MANILA, Philippines – Lumusot na sa Senado at sa House of Representatives noong Miyerkules, Mayo 31, ang panukalang batas na bumuo ng isang sovereign wealth fund na tatawaging Maharlika Investment Fund (MIF).
Ibig sabihin nito, maisusumite na ang panukala sa Malacañang para mapirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Inaasahang mababanggit ito ng presidente sa kanyang ikalawang State of the Nation Address sa Hulyo 24.
Nakalusot ito sa Kongreso sa kabila ng mariing pagtutol ng ilang mga mambabatas sa panukala, dahil sa takot na magagamit ang MIF sa korapsyon, at paniwalang hindi pa maganda ang ekonomiya para sa ganitong proyekto.
Panoorin ang Rappler Recap sa kalakip na video. – Rappler.com