SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
(Subscribe to Rappler podcasts on iTunes and Spotify)
MANILA, Philippines – Inabandona man ni Interior Secretary Eduardo Año ang pagbuhay sa anti-subversion law, gusto pa rin niyang ma-criminalize ang pagiging miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Mangyayari ito kung maipapasa ang batas na gustong ipanukala ni Año sa Kongreso para malabanan ang CPP at iba pang diumano’y front organizations nito.
Ngunit maraming grupo ang tumutuligsa sa balak na ito dahil, ayon sa kanila, maaari itong magamit sa war on dissent o paghabol sa mga kritiko ng pamahalaan. (READ: Creating a Marcos? Reviving the anti-subversion law under Duterte)
Sa podcast na ito, pag-uusapan ng police reporter na si Rambo Talabong at researcher-writer Jodesz Gavilan ang iba’t ibang isyung nakapalibot sa pagsugpo sa mga komunista, ano ang balak gawin ng gobyerno, ano ang implikasyon sa karapatang-pantao ng mga mamamayan kung ituturing na krimen ang pagiging komunista, at ano ang mga problemang maaaring umusbong mula rito.
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com
Top photo by Alecs Ongcal/Rappler
Pakinggan ang iba pang episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories:
- Inciting to sedition sa ilalim ni Duterte
- May silbi ba ang diplomatic protest laban sa China?
- Ang batas na puwedeng magpalaya sa rapist-murderer na si Antonio Sanchez
- Makakalusot ba si Ronald Cardema ng Duterte Youth sa Kongreso?
- Impunity in the West Philippine Sea
- Sino si Bikoy at dapat ba siyang paniwalaan?
- Bakit mahalagang mailabas ang Tokhang documents?
- Ang doble-plaka law bilang panakip butas sa mga patayan
- Ang alas ni Eduardo Acierto laban kay Michael Yang
- Ano ang dapat mong malaman tungkol sa Metro Manila water crisis?
- Ang pagkalas ni Duterte at Pilipinas sa Int’l Criminal Court
Add a comment
How does this make you feel?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.