#PHVote podcast: Ano-ano ang paraan ng vote-buying?

Jodesz Gavilan
May paraan pa ba para matigil ang talamak na pagbili at pagbebenta ng boto sa Pilipinas?

MANILA, Philippines – Napakatagal nang problema sa Pilipinas ang vote-buying tuwing eleksiyon. 

Hindi na bago ang makarinig ng alegasyon na may kandidatong bumibili ng boto. Ang hindi alam ng maraming mamamayan, ang boto ay nabibili hindi lamang sa pamamagitan ng pag-aabot ng pera sa isang botante. 

Sa podcast na ito, pag-uusapan nila Rappler election reporter Sofia Tomacruz at researcher-writer Jodesz Gavilan kung ano pa ang iba’t ibang paraan ng vote-buying ayon sa batas, at paano mapapanagot ang mga may kasalanan. 

Tatalakayin din sa podcast na ito ang mga sinabi ng election lawyer at Rappler columnist na si Emil Marañon III sa nakaraang Newsbreak Chats tungkol sa vote-buying

May paraan pa ba para matigil ang talamak na pagbili at pagbenta ng boto sa Pilipinas? – Rappler.com

PAKINGGAN ANG IBA PANG RAPPLER PODCAST:

Jodesz Gavilan

Jodesz Gavilan is a writer and researcher for Rappler and its investigative arm, Newsbreak. She covers human rights and also hosts the weekly podcast Newsbreak: Beyond the Stories. She joined Rappler in 2014 after obtaining her journalism degree from the University of the Philippines.