Pagkatapos ng tour ng mga gusaling nabili ng ill-gotten wealth ng mag-asawang Ferdinand at Imelda Marcos sa New York City, makikipagtalakayan ang Rappler kasama ang tour guide mismo.
Ngayong Huwebes, alas 12 nang tanghali, iinterbyuhin ni Rappler reporter Rambo Talabong si former Presidential Commission on Good Government (PCGG) commissioner Ruben Carranza tungkol sa mga mga ebidensya kung paano napatunayang binili ng mga Marcos ang mga gusali gamit ang ill-gotten wealth.
Kahit na hindi pa nakukulong ang mga Marcos, paanong nagnakaw pa rin sila? Mapapanagot pa rin kaya ang pamilyang nagnakaw ng bilyon-bilyon?
Samahan ang talakayan live sa Youtube, Facebook, at Twitter ng Rappler.
– Rappler.com
How does this make you feel?