WATCH: Miriam Santiago interred at Loyola Memorial Park

MANILA, Philippines – Tuluyan nang nagpaalam ang sambayanang Pilipino sa yumaong senadorang si Miriam Defensor Santiago. Narito ang ulat ni Patty Pasion.

(The Filipino people bade farewell to the late senator Miriam Defensor Santiago. Patty Pasion reports)

PATTY PASION, REPORTING: Naihatid na sa huling hantungan ang mga labi ni Senador Miriam Defensor Santiago dito sa Loyola Memorial Park sa Marikina. 

(Senator Miriam Defensor Santiago is finally laid to rest here at the Loyola Memorial Park in Marikina.) 

Inilibing si Santiago sa tabi ng kanyang yumaong anak na si AR. 

(Santiago is buried beside her late son, AR.) 

Marami ang nakiramay sa huling pagkakataong masilayan at makidalamhati sa pagpanaw ng senadora. 

(Many people attend the burial for a last chance to mourn the senator's death.)

Bago magsara ang public viewing ng alas-onse ng umaga, may mga ilang tao pa rin ang pumila para masilayan ang labi ni Santiago. 

(Before the public viewing closed at 11 am, several people lined up to get a glimpse of Santiago's remains.) 

Isang funeral mass ang ginanap sa Immaculate Conception Cathedral ng ala-una nang tanghali kung saan nagbigay ng huling pasasalamat ang kapatid ng senadora na si Dr Nini Defensor. 

(A funeral mass was held at the Immaculate Conception Cathedral at 1 in the afternoon where the senator's sister, Dr Nini Defensor, expressed her gratitude.)

DR. NINI DEFENSOR, MIRIAM SANTIAGO'S SISTER: To family and friends and supporters not only here in the Philippines, but all over the world, her millions of friends in Facebook, we thank you not only for the words of condolence but the moral support when she gave her announcement about her serious illness. 

Ilang kilalang personalidad din ang sumama sa pamilyang maihatid si Santiago sa kanyang huling hantungan.

(Several personalities joined the family in laying Santiago to rest.)

Bandang alas-tres ng hapon ng dumating ang labi ng senadora sa loyola memorial park. Pinamunuan ni Fr Aris Siso ng pagbabasbas sa kanyang labi.

(Around 3 PM, the senator's remains reached the cemetery. Father Aris Sison led the blessing of her body.)  

Sa pagpapalipad naman ng kalapati at lobo nagbigay pugay kay Santiago ang kanyang pamilya at Youth for Miriam volunteers. 

(Santiago's family honored her with a release of doves and white balloons.)

Pumanaw si Santiago noong September 29. Mahigit 50,000 ang mga supporters na bumisita sa kanyang burol. 

(Santiago died on September 29. Over 50,000 supporters visited her wake.)

Matagal na nagsilbi bilang Senador si Santiago. Tatlong beses din siyang tumakbo sa pagkapangulo ngunit hindi pinalad na manalo.

(Santiago served as senator for a long time. She also ran for presidency thrice but failed to win.)

Maaalala ng bansa si Santiago bilang isa sa pinakamagaling at matapang na mambabatas. 

(The country will remember Santiago as one of the brightest and the fiercest legislators.)

Patty Pasion, Rappler, Marikina. – Rappler.com