MANILA, Philippines – Ang Ombudsman na dapat ay bantay ng bayan laban sa korupsiyon, nagmungkahi na gawing pribado ang audit reports ng mga ahensiya ng gobyerno.
Sabi ni Ombudsman Samuel Martires, nalilito na raw kasi ang mga tao.
Pero nakalilito ba talaga?
Hindi naman. Pero higit pa roon, nakaaalarma ang ganitong klaseng panukala.
Mas mahirap suriin kung paano ginagasta ng gobyerno ang pondo ng publiko kung hindi na masisilip ang mga report ng Commission on Audit.
Panoorin ang video na ito para malaman ang iba pang mga dahilan kung bakit importanteng bantayan ang isyung ito. – Rappler.com