bar exams

PANOORIN: Iba’t ibang mukha ng tagumpay sa 2022 Bar Exams

Rappler.com
PANOORIN: Iba’t ibang mukha ng tagumpay sa 2022 Bar Exams
Panoorin ang mga nakaaantig na kuwento ng ilan sa mga nakapasa sa 2022 Bar Exams

MANILA, Philippines – Napuno ng galak at saya ang kalye ng Padre Faura sa Maynila dahil sa mga pumasa sa Bar.

Noong April 14, inanunsyo ng pinuno ng 2022 Bar Exams na si Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa na 3,992 mula sa 9,183 na kumuha ng pagsusulit ang nakapasa, habang 43.47% ang passing rate. Pinangunahan ng Unibersidad ng Pilipinas ang mga paaralan na may pinakamaraming topnotchers.

Kabilang sa mga libo-libong bagong abogado ang mga anak ni Eden Valdes, na sabay na pumasa sa 2022 Bar Exams. Alay raw nila sa kanilang ina at yumaong ama ang kanilang tagumpay, ayon sa mga anak ni Eden.

Mag-isa namang sinalubong ni Earvin James Atienza ang magandang balita. Yumao na kasi ang kanyang ama’t ina bago pa man siya maging ganap na abogado. Ngunit kahit gano’n, nagsumikap pa rin siya at naabot ang kanyang inaasam na pangarap.

Panoorin ang kanilang kuwento sa ulat na ito ni Rappler reporter Jairo Bolledo. – Rappler.com

Reporter/ Writer: Jairo Bolledo
Production Specialist: Errol Almario
Producer: Jaira Roxas
Supervising Producer: Beth Frondoso

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!