[PODCAST] Coronavirus: Bakit mahal magpagamot ng COVID-19 sa ospital?

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

[PODCAST] Coronavirus: Bakit mahal magpagamot ng COVID-19 sa ospital?
Paano kung walang PhilHealth ang may COVID-19?

Subscribe to Rappler podcasts on iTunes and Spotify

MANILA, Philippines – Mahal magkasakit ng COVID-19.

Maliban sa problemang dinudulot nito sa kalusugan, dagdag pa rito ang gastos na maaaring pasakit sa maraming Pilipino. Hindi mura magpagamot, lalo na sa mga pribadong ospital, na minsa’y lagpas pa sa P1 milyon ang bayarin

Sa podcast na ito, pag-uusapan nina reporter Bonz Magsambol at researcher-writer Jodesz Gavilan kung ano ang bulto ng gastos sa ospital para sa mga tinamaan ng COVID-19, at ano ang mga paraan ng gobyerno ng pagtulong dito. 

Sa umpisa, ang gastos sa ospital ay sagot lahat ng PhilHealth. Ito ay nagbago simula April 15. Ngunit ayon kay Magsambol:

Kasi ang sinasabi dito ni PhilHealth, kailangan daw din nila i-manage ang gastos for the long term kasi hindi daw nila alam kung hanggang kailan matatapos itong pandemic na ito. At marami pa ring sakit o ailments na nakadepende sa PhilHealth. Kasi di ba under the Universal Health Care, sagot ka ni PhilHealth kapag nagkasakit ka.

Paano kung walang PhilHealth o insurance ang maysakit? Ano ang mangyayari? Pakinggan ang podcast.  

Ang Newsbreak: Beyond the Stories ay isang podcast series ng Rappler tungkol sa mahahalaga at malalaking isyu sa Pilipinas. – Rappler.com

Pakinggan ang iba pang episodes ng Newsbreak: Beyond the Stories sa page na ito.

Pakinggan ang iba pang episodes on the novel coronavirus outbreak:

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!