PODCAST: Makakalusot ba si Ronald Cardema ng Duterte Youth sa Kongreso?

Jodesz Gavilan
Ano ang mga isyu na hindi pa nareresolba kahit papalapit na ang pagbukas ng bagong Kongreso?

(Subscribe to Rappler podcasts on iTunes and Spotify)

MANILA, Philippines – Mula sa kalsada at Facebook, dadalhin ng Duterte Youth ang kanilang suporta sa administrasyon ni Rodrigo Duterte sa Kongreso pagkatapos silang makakuha ng isang upuan sa House of Representatives. 

Ngunit ang kanilang lider na si Ronald Cardema ay humaharap sa kontrobersiya patungkol sa kanyang hangaring maupo bilang Duterte Youth representative. Marami ang lumaban at nag-file ng petition laban sa kanyang pag-upo. Isa sa mga dahilan ay ang kanyang edad – dahil siya ay 34 anyos na, hindi na siya pasok sa age requirement para maging youth representative, ayon sa batas. 

Sa podcast na ito, pag-uusapan nila Comelec reporter Sofia Tomacruz at researcher-writer Jodesz Gavilan ang iba’t-ibang panig ng isyu tungkol kay Cardema na hindi pa nareresolba kahit papalapit na ang pagbubukas ng bagong Kongreso.

Ano ang puwedeng mangyari kung papayagan ng Comelec na maupo si Cardema? Bakit nga ba mahalaga ang isang genuine youth representation sa Kongreso? Pakinggan ang podcast na ito. – Rappler.com

PAKINGGAN ANG IBA PANG NEWSBREAK PODCAST:

Jodesz Gavilan

Jodesz Gavilan is a writer and researcher for Rappler and its investigative arm, Newsbreak. She covers human rights and also hosts the weekly podcast Newsbreak: Beyond the Stories. She joined Rappler in 2014 after obtaining her journalism degree from the University of the Philippines.