Provide your email for confirmation

Tell us a bit about yourself

country *
province *

why we ask about location

Please provide your email address

Login

To share your thoughts

Don't have an account?

Login with email

Check your inbox

We just sent a link to your inbox. Click the link to continue signing in. Can’t find it? Check your spam & junk mail.

Didn't get a link?

Sign up

Ready to get started

Already have an account?

Sign up with email

By signing up you agree to Rappler’s Terms and Conditions and Privacy

Check your inbox

We just sent a link to your inbox. Click the link to continue registering. Can’t find it? Check your spam & junk mail.

Didn't get a link?

Join Rappler+

How often would you like to pay?

Monthly Subscription

Your payment was interrupted

Exiting the registration flow at this point will mean you will loose your progress

Your payment didn’t go through

Exiting the registration flow at this point will mean you will loose your progress

'Fotobam' bilang Salita ng Taon: Paalala sa isyu ng Torre de Manila

MAYNILA, Pilipinas – Itinuturing ng historyador na si Michael Charleston Chua ang pagkakapili sa "fotobam" bilang Salita ng Taon sa Sawikaan 2016 bilang isang paalala sa isyu ng Torre de Manila.

"Hindi naman natin puwedeng apurahin ang Korte Suprema sa pagde-decide tungkol sa Torre de Manila issue…. 'Yung 'pambansang photobomb' ito ay isang isyu na hindi lamang tungkol sa pagretrato na may asungot, kundi parang na-exalt nga 'yung usaping pangkasaysayan at pangkultura at pamana, sa Korte Suprema," sabi ni Chua sa kaniyang panayam sa Rappler nitong Huwebes, Oktubre 6.

Itinanghal ang "fotobam" bilang Salita ng Taon 2016 noong Huwebes, ang ikalawang araw ng Pambansang Kumperensiya sa Wikang Filipino na ginanap sa Diliman campus ng Unibersidad ng Pilipinas (UP).

Hango sa salitang Ingles na "photobomb," ang "fotobam" ay tumutukoy sa pagsama sa retrato kahit pa hindi ka dapat kasama.

Naging matunog ang salitang "photobomb" matapos bansagan ang Torre de Manila bilang "pambansang photobomb" dahil diumano'y sinisira nito ang hitsura ng monumento ni Rizal, isa sa mga sikat na atraksyon sa Luneta Park. 

Nagsampa ng petisyon sa Korte Suprema ang mga kritiko ng Torre de Manila noong 2014, ngunit hanggang ngayon, matapos ang 6 na oral arguments, ay wala pa ring desisyon ang Korte Suprema sa isyu. (BASAHIN: TIMELINE: The Torre de Manila case)

Para kay Chua, naging "stepping stone" ang bansag na "pambansang photobomb" upang mapalapit ang isyu ng Torre de Manila sa mga tao, mapadali ang pagpapaliwanag nito, at mapalalim ang diskusyon.

"So, whatever it is, anuman ang maging desisyon ng Korte, in many ways ay kumbaga ito na 'yung nagsesemento ng kahalagahan ng isyu sa ating lipunan, sa ating edukasyon, na sana...ngayong ito'y naging Salita ng Taon, patuloy na pag-usapan ang isyu na 'to, ang kahalagahan nito sa atin, dahil ito ay nagpapakita sa atin kung gaano ba kahalaga 'yung kasaysayan natin, 'yung kultura natin, 'yung pamana natin, paano natin inaalagaan ito at paano natin pinagpupugayan 'yung mga bayani natin," aniya.

. @Xiao_Chua : Hindi naman natin puwedeng apurahin ang Korte Suprema sa pagde-decide tungkol sa Torre de Manila issue. pic.twitter.com/HZvMRL4SZK — Jee Y. Geronimo (@jeegeronimo) October 6, 2016

 

Iniba ni Chua ang baybay o ispeling ng "photobomb," at "fotobam" ang naging salitang kalahok sa Sawikaan.

Ayon sa historyador, ginamit niya ang "fotobam" bilang pagpupugay na rin sa dalawang estudyante ng De La Salle-College of Saint Benilde – sina Carl Angelo Ruiz at Jong Gutierrez – na ginamit ang baybay na ito sa kanilang dokumentaryo.

"Ang 'fotobam' ay organic. Galing ito sa isang estudyante na nagkainteres sa isyu," dagdag ni Chua. 

Para kay Vim Nadera, isa sa mga hurado galing sa Filipinas Institute of Translation na pumili sa "fotobam" bilang Salita ng Taon, ang kakaibang katangian ng "fotobam" ay ang baybay nito na "inangkin na natin."

"Sa halip na gamitin natin 'yung 'asungot,' 'paningit,' 'panira,' o 'wala sa lugar,' e ginagamit natin 'yung 'fotobam' na pasok na pasok. Maaaring sabihin natin sa henerasyong ito ng millennials, sa henerasyong ito na maraming mga pagbabago lalo na sa ating pamumuhay," sabi ni Nadera.

Dagdag niya: "Kung titingnan 'nyo, nademokratisa ang paggamit, halimbawa, ng camera. Dati-rati 'pag may camera, pang-mayaman lang 'yan eh. Ngayon kahit sino puwede na, at kung titingnan mo, 'yun ang pagbibigay kapangyarihan o empowerment nito sa karaniwang Filipino."

Vim Nadera on 'fotobam': Ito ay pagkatok sa pintuan ng pagbabago na hindi mapipigil. pic.twitter.com/9HDKlM0ZvQ — Jee Y. Geronimo (@jeegeronimo) October 6, 2016

 

Itinuring din ang "fotobam" bilang People's Choice o salitang pinili ng mga delegado ng Pambansang Kumperensiya sa Wikang Filipino.

Paliwanag ni Nadera, ito ang unang pagkakataon magmula noong 2004 na nagkapareho ang salitang pinili ng mga delegado at ang pinili ng mga hurado. – Rappler.com

Jee Y. Geronimo

Jee is part of Rappler's Central Desk, handling most of the world, science, and environment stories on the site. She enjoys listening to podcasts and K-pop, watching Asian dramas, and running long distances. She hopes to visit Israel someday to retrace the steps of her Savior.

image