[PODCAST] Ano ang solusyon sa mabagal na PH justice system?

Jodesz Gavilan
[PODCAST] Ano ang solusyon sa mabagal na PH justice system?
Paano makakatulong ang proyektong Governance in Justice sa mabagal na galaw ng hudikatura?

Subscribe to Rappler podcasts on iTunes and Spotify

MANILA, Philippines – Laging sinasabing mabagal ang justice system sa Pilipinas. 

Ang kabagalan nito ay isa lamang sa maraming kritisismo at problemang kinakaharap ng mga korte. Nakakaapekto ito sa mga ordinaryong mamamayang dumudulog sa hudikatura para sa kanilang mga legal na problema. 

Bilang tugon, gusto ng mga opisyal magkaroon ng mas maayos na koordinasyon ang iba’t ibang ahensya upang mas mapag-usapan ang mga problema.  

Sa podcast na ito, hihimayin nila justice reporter Lian Buan at researcher-writer Jodesz Gavilan ang proyektong Governance in Justice (GoJust) na naglalayong magtayo ng mga “justice zones” na kabibilangan ng mga opisyal mula sa iba’t ibang sektor. (READ: In fractured justice system, a simple solution: Let’s talk

Ano nga ba ang justice zones at ano ang mga problemang maaaring harapin kapag itinayo ang mga ito? Kaya ba nitong punan ang pagkukulang ng kasakuluyang set-up ng hudikatura? Pakinggan sa podcast na ito.

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Pakinggan ang iba pang episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories:

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Jodesz Gavilan

Jodesz Gavilan is a writer and researcher for Rappler and its investigative arm, Newsbreak. She covers human rights and also hosts the weekly podcast Newsbreak: Beyond the Stories. She joined Rappler in 2014 after obtaining her journalism degree from the University of the Philippines.