Marcos Fact Checks

HINDI TOTOO: Marcos caravan pinarangalan ng Guinness bilang pinakamahaba sa Pilipinas

Rappler
HINDI TOTOO: Marcos caravan pinarangalan ng Guinness bilang pinakamahaba sa Pilipinas
Walang anunsiyo mula sa Guinness World Records para sa pagkilala kay Marcos o sa mga tagasuporta niya para sa di umano’y pinakamahabang motorcade o caravan
Buod
  • Ang sabi-sabi: Si Bongbong Marcos daw ang may hawak ng Guinness World Records sa pagsasagawa ng pinakamahabang motorcade o caravan.
  • Marka: HINDI TOTOO
  • Ang katotohanan: Walang anunsiyo o pagkilala ang Guinness World Records kay Marcos o sa mga tagasuporta nito. Wala ring opisyal na balita na nag-apply ang kampo ni Marcos para sa world record.
  • Bakit kailangan i-fact-check: Mabilis na ikinalat ng iba’t-ibang YouTube at Facebook users ang sabi-sabing ito. Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 4,600 views at 45 komento ang YouTube video.
Mga detalye

Isang video mula sa YouTube channel na “CHIKABAE UPDATES” noong Nobyembre 9 ang nagsasabing hawak daw ni Bongbong Marcos ang Guiness World Records sa pagsasagawa ng pinakamahabang motorcade o caravan.

Ang pamagat ng nasabing video ay “BBM HAWAK ANG GUINESS WORLD OF RECORD AS PHILIPPINES LONGEST MOTORCADE CARAVAN! LAKAS NG NORTE!”

Ang nilalaman ng dalawa at kalahating oras na video sa Youtube ay mga pinagtagpi-tagpi at hindi magkakaugnay na clip nina senatorial aspirant Larry Gadon at ang mga pro-Duterte vlogger na sina Banat By at Dante Maravillas.

Mabilis na ikinalat ng iba’t-ibang YouTube at Facebook users ang sabi-sabing ito. Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 4,600 views at 45 komento ang YouTube video.

Hindi totoo ang sabi-sabing ito.

Walang anunsiyo mula sa Guinness World Records para sa pagkilala kay Marcos o sa mga tagasuporta niya para sa di umano’y pinakamahabang motorcade o caravan.

Wala ring balita mula sa mga lehitimong news oraganization na nag-apply ang kampo o supporters ni Marcos para sa Guinness World Records.

Kinilala ng Guinness World Records noong April 1986 ang rehimeng Marcos, bilang “greatest robbery of a government” (pinakamalaking pagnanakaw sa pamahalaan). Tinatayang $5 bilyon hanggang $10 bilyon ang ninakaw ng mga Marcos sa pondo ng mga mamamayan. – Owenh Toledo/Rappler.com

Si Owenh Toledo ay nagtapos bilang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor.

Magbahagi kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network. I-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.