crimes in the Philippines

PANOORIN: Ano ba ang parusa sa hazing?

Rappler.com
PANOORIN: Ano ba ang parusa sa hazing?
Kung mapapatunayang nagkasala sa ilalim ng anti-hazing act ang mga hinihinalang salarin sa pagkasawi ni John Matthew Salilig, ano ang maaaring parusa sa kanila? Panoorin ang paliwanag ni Rappler reporter Jairo Bolledo.

MAYNILA, Pilipinas – Kamakailan lamang, isang mag-aaral mula sa Adamson University ang nasawi dahil sa hinihinalang hazing.

Si John Matthew Salilig, 24, ay natagpuan sa isang bakanteng lote sa Imus, Cavite, mahigit isang linggo mula nang mapabalitang nawawala siya. Isang saksi ang nagsabing pinalo si Salilig ng pitumpung beses bilang bahagi ng initiation rites ng fraternity na Tau Gamma Phi.

Lumabas sa autopsy report ni Salilig na blunt force trauma o mga pinsala sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan ang naging dahilan ng kaniyang pagkasawi. Noong Huwebes, ika-2 ng Marso, sinampahan na ng reklamo ang anim na taong sangkot umano sa hinihinalang hazing.

Kung mapapatunayang nagkasala ang mga hinihinalang salarin sa ilalim ng anti-hazing act, ano ang mga parusang maaari nilang kaharapin?

I-click ang video sa itaas upang mapanood ang paliwanag ni Rappler reporter Jairo Bolledo. – Rappler.com

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!