Boying Remulla

PANOORIN: May special treatment sa anak ni Boying Remulla

Rappler.com
PANOORIN: May special treatment sa anak ni Boying Remulla
Bakit sa anak ni Boying Remulla, biglang naalala ng mga awtoridad ang karapatang pantao at tamang proseso?

MANILA, Philippines – Kahit sabihin pa ng mga awtoridad na ang kanilang ginagawa para sa arestadong anak ni Department of Justice Secretary Boying Remulla ay tama lamang, hindi lahat dito ay karaniwan nilang ginagawa.

Ang awtoridad sa Pilipinas ay mayroong mahabang kasaysayan ng hindi pagpansin sa karapatan ng mga drug suspect. Libo-libo ang nailabas na ang mga mukha sa publiko, daan-daan ang binansagang drugista sa media, at dose-dosena na ang ipinarada sa harap ng mga kamera.

Pero sa kaso ni Juanito Remulla III, tila biglang naalala nila ang mga karapatang pantao at mga tamang proseso sa pagtrato ng mga suspect.

Panoorin ang Tiktok video ni Rappler reporter Rambo Talabong. – Rappler.com

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!