International Criminal Court

Rappler Recap: Iimbestigahan na ng ICC ang drug war ni Duterte

Rappler
Ano ang mga aasahan natin sa imbestigasyong ito?

Iimbestigahan na ng International Criminal Court (ICC) ang mga patayan sa madugong war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte, at bukod dito ay isinama pa ng mga huwes ng pre-trial chamber ang mga patayan sa Davao City na gawa ng sinasabing Davao Death Squad (DDS).

Sakop ng bagong bukas na imbestigasyon ang mga patayan sa Davao City mula 2011 hanggang 2016 nang alkalde at bise alkalde roon si Duterte.

Ayon sa pre-trial chamber 1, nakitaan nila ng koneksyon ang mga patayan sa Davao City sa mga patayan sa madugong kampanya kontra droga.

Sa puntong ito, kakalap na ng mas malalim pang mga ebidensya ang Office of the Prosecutor (OTP) ng ICC para malaman kung sino ang kanilang ipaaaresto, o ipatatawag sa korte sa The Hague.

Pag-uusapan nina justice reporter Lian Buan at Malacañang reporter Pia Ranada ang isyung ito, at kung ano ang mga aasahan sa mga darating na araw. – Rappler.com