[PODCAST] Ang batas na puwedeng magpalaya sa rapist-murderer na si Antonio Sanchez

Jodesz Gavilan
[PODCAST] Ang batas na puwedeng magpalaya sa rapist-murderer na si Antonio Sanchez
Ano ang epekto ng RA 10592 kay convicted murderer-rapist na si Antonio Sanchez?

(Subscribe to Rappler podcasts on iTunes and Spotify)

MANILA, Philippines – Nabulabog ang Pilipinas ngayong linggo nang napabalitang maaaring makalaya ang convicted murderer-rapist na si Antonio Sanchez.

Si Sanchez, na mayor noon ng Calauan sa Laguna, ay hinatulan ng reclusion perpetua noong 1995 dahil sa paggahasa kay University of the Philippines-Los Baños student Eileen Sarmenta. Hinatulan din siya sa pagpatay kay Allan Gomez, isa ring estudyante ng UPLB na kasama noon ni Sarmenta.

Sa huling update mula sa Bureau of Corrections, nagbago ang tono ni Director General Nicanor Faeldon at sinabing baka magtagal pa ng ilang taon si Sanchez dahil sa ilang “bad behavior.”

Ang dahilan ng posibleng paglaya ni Sanchez ay ang retroactive implementation ng Republic Act (RA) 10592, o guidelines kung paano bibilangin ang good conduct time allowance na maaaring maging basehan ng mas maikling pagkakakulong. 

Sa podcast na ito, susuriin ng justice reporter na si Lian Buan at researcher-writer na si Jodesz Gavilan ang iba’t ibang panig sa kontrobersiyang ito: bakit maraming tutol sa plano at ano ang mga implikasyon nito sa batas. 

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Photo by Lito Borras/Rappler 

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Jodesz Gavilan

Jodesz Gavilan is a writer and researcher for Rappler and its investigative arm, Newsbreak. She covers human rights and also hosts the weekly podcast Newsbreak: Beyond the Stories. She joined Rappler in 2014 after obtaining her journalism degree from the University of the Philippines.