MANILA, Philippines – Muling pinatawan ng House of Representatives ng 60 araw na suspensyon si Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr.
Maliban dito, tinanggalan din ng mga komite ang kongresista.
Ayon sa pagsusuri ng ethics committee, bigo si Teves na gampanan ang kanyang mga tungkulin bilang mambabatas dahil lumiliban siya sa mga pagpupulong ng Kamara nang walang pahintulot.
Hindi rin umano nakatulong na sinubukan niyang makakuha ng political asylum sa Timor-Leste.
Bago nagdesisyon ang Kamara noong Miyerkules, Marso 31, usap-usapan kung tuluyan na bang sisipain ng kanyang mga katrabaho si Teves. Ang expulsion ay ang pinakamabigat na parusa para sa isang miyembro ng House of Representatives.
Panoorin ang buong Rappler Recap sa kalakip na video. – Rappler.com