PODCAST: Ano ang dapat mong malaman tungkol sa Metro Manila water crisis?

Jodesz Gavilan
PODCAST: Ano ang dapat mong malaman tungkol sa Metro Manila water crisis?
Walang magawa ang mga residenteng apektado kundi maghanap ng paraan upang makaipon ng tubig na gagamitin sa araw-araw

Pakinggan sa iTunes at sa Spotify

MANILA, Philippines – Ang Metro Manila ay kasalukuyang dumaranas ng isang malalang water crisis simula pa noong nakaraang linggo. 

Ang mga apektadong residente ay walang magawa kundi maghanap ng paraan upang makaipon ng tubig na gagamitin sa araw-araw: magtiis sa mahabang pila at abangan ang trak ng bumbero, gumising nang maaga para makaipon ng tubig, o kaya’y sumalok na lamang sa swimming pool.

Paano nga ba tayo dumating sa puntong ito? Sino ang dapat managot? (READ: Manila Water’s supply crisis: What we know so far)

Sa podcast na ito, hihimayin ng business reporter na si Ralf Rivas at researcher-writer na si Jodesz Gavilan ang isyu tungkol sa krisis ng tubig, kung may paraan ba para maiwasan ito, at kung ano ang mga dapat abangang development sa susunod na mga araw. – Rappler.com

Jodesz Gavilan

Jodesz Gavilan is a writer and researcher for Rappler and its investigative arm, Newsbreak. She covers human rights and also hosts the weekly podcast Newsbreak: Beyond the Stories. She joined Rappler in 2014 after obtaining her journalism degree from the University of the Philippines.