SONA 2020

‘Walang trabaho’: Locally Stranded Individuals seek help starting anew in the province

Lisa Marie David
‘Walang trabaho’: Locally Stranded Individuals seek help starting anew in the province

GOING HOME. The Abuenga family from Angono, Rizal decided to return to Negros Occidental.

Photo by Lisa Marie David/Rappler

Rappler asked 6 LSIs, all struggling with unemployment, how the pandemic has impacted their livelihood and how they now plan to go about with their lives. We also asked if there were issues they wish to be addressed in President Rordrigo Duterte’s 5th State of the Nation Address (SONA).

Starting Saturday, July 25, thousands of Locally Stranded Individuals (LSIs) from Metro Manila and neighboring provinces were crammed into the Rizal Memorial Stadium. There were toddlers, lone travelers, and families carrying all their belongings in cardboard boxes and suitcases.  

Everyone wanted to avail of the government’s free transportation to their home province through the Balik Probinsya Program. But more than the desire to return home, most individuals shared another common thread – the need to find ways to make a living and start anew.

About 7.3 million Filipinos were left jobless due to the coronavirus outbreak. Many workers who sought better opportunities in the metro or in other countries now find themselves having to return to their provinces, temporarily or permanently.

Rappler asked 6 LSIs, all struggling with unemployment, how the pandemic has impacted their livelihood and how they now plan to go about their lives. We also asked if there were issues they wish to be addressed in President Rordrigo Duterte’s 5th State of the Nation Address (SONA).

Locally Stranded Individuals
COOK. Fatima Sarifah, 52, with no place to go to, decided to seek shelter in the Manila South Cemetery.
Photo by Lisa Marie David/Rappler

“Ako si Fatima Sarifah. Taga-Mindanao ako, Zamboanga. OFW ako na, paalis na sana ako noong March 24, kaya lang nag-lockdown. ‘Di na ako naka-alis. Ako ‘yung breadwinner sa’min eh kaya ngayon parang broken kaming lahat. Wala, as in wala talaga. Ako lang bumubuhay sa dalawang anak ko at nanay ko. Sa Maynila, wala rin akong makuhang trabaho. Walang tumatanggap dahil na rin sa edad ko na 52. Babalik ako sa dati kong amo [sa Saudi].

Noong 2018 nagpa-opera kasi ako kaya pinauwi nila ako. Ngayong medyo okay na, na hindi okay dahil biglang nag-lockdown, wala. Nilakad ko lang ‘to, mula Makati papunta rito. Dere-deretso lang naman eh. Sa sementeryo pa ako nakatira. Mga kapitbahay na lang nagbibigay sa’kin ng pagkain sa Manila South Cemetery. Eh wala naman akong natanggap na ayuda doon dahil ang sabi nila pag hindi ka taga-Makati, hindi ka bibigyan. Wala talaga kahit ano. Ang hirap dito, walang trabaho.

Wala akong masabi sa SONA. Sana lang bigyang pansin niya kaming OFW. ‘Yun bang bigyan naman nila ng kahit konti lang na konsiderasyon. Sa COVID, nasa atin naman siguro ‘yun. Kung mag-lockdown sila, dapat sana nakahanda ‘yung goberyno na, sasabihin, ‘yung isang barangay ilo-lockdown ko, sana magbigay sila at walang pipiliin. Tsaka ‘yung food, ‘yun naman talaga ‘yung importante. Kahit wala na ‘yung pera. Kahit sana every week magbigay sila kasi doon, dalawang beses lang yata tapos wala na. Ako, wala akong natanggap lalo na sa SAF. Sana bigyan nila ng tulong mga tulad namin na matagal na nag-aabroad. ‘Yun lang may matatanggap kami sa gobyerno kahit konti lang kasi ako 30 years na ako sa abroad eh.

Kaya nung marinig ko ito sa Facebook, naglakas-loob ako na nagfill-up online. Hindi ko alam kung andoon ‘yung pangalan ko ngayon. Kung ‘di ako makakasakay neto, hindi ko alam kung san ako pupunta.”

Locally Stranded Individuals
DOMESTIC HELPER. Mary Ann Samson, 39, stranded in Valenzuela, wishes to return to Samar with her husband and 3 children.
Photo by Lisa Marie David/Rappler

“Noong December lang ako [sa Valenzuela]. Pauwi kami ngayon sa Northern Samar. For good na [silang mga bata] pero ako, umaalis kasi dahil 10 ang anak ko. Naka-tatlong balik na ako sa Middle East. Una, Qatar. Dubai. Tapos ngayon, Saudi sana. Noong December pa sana eh medyo nagka-problema din sa agency. Tapos medyo nahirapan na din sa gastusin dahil sa dami hanggang inabutan ng lockdown. Bale 6 years na rin akong DH sa bahay. Mahirap din. Salbahe pa minsan.

[Pag-uwi namin ng Samar], maghahanap naman ng bagong maanuhan ulit para makaahon. Syempre, galing kami dito. Wala naman kaming kahit ano pagdating dun. Dati kasi akong may tindahan tapos dumaan pa ‘yung bagyong Ambo. Nasira ‘yung bahay namin kasi sa tabing dagat kami. May bahay kami kaso sira, walang bubong. ‘Yung mga anak ko, sa kusina sila ngayon natutulog. Tapos na-ospital pa ‘yung tatay ni mister. Nasa emergency room.

’Yung katulad po samin na uuwi sana ng probinsya, sana mabigyan nila ng pagkakataon. Tapos sana ‘yung sa COVID, pag halimbawa na maging maayos na, sana bumalik na sa normal na buhay natin. Palaging matatag rin sana si presidente kasi ang dami niyang iniisip na problema, sabay sabay. Sa mga OFW din kasi minsan hindi rin naasikaso ng mga ahensya. Sana priority din nila ‘yung mga nasa loob ng bahay kasi minsan hindi nila nakikita kung ano po minsan ‘yung ginagawa. Minsan pag pinuntahan nila doon, sasabihin ng amo ay maayos, pero totally hindi naman ganun ka-ayos kasi di naman kami minsan nakakausap. Sana talaga i-monitor nila ang nangyayari. Minsan kahit nagsusumbong ka, minsan di nila na-o-okay. Magtitiis ka na lang.”

Locally Stranded Individuals
HELPER. Maridell Eboren, 34, lost her job amid the pandemic. She is set to return to Ormoc.
Photo by Lisa Marie David/Rappler

“Trabaho ko dati sa Japanese restaurant. All-around. Mula nang naglockdown, sarado. Hanggang ngayon wala pa rin kaya walang kita. Wala kaming sweldo. Bayad sa upa, wala. Nahinto na rin ‘yung nagbibigay ng tulong sa barangay kaya kailangan ko nang umuwi kasi ang hirap dito kapag wala kang trabaho. Ayun, wala kaming pera dito. Buti natawagan kami dito [sa Balik Probinsya]. May anak at mama ako sa Ormoc.

Sana katulad ko, single mother, ako lang din nagbibigay sa mga anak ko, ay makapagtrabaho ulit. Syempre, wala namang susuportang iba samin. Ang inaasahan lang din ng mga anak ko, ako lang din eh kasi wala naman silang tatay. Pati mga magulang ko. Pagbalik sa probinsya, sana may mag-bigay samin doon ng trabaho. Kasi, pag wala kaming trabaho, wala naman kaming pagkain.

Sana makita nila ‘yung mga kung sino talagang nangangailangan. Kung sino pa ‘yung natulungan nila, meron naman. Kung sino wala talaga, ‘di matulungan. Sana matapos na ‘yung virus. Di naman pwedeng lahat tayo aasa sa gobyerno. Pero pasalamat din kay presidente dahil natulungan tayo at nabigyan tayo ng pagkain noon, pero ngayon, syempre hindi na kaya. Ang dami pa naman natin.”

BALUT VENDOR. Mariatte Abuenga, 63, decides to return to Negros Occidental together with her husband and two grandsons.
Photo by Lisa Marie David/Rappler

“Kaya nagdesisyon na lang ako umuwi kasi sabi ko, noon, parang ang ayos. Nang dumating itong krisis na ‘to na ‘di natin makita ang kalaban natin, sabi ko, mabuti pa sa probinsya muna tayo. Kaya binalot na talaga namin kahit kaldero. Syempre wala kaming pera, pag naibenta namin ‘yan ng mura, pagdating doon, bibili kami ng mahal. Walang natirang gamit, ang iniwan lang namin doon ay electric fan at TV.

[Ang trabaho ko] ‘yung pangmahirap lang. Nagtitinda ng balut pag gabi. Eh 63 na ako, nahihilo-hilo na ako pagka-sobrang puyat kaya tumigil na ako. Kaya napag-isipan ko, lalo pa ngayon, uwi na lang ng probinsya. May nag-eeskwela pa kami. Palaki nang palaki ang gastusin, paliit nang paliit ang kita dahil may edad na. Pag nandun na [sa Negros Occidental], edi maghanap naman ng kung saan kikita eh wala talaga kami ngayong pera eh. May nagkakarga pa ng karga namin. Ang pera namin, tama lang siguro sa bayad sa pangkarga.

Ang gusto naming marinig [sa SONA] ay kung anong pupuntahan natin netong COVID-19, kung may patutunguhan ba tayong trabaho o wala. Kasi, pag-uwi namin, kahit bahay ay wala. Doon muna kami sa mga pamilya namin. Pansamantala lang. Pagka-makakita naman ng pangkabuhayan ng onti-onti, magnenegosyo na lang para mabuhay. Ako, ang gusto ko, kagaya ngayon na gipit at hirap, mabanggit ‘yung kahirapan at kung ano ang kaya niyang gawin. Okay ako dyan. Kung may papaliwanag pa, pakikinggan din namin. Kaso wala kaming TV, nasira na.”

FIGURINE MAKERS. Luz Mengote, 40, and her partner Buddy wishes to take their cat, Garfield, to Samar.
Photo by Lisa Marie David/Rappler

Buddy: “[Walang trabaho] simula po nag-lockdown. Tapos, sinusuportahan na lang kami ng pangkain ng amo namin. Syempre po, kami, nahihiya rin po kami sa amo namin kaya nag-desisyon na lang po kami na umuwi ng Samar kasi doon sa Samar, makakakain naman kami. Dalawang linggo kami iqu-quarantine doon eh, tapos, magsiside-car naman ako. Dito, naghahanap kami ng trabaho pero wala namang tumatanggap

Luz: “Samin kasi mga niyogan lang at sa dagat [ang trabaho]. Sana sa probinsya namin ay magkaroon ng mga maliliit man lang na factory na ‘yung mapapasukan namin para hindi na kami pumunta dito sa Manila. Mas okay sa Samar. Doon, ‘di kami bibili ng inumin. Sana rin ‘yung mga hayop na dala, sana payagan nilang ibyahe.”

Buddy: “Iyakan nga kami kahapon dahil sabi nga ng amo namin, bawal ‘yan, dahil wala kaming katibayan na nagpapatunay na alaga namin. Sasakay kami kung pwede ‘to. Kung hindi, uuwi talaga kami ng Bulacan.”

Locally Stranded Individuals
HELPER. Edwin Ibañez, a resident of Antique stranded in Bulacan.
Photo by Lisa Marie David/Rappler

“Siguro matapos ang COVID, uusbong na rin ang ekonomiya. Nagpapahinante ako, helper. Hindi naman ako permanente doon na helper eh. Ayos din ‘yung kita doon sana kaso nang dumating COVID-19, wala tayong magawa dun.

Sana ‘yung mga katulad naming LSI, kaming galing sa Bulacan, Laguna eh bigyan din sana ng pansin ‘yung ibang mga taong gustong umuwi pa, na syempre wala ring trabaho. Nag-tetext ako sa Balik Probinsya program kaso priority kasi nila yung Metro Manila. Hindi nila tinutugunan ang mga text namin.  

Bigyan sana ng kalayaan na umuwi sa kanya kanyang probinsya. Walang problema [kung ma-extend ang lockdown], magbigay lang si Tatay Digong ng panibagong ayuda sa mga kapos-palad at matugunan nila yun. Pabor ako doon. Sige, lockdown, basta ang importante, ang mga kapos-palad mabigyan ng pansin na kumakalam ang sikmura nila.”Rappler.com