PODCAST: Impunity in the West Philippine Sea

Jodesz Gavilan
Gaano kaimportante ang tugon ng administrasyong Duterte sa nangyaring banggaan?

(Subscribe to Rappler podcasts on iTunes and Spotify)

MANILA, Philippines – Nabulabog ang Pilipinas nang pumutok ang balitang lumubog ang isang bangkang pangingisda ng mga Pilipino pagkatapos itong mabangga ng isang Chinese vessel sa Recto Bank (Reed Bank) sa West Philippine Sea noong June 9. 

Ang banggaan ay nag-iwan ng malaking sira sa likod ng FB Gem-Ver. Ngunit imbes na tulungan, agad diumanong tumakas ang Chinese vessel at iniwan ang 22 na mangingisda. Sila ay naisalba ng isang Vietnamese fishing vessel. (WATCH: How Chinese ship sank Filipino fishing vessel in West PH Sea)

Ang gobyerno ng Pilipinas ay naging malamya sa kanilang pagtrato sa kontrobersiya – isang malaking kaibahan mula sa pagtrato nito sa ibang isyung kinasangkutan ng ibang bansa. Tinawag naman ni Presidente Rodrigo Duterte na isang “maritime incident” lamang ang nangyaring banggaan at pag-iwan sa mga mangingisda.

Sa podcast na ito, pag-uusapan ng defense reporter na si Rambo Talabong, foreign affairs reporter Paterno Esmaquel, at researcher-writer Jodesz Gavilan ang iba’t-ibang anggulo ng insidenteng dagdag sa mahabang listahan ng harassment sa West Philippine Sea, kasama na rito ang paraan para makamit ang “accountability” na ninanais ng mga mangingisda. 

Paano nga ba dapat umaksyon ang administrasyon ni Duterte laban sa China? Ano ang ipinahihiwatig ng mga galaw ng Presidente? Pakinggan ang podcast na ito. – Rappler.com

PAKINGGAN ANG IBA PANG NEWSBREAK PODCASTS:

Jodesz Gavilan

Jodesz Gavilan is a writer and researcher for Rappler and its investigative arm, Newsbreak. She covers human rights and also hosts the weekly podcast Newsbreak: Beyond the Stories. She joined Rappler in 2014 after obtaining her journalism degree from the University of the Philippines.