SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
Subscribe to Rappler podcasts on iTunes and Spotify
MANILA, Philippines – May ibang pinagkakaabalahan si Alan Peter Cayetano maliban sa trabaho niya bilang Speaker ng House of Representatives.
Siya rin ang chairperson ng Philippine Sea Games Organizational Committee (Phisgoc), ang punong abala sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa Pilipinas.
Balot ng kontrobersiya ang komiteng ito matapos maglitawan ang mga problema sa paghahanda sa palaro. Kailangan ding magpaliwanag si Cayetano tungkol sa budget na ibinigay ng gobyerno sa Phisgoc, isang pribadong foundation, para sa hosting SEA Games 2019.
Ayon sa isang report ng Rappler, nagpalipat-lipat ang pondo kung nasaan si Cayetano – mula Department of Foreign Affairs hanggang Phisgoc (ipinapasa mula sa Philippine Sports Commission). (READ: Multi-billion SEA Games 2019 fund follows Cayetano where he goes)
Sa podcast na ito, pag-uusapan nina House reporter Mara Cepeda and researcher-writer Jodesz Gavilan kung paano lumipat ang pondo, bakit si Cayetano ang napiling mamuno sa Phisgoc, at kung may conflict of interest ba rito.
Ano ang mangyayari kay Cayetano pagkatapos ng SEA Games? Handa ba siyang harapin ang sinasabi niyang audit? Pakinggan sa podcast na ito.
Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com
Pakinggan ang iba pang episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories:
- New Clark City: May anomalya ba?
- Paano naiipit si Robredo sa drug war ni Duterte
- Bakit malaking banta sa demokrasya ang crackdown sa progressive groups
- Bakit di dapat balewalain ang harassment ng China malapit sa Panatag Shoal?
- Paano nilalabanan ang ‘fake news’?
- Ano ang latest sa protesta ni Marcos laban kay Robredo?
- Bakit kailangang magpabakuna?
- Ninja cops: Ang isyung nagpabagsak sa hepe ng PNP
- Dapat bang gawing ilegal ang pagiging komunista?
- Inciting to sedition sa ilalim ni Duterte
- May silbi ba ang diplomatic protest laban sa China?
- Ang batas na puwedeng magpalaya sa rapist-murderer na si Antonio Sanchez
- Makakalusot ba si Ronald Cardema ng Duterte Youth sa Kongreso?
- Impunity in the West Philippine Sea
- Sino si Bikoy at dapat ba siyang paniwalaan?
- Bakit mahalagang mailabas ang TokHang documents?
- Ang doble-plaka law bilang panakip butas sa mga patayan
- Ang alas ni Eduardo Acierto laban kay Michael Yang
- Ano ang dapat mong malaman tungkol sa Metro Manila water crisis?
- Ang pagkalas ni Duterte at Pilipinas sa Int’l Criminal Court
Add a comment
How does this make you feel?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.