Marcos Fact Checks

HINDI TOTOO: Nakuha ni Marcos Sr. ang pinakamataas na marka sa kasaysayan ng bar exam sa Pilipinas

Rappler.com
HINDI TOTOO: Nakuha ni Marcos Sr. ang pinakamataas na marka sa kasaysayan ng bar exam sa Pilipinas
Si dating Supreme Court associate justice Florenz Regalado ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa Philippine bar exam – 96.70% – noong 1954
Buod
  • Ang sabi-sabi: Nakakuha ng pinakamataas na marka sa kasaysayan ng bar exam sa Pilipinas si dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos. 
  • Marka: HINDI TOTOO
  • Ang katotohanan: Si dating Supreme Court associate justice Florenz Regalado ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa bar exam (96.70%) noong 1954. 
  • Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang 652 reaksiyon, 30 komento, at 54 shares ang post na naglalaman ng sabi-sabi.
Mga detalye 

Maraming beses nang kumalat ang mga bidyo at post sa Facebook na naglalaman ng mga tagumpay umano ni dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos. Kamakailan, mabilis kumalat ang isang panibagong TikTok video na in-upload sa Facebook noong Pebrero 16.

Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang 617 reaksiyon, 22 komento, at 3,400 views ang Facebook post na naglalaman ng sabi-sabing ito.

Ayon sa bidyo, si Marcos ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa bar exam – 98.80% – sa buong kasaysayan ng Pilipinas. 

Hindi totoo ang sabi-sabing ito. 

Ayon sa opisyal na website ng Senate Electoral Tribunal, si dating Supreme Court Associate Justice Florenz Regalado ang nakakuha ng pinakamataas ng marka sa bar exam – 96.70% – noong 1954. 

Si Marcos ay nag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas, at naging topnotcher sa bar noong taong 1939. Ang nakamit na marka ni Marcos ay 92.35%, at hindi 98.80%, ayon sa isang ulat ng Vera Files noong 2021. 

Marami nang naisulat na fact check ang Rappler tungkol sa mga Marcos. Basahin ang ilang fact check tungkol sa kanilang nakaw na yaman: 

– Sofia Guanzon/Rappler.com

Magbahagi kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network. I-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.