Ang bola ay nasa Senado na. Makatatanggap kaya si Vice President Sara Duterte ng confidential fund sa susunod na taon?
MANILA, Philippines – Nagpasya ang House of Representatives na huwag nang bigyan ng confidential funds sa taong 2024 ang mga tanggapang pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte.
Sa halip, ilalaan ang pondo, na nagkakahalagang P650 milyon, sa mga ahensiyang nagbabantay sa West Philippine Sea.
Pero hindi pa tapos ang proseso, dahil sasalang din sa Senado ang panukalang batas tungkol sa badyet.
Panoorin ang video na ito para sa mabilisang kuwento sa isyu ng confidential fund ng Bise Presidente. – Rappler.com