Marcos Fact Checks

HINDI TOTOO: Sertipiko ng gold bullion deposit ni Marcos sa Banco de Oro

Rappler.com
HINDI TOTOO: Sertipiko ng gold bullion deposit ni Marcos sa Banco de Oro
Ang sertipiko ay hindi totoo dahil ang gamit nitong logo ng Banco De Oro ay ginamit lamang ng kompanya noong 1996 nang maging universal bank ito. Iyon ay pitong taon pagkamatay si Ferdinand Marcos noong Setyembre 28, 1989.
Buod
  • Ang sabi-sabi: May sertipiko ng deposito ng gold bullion ang yumaong diktator na si Ferdinand Marcos sa Banco De Oro Unibank.
  • Marka: HINDI TOTOO
  • Ang katotohanan: Ang sertipiko ay hindi totoo dahil ang gamit nitong logo ng Banco De Oro ay ginamit lamang ng kompanya noong 1996 nang maging universal bank ito. Iyon ay pitong taon pagkamatay si Ferdinand Marcos noong Setyembre 28, 1989.
  • Bakit kailangang i-fact-check: Ipinadala sa #FactsFirstPh Facebook group ang sabi-sabi upang ma-fact-check.
Mga detalye

Isang sertipiko ang nagpapakita ng gold bullion deposit ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos sa Banco De Oro (BDO) Unibank.

Sa isang papel na may nakasulat na “Certificate of Gold Bullion Deposits,” sinasabing nagdeposito si Marcos ng 47,150 metriko toneladang ginto na ginawang “cover clause” para sa perang nagkakahalaga ng $943 trilyon noong Enero 1983. 

Makikita sa itaas ng sertipiko ang logo ng Banco De Oro Unibank at ang lagda nina Marcos at chief executive officer ng BDO na si Roberto R. Lapid. 

Ipinadala sa #FactsFirstPH Facebook group ang sabi-sabi upang ma-fact-check.

Hindi ito totoo.

Ayon sa website ng Banco De Oro, naging universal bank lamang ito noong 1996, pitong taon pagkamatay si Marcos noong Setyembre 28, 1989. 

Sinimulang gamitin ng BDO ang logo na kasama ang salitang “Unibank” nang maging universal bank ito, kaya naman imposibleng ang isang sertipiko na nilagdaan noong buhay pa si Marcos ay mayroon ng nasabing logo.

Nasa website ng BDO ang isang milestone graph kung saan makikitang nakuha nito ang “U/KB license” noong 1996. Ayon sa Banko Sentral ng Pilipinas, ang U license ay nangangahulugang ang isang banko ay may klasipikasyon na universal bank habang ang KB license naman ay may klasipikasyon na commercial license.

May mga fact check na rin ang Rappler sa iba pang mga sabi-sabi kaugnay ng mga ginto umano ni Marcos:

– Lorenz Pasion/Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.