PODCAST: Ang doble-plaka law bilang panakip-butas sa mga patayan

Jodesz Gavilan
PODCAST: Ang doble-plaka law bilang panakip-butas sa mga patayan
Sapat bang solusyon ang Motorcycle Crime Prevention Act sa napakaraming patayan sa ilalim ng administrasyong Duterte?

Pakinggan sa iTunes at sa Spotify

MANILA, Philippines – Libo-libong motorcycle riders ang nagprotesta laban sa Motorcycle Crime Prevention Act na pinirmahan ni Presidente Rodrigo Duterte noong Marso. 

Layunin ng tinatawag na doble-plaka law na masolusyunan ang mataas na bilang ng patayan sa Pilipinas na isinasagawa ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo. Ang rekisito ng batas: maglagay ng malaking plaka sa unahan at likuran ng bawat motorsiklo para madaling makilala registration details ng sasakyan. (READ: Doble plaka law: DUterte’s band-aid to stop killings

Maraming nagmamaneho ng motorsiklo ang umalma dahil hindi raw tamang ibinibilang sila sa mga mamamatay-tao. Hindi rin daw madali at ligtas na sila’y maglagay ng malalaking plaka sa kanilang motorsiklo. 

Sa podcast na ito, pag-uusapan ng Philippine National Police reporter Rambo Talabong at ng researcher-writer na si Jodesz Gavilan ang iba’t ibang aspekto ng kontrobersiyang ito. 

Sapat bang solusyon ang doble-plaka law sa napakaraming patayan sa ilalim ng administrasyong Duterte? Saan ito nagkulang? At mapipigilan pa ba ang implementasyon nito? – Rappler.com

PAKINGGAN ANG IBA PANG RAPPLER PODCAST:

 

Jodesz Gavilan

Jodesz Gavilan is a writer and researcher for Rappler and its investigative arm, Newsbreak. She covers human rights and also hosts the weekly podcast Newsbreak: Beyond the Stories. She joined Rappler in 2014 after obtaining her journalism degree from the University of the Philippines.