s statement on the death of former president Noynoy Aquino

HOME. A man installs a condolence message at an electronic billboard along Times Street outside the gate leading to the late president Benigno “Noynoy” Aquino III's residence in Quezon City on Thursday, June 24, 2021.

Rappler

'Mission accomplished ka, Noy. Be happy now with Dad and Mom,' says Pinky Aquino-Abellada, sister of former president Benigno Aquino III

Former president Benigno “Noynoy” Aquino III died on June 24, 2021. Here is full text of the Aquino family’s statement confirming his death, as read by his sister, Pinky Aquino-Abellada, at the Heritage Park in Taguig City.

Kagaya ng serbisyong binigay niya sa bayan – hindi maingay, trabahong galing sa puso – dahil alam niya, kayo ang boss niya. Kaya nga nakilala siya bilang si PNoy – dahil ayaw niyang maramdaman na dapat siyang bigyan ng kakaibang pansin. Hangarin niyang hindi mapahiya sa inyo dahil sa paghikayat na mahirap man pero tama na sundin ang Daang Matuwid – nagawa niya ang lahat ng ‘yon. 

Masakit para sa amin na tahimik niyang tinanggap ang mga batikos. Natatak sa aming mga magkakapatid na noong sinabihan namin siyang magsalita at labanan ang mga maling haka-haka, simple lang ang sinagot niya sa amin: Kaya pa niyang matulog sa gabi. 

Hinarap niya ang lahat ng imbestigasyon at akusasyon: Sandiganbayan November 2017, Senado noong December 2017, at Kongreso noong February 2018. Because when you enter public service, when you serve with honesty and dignity, and you know you have committed no crimes against the people, hindi ka matatakot magsabi ng totoo.

Pribado po siyang tao. Bago pa man ang pandemic, labas-pasok na siya sa ospital. Nais naming magpasalamat sa lahat ng mga duktor, at sa buong medical team na nag-alaga sa kapatid namin. Naramdaman namin bilang mga kapatid niya, that they did everything to make him comfortable, they became compassionate friends who gave him true respect by valuing and protecting his privacy. 

Sa lahat ng mga totoong kaibigan niya na walang palya siyang dinadalaw, tine-text, pinapadalhan ng pagkain, sinasamahan, at pinoprotektahan siya – salamat po.

Sa mga madre at pari na malapit sa pamilya namin na walang sawang pinagdasal ang kanyang paggaling – salamat din po.

Sa “tropa” niya – kay Ivy, at siguro ang numero uno sa listahan, si Yolly, na 30 years siyang inalagaan – lahat ng kasama niya sa Times Street na mula noong pandemic bihirang nag-off dahil alam na delikado para sa kanya – salamat.

Sa mga botante ng 2nd District ng Tarlac, noong 1998, kayo ang unang bumoto sa kanya, sa inyo siya nagsimula  – three terms ang nabuo niya. Sa 14.3 million Filipinos na in 2007 voted for him to become senator. And sa 15.2 million Filipinos na nagtiwala sa kanya noong 2010, at binigay ang pinakamalaking karangalan na pwedeng maipagkaloob sa kahit na sinong Pilipino – habangbuhay naming tatanawin na utang na loob ‘yung naibigay ninyo sa aming kapatid. Maraming, maraming salamat po.

It is with profound grief that on behalf of our family, I am confirming that our brother, Benigno “Noynoy” S. Aquino III died peacefully in his sleep. His death certificate pronounced his death at 6:30 am due to renal disease secondary to diabetes. No words can express how broken our hearts are and how long it will take for us to accept the reality that he is gone. 

Mission accomplished ka, Noy. Be happy now with Dad and Mom. We love you, and we are so blessed to have had the privilege to have had you as our brother. We will miss you forever, Noy. 

– Rappler.com