[PODCAST] Quo warranto: Ang paboritong bala ni SolGen Jose Calida

Jodesz Gavilan
[PODCAST] Quo warranto: Ang paboritong bala ni SolGen Jose Calida
Ano ang posibleng implikasyon ng matagumpay na paggamit ng quo warranto petition laban sa ABS-CBN?

Subscribe to Rappler podcasts on iTunes and Spotify.

MANILA, Philippines – Dumiretso na sa Korte Suprema ang krusada ng administrasyong Duterte laban sa malayang pamamahayag.

Gamit ang quo warranto petition, hinihingi ni Solicitor General Jose Calida na i-revoke ng Korte Suprema ang franchise ng ABS-CBN. Ang paggamit ng quo warranto petition ay hindi na bago. Ito ang nagpatalsik kay Maria Lourdes Sereno mula sa pagiging chief justice.

Sa podcast na ito, pag-uusapan nina justice reporter Lian Buan at researcher-writer Jodesz Gavilan kung ano ang quo warranto, bakit ito paboritong gamitin ng administrasyon, at ano ang posibleng implikasyon nito kung sakaling magtagumpay na naman si Calida.

Ayon kay Buan, nagpapakita ito ng isang “disturbing trend”: 

The thing kasi with the quo warranto, it’s a very draconian legal measure niya. Sabi nga ng ibang experts, if the Solicitor General really found something wrong with how ABS-CBN does its business, there are less restrictive remedies to do so. Kung may problema sa tax, mag-file ka ng tax case. Kung may problema dito, mag-file ka ng ganito. Why does it have to be a shutdown?

Ano ang kaibahan ng paggamit ng quo warranto laban kay Sereno at sa kaso ng ABS-CBN? Pakinggan sa podcast na ito.

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Pakinggan ang iba pang episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories sa page na ito.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

author

Jodesz Gavilan

Jodesz Gavilan is a writer and researcher for Rappler and its investigative arm, Newsbreak. She covers human rights and also hosts the weekly podcast Newsbreak: Beyond the Stories. She joined Rappler in 2014 after obtaining her journalism degree from the University of the Philippines.