[PODCAST] Inciting to sedition sa ilalim ni Duterte

Jodesz Gavilan
[PODCAST] Inciting to sedition sa ilalim ni Duterte
Ano ang implikasyon ng inciting to sedition complaint sa demokrasya sa Pilipinas?

(Subscribe to Rappler podcasts on iTunes and Spotify)

MANILA, Philippines – Isang panibagong dagok na naman ang tinanggap ng oposisyon at ilang kritiko ng Duterte administration: inciting to sedition.

Humaharap si Vice President Leni Robredo at 35 na iba pang indibidwal sa inciting to sedition complaints patungkol sa diumanong Project Sodoma, base sa testimonya ni Peter Joemel Advincula, alyas Bikoy. 

Ayon kay Advincula, may conspiracy para ipataob ang administrasyong Duterte sa pamamagitan ng viral videos tungkol sa ilegal na droga.

Ngunit marami ang nag-aalala na ang reklamong ito ay bahagi na naman ng mas malawak na plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na patahimikin ang oposisyon at dissent sa bansa.

Sa podcast na ito, pag-uusapan ng police reporter na si Rambo Talabong, justice reporter Lian Buan, at researcher-writer Jodesz Gavilan ang iba’t ibang isyung nakapalibot sa inciting to sedition complaint at kung ano ang implikasyon nito sa demokrasya sa Pilipinas.

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Pakinggan ang iba pang episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories:

Jodesz Gavilan

Jodesz Gavilan is a writer and researcher for Rappler and its investigative arm, Newsbreak. She covers human rights and also hosts the weekly podcast Newsbreak: Beyond the Stories. She joined Rappler in 2014 after obtaining her journalism degree from the University of the Philippines.