PODCAST: Bakit kailangang labanan ang Duterte coverage ban sa Rappler?

Jodesz Gavilan
PODCAST: Bakit kailangang labanan ang Duterte coverage ban sa Rappler?
Ano ang implikasyon ng coverage ban sa pangkalahatang sitwasyon ng malayang pamamamahayag sa Pilipinas?

Pakinggan sa iTunes at sa Spotify

Listen to this podcast in Bisaya and Ilocano.

MANILA, Philippines – Nag-file ng petition ang Rappler kasama ang mga reporters at correspondents nito noong Huwebes, April 11, sa Supreme Court para tapusin ang pagpigil sa kanila ng Malacañang at ni Presidente Rodrigo Duterte sa pag-cover sa presidential public events. 

Ang pagsampa ng petisyon ay nangyari 14 buwan pagkatapos unang hindi pinapasok si reporter Pia Ranada sa Malacañang Complex noong February 2018. Isinama rin sa ban si Rappler CEO/executive editor Maria Ressa. Ang pagpigil na ito ay lumawak at sumakop pati sa mga events sa labas ng Metro Manila – umabot sa 7 iba pang insidente kung saan pinalabas ang mga reporters mula sa coverages. 

Iginiit ng Rappler na ang coverage ban ay labag sa constitutional guarantees ng isang malayang pamamahayag, pantay na proteksyon at kaparaanan ng batas. Ang ban na ito ay iba pa sa mga kasong inihain laban sa Rappler sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Sa podcast na ito, pag-uusapan nila petitioners Pia Ranada at Senate reporter Camille Elemia, kasama si researcher-writer na si Jodesz Gavilan kung ano ang nag-udyok sa kanila upang isampa ito, paano nakaapekto sa kanilang trabaho ang ban, at kung ano ang implikasyon nito sa pangkalahatang sitwasyon ng malayang pamamahayag sa Pilipinas. – Rappler.com

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Jodesz Gavilan

Jodesz Gavilan is a writer and researcher for Rappler and its investigative arm, Newsbreak. She covers human rights and also hosts the weekly podcast Newsbreak: Beyond the Stories. She joined Rappler in 2014 after obtaining her journalism degree from the University of the Philippines.