EDSA People Power Revolution

PANOORIN: Mga lugar na puwedeng puntahan para alalahanin ang EDSA Revolution

Jairo Bolledo
PANOORIN: Mga lugar na puwedeng puntahan para alalahanin ang EDSA Revolution
Hindi na kailangan pang lumabas ng Metro Manila para pumunta sa mga makasaysayang lugar na nagpapaalala sa atin ng EDSA Revolution

MANILA, Philippines – Hindi na kailangan pang lumabas ng Metro Manila para lang alalahanin ang makasaysayang EDSA People Power Revolution na naganap mahigit tatlong dekada na ang nakararaan.

Sa Ortigas Avenue, kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), matatanaw ang higanteng imahen ng Mahal na Birhen na kilala rin bilang Our Lady of EDSA. Sa mismong kinatatayuan ng birhen ay matatagpuan din ang EDSA Shrine na itinatatag ilang taon matapos mapatalsik sa puwesto ang diktador na si Ferdinand Marcos.

Ilang distansya lamang mula sa EDSA Shrine, makikita naman ang People Power Monument malapit sa Kampo Aguinaldo, ang pambansang punong-tanggapan ng militar. Pinapakita sa monumento ang naging pagkakaisa ng mga Pilipino noong Pebrero 25, 1986.

Ang tanyag na Unibersidad ng Pilipinas – hindi lamang kilala dahil sa pagpapatapos sa mga mahuhusay na iskolar ng bayan, ang mismong pamantasan din ay simbolo ng naging paglaban ng mga guro at mag-aaral noon sa Martial Law.

Bukod sa mga alaala ng EDSA, maaari ring puntahan ang Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City upang bigyang pugay ang mga martir at bayani sa ilalim ng diktadurang Marcos.

Panooring ang buong bidyo. Rappler.com

Jairo Bolledo

Jairo Bolledo is a multimedia reporter at Rappler covering the police, crime, military, and security.