FULL TEXT: ‘There’s hope for FPJ’s aspirations’ – Grace Poe

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

FULL TEXT: ‘There’s hope for FPJ’s aspirations’ – Grace Poe
'Ano ang p'wede nating magawa para maibsan ang buhay ng mga nangangailangan?' On her father's 76th birth anniversary, survey front runner Grace Poe quotes a line from his movie

MANILA, Philippines – While the waiting game for her decision whether to run for president in 2016 intensified, Senator Grace Poe on Thursday, August 20, delivered a speech about pursuing what her late father told her to do: “have a purpose that goes beyond yourself.”

The front runner in presidential preference surveys visited the tomb of her popular father, the late actor and once-presidential candidate Fernando Poe Jr, on his 76th birth anniversary. She was joined by FPJ’s fans, her own supporters, and her mother, actress Susan Roces, who a day earlier delivered a movie-like lines to defend the senator from those who were questioning her citizenship. 

FPJ ran for president in 2004 and lost to then incumbent President Gloria Macapagal Arroyo, in an election widely believed to have been marred by systematic fraud.

Below is the full text of Grace Poe’s speech:

 

Halos lagpas isang dekada na tayo nagkikita dito, dalawang beses sa isang taon. Umulan man ng malakas o sa tindi ng sikat ng araw, marami sa inyo ang patuloy na pumupunta dito. At alam ko, ginagawa ninyo ito sapagkat patuloy ninyong naaalala  at minamahal si FPJ. Sa kaibuturan ng puso ng aming pamilya, maraming salamat po sa patuloy ninyong pakikiramay at patuloy ninyong pag-asa sa aming pamilya.

Sa ating mga kababayan, marami sa inyo na pumupunta dito hindi lamang dahil minamahal kayo ni FPJ o dahil mahal niyo si FPJ, at hindi lamang dahil kayo ay fans niya kung hindi dahil kayo ay umaasa, at kayo ay may pag-asa, na kung ano man ang mga naging mithiin noon ni FPJ ay maipapapagpatuloy natin sa ating mga indibidwal na kapasidad.

Bago ako mag umpisa muli, nais kong batiin ang mga kasama natin dito ngayong araw. Siyempre, ang aking butihing ina, si Mom, Auntie Beth, ang aking asawa at mga anak, si Neil at si Brian. Ang aking ninong, ang ating pangulong mayor na si Joseph Estrada ng Manila, kung saan nandito siyempre ang North Cemetery. Siyempre, ang former Comelec chairman, Sixto Brillantes, na naging abogado ni FPJ.

Nandito rin siyempre si Congressman Roilo Golez, ang ating Vice Governor Mark Leviste ng Batangas, sapagkat parang pangalawang lugar na rin namin ang  Batangas sapagkat palaging nandoon ang aking nanay. Lahat ng ating mga local government officials na nandito, lalung-lalo na ang Marikina, ang mga representatives galing sa iba’t ibang sector na nandidito ngayon.

Ang mga galing pa sa iba’t ibang parte ng Pilipinas – sa Cebu, sa  Bohol, sa Pangasinan, at sa lahat ng iba’t ibang lugar pa sa Mindanao, sa Visayas, at sa dulo ng Luzon – maraming salamat po.

Maraming salamat po na nandito kayo ngayon at naaalala ninyo ang mga  magagandang linya ni FPJ. Alam ‘nyo, noong ako’y bata pa lamang, tinuturuan niya ako kung papaano mabuhay – papaano maging isang mabuting anak, papaano maging isang mabuting tao. Ang palaging sinasabi ng tatay ko sa akin, palaging dapat meron kang layunin na higit sa iyong sarili. Ang mga natutunan ko sa kanya,  sinserong kumalinga sa kapwa at tumulong, huwag magyabang at maging magpakumbaba, maging tapat sa mga ginagawa mo kahit ano pa man ‘yan, at higit sa lahat, sabi ko nga, tumulong sa kapwa. 

Ito ay hindi ko kinakalimutan kahit saan man ako. ‘Yan ay ‘tinuro sa akin ng aking mga magulang. Ang aking mga magulang ay hindi nang-uuri ng tao. Para sa kanila, madali silang magmahal kahit kanino. Ang sabi ng aking nanay, ganyan si FPJ sapagkat hindi niya kinalimutan kung papaano maging mahirap.

Alam ‘nyo nung bata ako, ‘kinuk’wento sa akin ng aking nanay na noong una ako dinala sa kanila, kulot-kulot daw talaga ang aking buhok at marami akong galis sa mukha, at palagi akong nangangati, kumakamot. Pero, alam ‘nyo, imbes na pandirihan ako, kinupkop nila ako at inalagaan. At ganun din sila sa marami nating kababayan.

Si FPJ mas gusto niyang makisama sa marami, iba’t-ibang tao, pero mas masaya siyang kasama ang mga ordinaryong mamamayan, mga nag-drive ng bus, ng jeep, ‘yung mga kutsero ng kabayo, ‘yung mga stuntmen, ‘yung mga extra sa pelikula. ‘Yun ang mga kaibigan na gusto niya samahan, sapagkat sinsero at tapat din sa kanya.

Kaya bago ako magtapos, siguro balikan natin ang iba’t-ibang mga linya sa pelikula ni FPJ, sa mga nangyayari ngayon at sa mga hindi natin kinakalimutan. Ano ba ang mga sikat na linya ni FPJ?

Palagi kong sinasabi: “Hindi ako kumakain ng bigas, ‘sinasaing ko muna para maging kanin. Kayo, palay pa lang, kinakain ‘nyo na.”

O kaya, “Puno na ang salop, judge, dapat nang kalusin.

O, “Kaya huwag mong sabihing malakas ka, huwag mong sabihing marami kang salapi, at huwag mong sabihin na marami kang tao – pare-pareho lang tayo.

At, “Isang bala ka lang.”

So, sa araw na ito, nais ko lang sabihin, may isa pang linya sa pelikula ni FPJ sa Agila. Ang sabi niya: “Huwag mong linlangin ang iyong sariling anak sa iyong paglalakbay para sabihin na ako ang kailangan mo. Ang hinahanap mo ay kahulugan,  at lahat tayo ‘yan ang hinahanap natin sa araw-araw, kahulugan kung bakit tayo nalilit. Ano ang p’wede nating magawa para maibsan ang buhay ng ating mahal sa buhay, maibsan ang buhay ng mga nangangailangan?

Nawa’y ang inspirasyon ni FPJ ay manatili sa atin at, muli, maraming salamat po. – Rappler.com 

 

 

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!