Fact check - gov't services/laws

HINDI TOTOO: Aprobado na ang bill na magpapalit ng pangalan ng NAIA sa MIA

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

HINDI TOTOO: Aprobado na ang bill na magpapalit ng pangalan ng NAIA sa MIA
Hindi pa naaaprobahan ng Kongreso ang House Bill 10833 na inihain ng kinatawan ng Duterte Youth na si Ducielle Cardema
Buod
  • Ang sabi-sabi: Aprobado na ang panukalang batas na magpapalit ng pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Manila International Airport (MIA).
  • Marka: HINDI TOTOO
  • Ang katotohanan: Hindi pa naaaprobahan ng Kongreso ang House Bill 10833 na inihain ng kinatawan ng Duterte Youth na si Ducielle Cardema. 
  • Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact-check na ito, nakakuha na ang post na ito ng 21,000 likes at 2,676 comments. 
Mga detalye

Noong Abril 23, nagpost ang YouTube page na “Filipino Future” ng sabi-sabi na naaprobahan na ng Congress ang House Bill 10833 na inihain ng kinatawan ng Duterte Youth na si Ducielle Cardema. 

Ayon sa caption ng Filipino Future: “KAPAPASOK LANG NA BALITA! Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ibinalik na sa orihinal na pangalan nito bilang ‘Manila International Airport’ (MIA) sa bisa ng House Bill No. 10833 na ipinakilala ng Duterte Youth Partylist Rep. Cardena (sic).”

Ang larawang nagpapakita ng HB 10833 ay nanggaling sa Facebook page ng Duterte Youth party-list group. 

Nang isulat ang fact-check na ito, nakakuha na ang post na ito ng 21,000 likes at 2,676 comments. 

Hindi totoo ang sabi-sabing ito.

Ayon sa isang ulat ng Philippine News Agency, ang HB 10833 ay inihain noong Abril 11, at ipinalabas ito sa media noong Abril 16. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar na kailangan muna ng kilos mula sa Kongreso upang ipatupad ang HB 10833.

Noong Nobyembre 27, 1987, pinalitan ang pangalan ng MIA sa NAIA. Nagkaroon ng Republic Act 6639 sa ilalim ng administrasyon ni pangulong Corazon Aquino. Nais ng kasalukuyang HB 10833 na ipawalang-bisa ang RA 6639.

Sa ngayon, hindi pa rin naaaprobahan ng Kongreso ang HB 10833. Nananatili pa rin ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). 

Noong Agosto 27, 2020, nagpetisyon din ang abugadong si Larry Gadon na palitan ang pangalan ng NAIA sa MIA. Subalit ibinasura ito ng Korte Suprema. – Victoria Rufo/Rappler.com

Si Victoria Rufo ay isang Rappler Mover. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor.

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!