PANOORIN: Pag-uumapaw ng debosyon sa Nazareno

MAYNILA, Pilipinas – Nagmistulang dagat ng tao ang Binondo ngayong Pista ng Poong Nazareno.

Ayon sa Philippine National Police, higit-kumulang 280,000 na deboto ang sumali sa taunang prusisyon bandang alas-10 ng umaga pa lang.

Ramdam sa prusisyong ito ang pag-uumapaw ng debosyon ng mga Pilipino. Sa kabila nito, mahirap pa ring maintindihan ang debosyon sa Nazareno.

Panoorin ang ulat ni Paterno Esmaquel II. – Rappler.com