PODCAST: Ang pagkalas ni Duterte at Pilipinas sa Int’l Criminal Court

Rappler.com
Ang pagkalas na ito ay tila pagbasura sa ginawang pagsisikap ng mga human rights advocates na mapasama tayo sa ICC, isang prosesong tumagal nang 11 taon

PAGKALAS. Magkakabisa ang pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court sa Marso 17, 2019

 

Pakinggan sa iTunes at sa Spotify

MANILA, Philippines – Sa Linggo, Marso 17, 2019, opisyal nang kakalas ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Ito ay dahil sa sariling desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasawalang-bisa ang Rome Statute.

Ang pagkalas na ito ay tila pagbasura sa ginawang pagsisikap ng mga human rights advocates na mapasama tayo sa ICC, isang prosesong tumagal ng 11 taon.

Ang pagkalas ni Duterte ay nangyari matapos ianunsyo ng ICC Prosecutor na maglulunsad na siya ng preliminary examination sa libo-libong patayan sa kampanya ng administrasyon laban sa droga.

Sa podcast na ito, pag-uusapan ng human rights reporter na si Jodesz Gavilan at justice reporter na si Lian Buan ang iba’t-ibang implikasyon ng pagkalas ng Pilipinas sa ICC. – Rappler.com