MANILA, Philippines – Nagsimula nang tumanggap ang Commission on Elections (Comelec) ng certificates of candidacy (COC) para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre.
Nagtungo ang Rappler sa Amoranto Sports Complex sa Quezon City para alamin ang pulso ng mga Pilipino na nagnanais mamuno sa kani-kanilang mga barangay.
May incumbent officials na gusto lang daw ipagpatuloy ang kanilang nasimulan, may mga kandidatong gustong lutasin ang problemang pangkaayusan sa kanilang lugar, at may mga kabataang nais makatulong sa pagpapaganda ng sitwasyon ng kanilang mga kapitbahay.
Ang COC filing ay mula Agosto 28 hanggang Setyembre 2.
Panoorin ang video na ito sa Rappler. – Rappler.com