education in the Philippines

PANOORIN: Kakaibang silid-aralan sa pagbabalik ng face-to-face classes

PANOORIN: Kakaibang silid-aralan sa pagbabalik ng face-to-face classes
Tinutukan ni Rappler education reporter Bonz Magsambol ang unang araw ng face-to-face classes sa Longos Elementary School sa Alaminos City, Pangasinan. Panoorin ang kanyang ulat.

Makalipas ng halos dalawang taong pagsasara ng mga paaralan sa Filipinas dahil sa pandemya, pinayagan ng Department of Education ang may 100 pampublikong eskuwelahan para sa limited face-to-face classes nitong Lunes, Nobyembre 15.

Isa sa mga paaralang ito ay ang Longos Elementary School sa Alaminos City, Pangasinan.

Naka-face mask at face shield ang mga estudyante at guro, kinukuhanan ng temperatura bago pumasok sa classroom. Magkakalayo ang mga desk, may plastic barrier pa bawat isa. Ang bilang ng mag-aaral kada silid, hindi dapat hihigit sa 15 lamang.

Tinutukan ni Rappler education reporter Bonz Magsambol ang unang araw ng face-to-face classes sa Longos. Panoorin ang kanyang ulat. – Rappler.com

Reporter: Bonz Magsambol
Producer: Nick Villavecer
Production Specialist: Uly Pontanares